Chapter 25

14 2 0
                                    

Naging okay ang lahat netong dumating na araw. Madalas kaming magkasama ni Summer kahit na tutok sya sa pag eensayo para sa paghahanda nila sa contest na sasalihan nila sa Korea.


At hindi ko inasahan yun. Nung una aminado akong naging praning ako. Kulang nalang i-spy ko si Summer para masiguro na hindi sila nag-uusap ni Rica. Pero syempre hindi ko rin iyun ginawa. Lalo na't nararamdaman kong okay lang naman kami.



Netong dumaang linggo eh napapadalas ang pag v-video call namin kina Mama. At kadalasan si Summer ang lagi nilang kausap. Nakakatuwa nga lang dahil kahit na magkalayo kami eh pakiramdam ko magkalapit na magkalapit lang kami sa tuwing kausap ni Summer ang pamilya ko.


Naging magaan ang loob nila kay Summer na hindi rin daw nila inaasahan. Nakakatuwa lang sa tuwing naiisip ko iyun, mas naiisip ko na tama pala iyung naging disesyun ko.



Hindi nya man ako niligawan, pinaparamdam nya sakin na hindi kailanman magiging basehan iyun para masabi kung bong mangyayari sa amin.



"Antok ka na?" Napatingin ako kay Summer na sa tabi ko't nakahiga, pero umiling ako kahit na ang totoo eh inaantok na nga talaga ako.



Alas-nwebe na ng gabi at naandito kami ngayon sa isang bakanteng lote at nakaupo dito sa ibabaw ng kotse habang nakatingin sa kalangitan kung san patuloy sa pagkislap ang mga bituin sa kalangitan.




"Hmm. Ano nga pala ginagawa natin dito?" Tanong ko kaya umayos sya ng upo ag ganun din ang ginawa ko.




"Bukod sa gusto kong makita mo ang napakagandang bituin sa langit..." Sandali syang bumaba tsaka nagtungo sa na animoy may kukunin.




Mayamaya pa eh bumalik narin sya habang dala ang sketchpad. Tsk. Mag d-drawing ba sya dito?




"You see this?" Tanong nya tsaka inabot sakin ang sketchpad kong saan naka-drawing ang isang bahay.



"O-oo."




"Now, you see... this?" Sunod na tanong nya habang itinuro ang buong bakanteng lote kaya tumango ako.



"B-bakit?" Takang tanong ko parin. Sandali syang ngumiti sakin habang hinawakan ang kamay ko.



"Dito, dito natin itatayo iyang bahay na yan." Ramdam ko bigla ang malakas na pag-pintig ng dibdib ko.




Muli kong tiningnan ang drawing nyang bahay. Sobrang ganda. At dahil sa sinabi nyang iyun bigla kong na-imagine kung anong magiging itsura neto pagnagkataon.




Sunod kong naramdaman ang pamumuo ng luha sa mata ko na agad na tumulo. Pero sandali akong napahawak sa dibdib ko ng maramdaman ko ang biglang pananakit ng dibdib ko.



"O-okay ka lang?" May pag-aalalang tanong ni Summer tsaka ako hinawakan pero tumango lang ako tsaka sandaling uminom nung bottled water.


Ng makabawi ako ng paghinga eh agad akong tumingin kay Summer na bakas ang pag-aalala sc mukha, pero nagbago iyun ng ngumiti ako sakanya. "M-masaya lang ako."




Ngumiti eto pabalik sakin taka ako inakbayan. Ramdam ko parin ang pananakit ng dibdib ko pero hindi ko na iyun masyadong pinansin at pina-halata. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa dibdib nya habang pinagmamasdan ang bakanteng lote.



"Dito... dito natin ipapatayo yung gate." Pagturo nya sa isang banda. "'Dun naman iyung garage. Lalagyan din natin ng mini dance studio para maturuan kita sa pagsasayaw. Dun sa likod, lalagyan natin iyun ng playground para sa magiging tatlong anak natin..." Kita ko ang ngiti sa labi nya habang sinasabi ang mga salitang iyun.




Hello, SummerWhere stories live. Discover now