Chapter 10

24 2 0
                                    

Matapos ang araw na iyun, ngayon nga eh Linggo na kaya andito lang kami sa bahay. Su-sulitin daw nila ang araw na eto para makapagpahinga dahil bukas eh balik na naman sila sa kani-kanilang pinagka-ka-ablahan.



"Tikman nyo ko." Bigla naman kaming natigil ni Yesha dahil sa sinabi ni Gelo. "I mean, tikman nyo etong bi-nake ko." Aniya tsaka inilapag sa center table ang brownies. Hanep! Magluto nga ng ulam laging palpak, nakuha pang mag-bake.



"Dont worry, sigurado akong magugustuhan nyo 'to. Tinuro sakin ni Raven kung pano gumawa nyan kaya sigurado akong magugustuhan nyo yan." Sandali naman kaming nagkatinginan ni Yesha tsaka napilitang kumuha.



Naalala ko pa, malinaw na malinaw pa sa memorya ko. Huling kain ko nung ginawa nyang cupcakes eh talaga nga namang napakasama ng lasa. Ayoko mang tikman ulit ang isang to pero, gusto ko din syang matuto kahit papano.



"How is it?" Tanong ni Gelo kaya sandali akong napatango-tango.



"Nasobrahan ka lang sa vanilla. Konting practice pa." Sabi ko kaya naman biglang nagliwanag ang mukha neto tsaka nagta-talon sa tuwa.



Mayamaya narinig namin ang biglang pagkatok ng kung sino sa may gate. At dahil malapit si Gelo sa pinto eh sya na ang nag-insist na pag-buksan ang kung sino.


"Not bad." Ani Yesha habang patuloy sa pag-kain.


"Yup, and so now its your turn." Sabi ko dahilan para mapangisi eto.


Mayamaya nabaling ang tingin namin sa may pinto ng bumukas ulit iyun. Pero bigla kaming natigilan matapos makita ang lalakeng nakikita ko sa mga oras na eto.



"Sam?" Ani Yesha tsaka sinalubong si Summer at agad iyung tinapik sa balikat. "What brings you here?" Sunod na tanong nya pero biglang tumibok ng napakabilis ang pintig ng puso ko ng tumingin eto sa akin.


"I, Just came to... get her." Sagot naman neto dahilan para agad na mamilog ang mata nina Gelo at Yesha.



"Puta! Mag d-date kayo?" Takang tanong ni Yesha kaya naman sinamaan ko eto ng tingin. Masama pa sa salitang masama.


"No, never." Depensa ko tsaka tumingin dito kay Summer na nakangiting nakatingin lang sa akin. Kaya naman napatayo ako mula sa pagkakaupo tsaka sya hinatak palabas sa terrace. "W-why?"



"Anong why? Kamo, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko tsaka napahawak sa bewang habang hinihintay ang magiging sagot nya.



"Diba, sabi ko sayo tuturuan kita." Bahagyang umawang ang labi ko tsaka napapailing sa kung anong sinabi nya.



"S-seryoso ka talaga dun?" 'Di makapaniwalang tanong ko kaya naman sandali etong napa-mulsa tsaka tumango.



"Of course." Aniya tsaka lalong ngumiti dahilan para mapa-irap ako. Shit! Ang gwapo nya. "So ano? tara na?" Sandali naman akong natigil dahil sa sinabi nya.



"Sige na." Napa-igtad naman ako ng marinig ang boses na iyun mula kay Yesha na naka-dungaw sa may bintana at mukhang kanina pa nanunuod at nakikinig sa pinag-uusapan namin.



Ang totoo nyan, gusto ko nga naman talagang matuto. Ang kaso nga lang, masyado akong pinanghihinaan ng loob. Lalo na dahil sa ginawa nya nung nakaraan na pagtawa sa akin. Nakakainis kaya iyun. Tsaka isa pa, hindi naman ako sanay na meroong tulad ni Summer at Axle na handang magturo sa akin eh.



Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit nila ginagawa sa'kin to. Samantalang wala naman ako kinalaman sa buhay nila.


Hello, SummerWhere stories live. Discover now