Chapter 6

20 2 0
                                    

Sandali akong nahinto sa paglalakad ng marinig ko ang biglang pag-kulog.  Kaya naman napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang pagkagulat. Mukhang uulan ata ngayon ah. At mukha ring mamatay ako dahil sa pagkagulat.



Ng mabili ko na ang ice-cream na kanina ko pa kini-crave eh nagsimula na ulit akong lumakad ng makauwi na ako ng bahay dahil malamang eh hinahanap na ako ni Yesha sa bahay.



Wala silang practice ngayon dahil nga mapagdesisyunan nilang magpahinga muna bago ulit mag-ensayo para sa mga susunod na kompetisyon. Habang si Gelo naman eh may pasok sa cafe kung san sya namamasukan ngayong summer.


So bale tatlo ang binili kong ice cream, ang isa eh para sa akin, ang pangalawa naman eh para sa akin, at ang pangatlo eh para sa akin ulit. Syempre pera ko to nuh. Binuksan ko na ang isa at sinimulang kainin habang naglalakad.


Ng makatawid na ako sa may pedestrian lane bigla akong nahinto sa paglalakad ng makita ko ang lalakeng nakatayo sa may waiting shed. At hindi ako pwedeng magkamali, kahit naka side view sya at hindi ko pa sya gaanong kakilala sigurado akong si Summer iyun.



Pero anong ginagawa nya dito? Bigla ko tuloy naalala iyung kagabi. Mukhang may kausap eto mula sa cellphone nya pero napailing nalang ako tsaka nagpatuloy sa paglakad. Pero kung minamalas ka nga naman talaga biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.


Niyakap ko ng maigi ang ice cream na nakalagay sa paper bag dahil paniguradong mabubutas eto. Tatakbo na sana ako pero naisip kong masyado pang malayo kung tatakbo ako pauwi ng bahay. At malamang lusaw na eto pagdating ko sa bahay. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magtungo nalang sa may waiting shed.


Kaagad kong inilagay ang dala ko sa sementadong upuan tsaka pinunasan ang sarili gamit ang kamay ko dahil sa ulan. Kainis naman kasi eh. Talagang ngayon pa nangyari to, eh pwede namang paguwi ko nalang sana.



Pero sandali akong natigilan ng mabaling ang tingin ko dito sa lalakeng nakatingin na sa akin. At ngayon ko lang din ulit na-realize na andito nga pala sya.




Pansin ko ang pag-singhap neto bago naupo sa upuan kaya napaiwas nalang ako ng tingin tsaka kinuha iyung paper bag na naglalaman ng ice cream na unti-unti ng nalulusaw. Nabasa na ng ulan iyung ice cream na kinakain ko kanina kaya itinapon ko nalang sa basurahan sa gilid.



Naku naman. Sayang naman etong ice cream kung matu-tuunaw lang, lalo naman kung itatapon ko. Kaya napilitan narin akong kainin iyun. Tutal wala narin naman akong magagawa kesa itapon ko pa. Sayang pera ko, pwede ko na sana eto'ng ipandagdag sa renta ng bahay. 



Napasandal ako sa may poste ng waiting shed habang pinagmamasdan ang mga nagda-daanan na mga sasakyan. Feel na feel ko din ang pagkain ng ice cream sa kabila ng napakalamig na panahon. 



"Puta, wala atang balak tumigil etong ulan na'to." Inis kong sabi habang patuloy sa pagkain.



"Napaka babaeng tao napaka lutong mag mura." Natigil naman ako ng marinig ang boses na iyun. Kaya sandali kong nilingon ang lalakeng nakaupo habang kinakalikot ang kuko nya.




"Ako ba pinaparinggan mo?" Tanong ko dito kaya napangisi eto.




"What do you think?" Sunod na tanong nya pero hindi nalang ako umimik tsaka napailing na nagpatuloy sa pagkain. "You know what? I was just wondering about what is the real purpose of the constructors making this one." Aniya tsaka tumingin sa sementadong upuan na inuupuan nya ngayon. 


"I know you wanted to say something, but can you just be specific. Though I already know what youre trying to say." Sabi ko pero napangisi eto.


Hello, SummerWhere stories live. Discover now