Hello, Summer
Just finished another story. Stay safe everyone. Sana may mapulot kayong piso. Enjoy reading! Lablats.
📌
(Play "Malaya" by Moria Dela Torre while reading)
"I love you."
"I love you too." Napuno ang buong kwarto ng palakpakan at hiyawan matapos marinig ang pagpapalitan ng I love you ni Ruel at Cheska.
"Yieee.." Tuksuhan ng lahat kaya wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti ng makita ko si Ruel na tumingin sakin.
Andito kami ngayon sa bahay ni Ruel dahil nga sa sabay na celebration ng birthday, anniversary nila ni Cheska, at graduation party. Naupo nalang ako sa gilid tsaka kumuha ng root beer at agad iyung ininom dahil iyun ang kailangan ko ngayon. Masaya ako, masaya ako para kay Ruel, para samin dahil finally eh graduate na rin kami. At uni-unti ng matutupad ang pangarap naming pareho na maging dentista.Alas-nwebe na ng gabi. Hihintayin ko nalang na makapagpaalam ako kay Ruel mayamaya ng makauwi narin ako dahil meron din kaming celebration sa restaurant kasama sina Yesha at Gelo kasama ang mga pamilya namin.
"Pwede?" Nag-angat ako ng tingin ng marinig iyun muka sa kung sino. Pero agad akong tumango tsaka umayos ng upo at ngumiti kay Ruel.
"C-congrats satin." Sabi ko kaya ngumiti lang eto sakin, at alam kong pilit iyun.
Ilang minutong katahimikan bago sya tumikhim. "Sigurado akong masaya sya kung nasan man sya ngayon." Nahinto ako ng marinig iyun mula sakanya. Ramdam ko din ang biglang pagsikip ng dibdib ko pero ngiting-ngiti lang akong tumango.
Halos mag-iisang taon na't lahat pero pakiramdam ko bagong-bago lang at kahapon lang nangyari ang lahat. Na hindi lang sakit sa kidney etong masakit, kundi pati narin etong nararamdaman ko.
Hindi na ako nagtagal pa sa party ni Ruel. Masyadong nanghihina ang katawan ko, gusto ko na sanang tumuloy sa bahay pero kinailangan kong magpunta sa restaurant dahil alam kong naghihintay sila dun.
Andami ng nangyari sa buhay ko. At syempre gaya ng mga nakaraang pagsubok eh hindi naging madali ang lahat. Lagi akong lutang, lutang sa kawalan na para bang naghihintay ng kung ano. Masakit... yung sakit na hindi mo madadaan sa pag-inom ng kung anong gamot. Na halos araw-araw wala akong ibang magawa kundi ang umiyak at magmukmok.
Na kung dati, lagi nyang sinasabi sakin na hindi nya ako iiwan, na lagi lang syang nasa tabi ko't hindi mapapagod kailanman. Nakaka-asar pero, wala na talaga eh, masakit man isipin pero yun yung totoo, wala na.. iniwan nya rin ko.
Minsan, natatakot akong gumising sa araw-araw dahil alam kong hindi na mukha nya ang sasalubong sa akin.
Naiinis ako sa lahat, mula dun sa driver nung truck, sa kanya, sa sarili ko sa mga taong wala namang kinalaman sa pagkawala nya, inis ako sa buong mundo. Na hindi ko alam kung anong gagawin kundi ang manisi. Pero okay na nga rin ngayon eh, hindi tulad nung dati na ginawa kong araw iyung gabi kakaiyak. Tsk.
.
Sandali kong pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. Mugtong-mugto ang mata ko kaya ilang foundation ang nagamit ko para patungan iyun. Matapos kasi iyung selebrasyon namin sa restaurant eh umuwi kaagad ako kagabi sa bahay dahil sa panghihina ng buong katawan ko.

YOU ARE READING
Hello, Summer
Teen FictionIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)