Chapter 22

19 2 0
                                        

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang paligid habang tahimk na nakaupo dito sa sofa. Napaka tahimik ng paligid pero hindi din naman ako naiinip sa paghintay sa mga magulang ni Summer dahil abala ako sa pag tingin sa kagamitan dito sa bahay nila.


Pucha! Yung feeling na gusto kong hawakan at tingnan lahat ng nakikita ko dito pero hindi ko magawa dahil sa takot na baka mabasag ang mga kagamitan. Gigi-ntuin halos ng kagamitan nila dito. Mapagbintangan pa ako pag nagkataong may mawala dito, o di kaya mabasag ko pa.



"Here." Nabaling ang tingin ko kay Summer na nasa tabi ko na habang inabot sakin ang baso ng tubig, kaya ngiti'ng-ngiti ko naman iyung tinanggap.


Mag-iisang oras na din ata kaming naghihintay dito pero wala pa rin iyung mga magulang nya, nasa trabaho pa daw.



"Debbie?" Sandali akong nahinto ng marinig iyun mula sa lalakeng nasa may hagdan. Kaya naman agad akong napangiti ng makita ko ang paghakbang si Rain patungo sa kung nasan kami ngayon.



"Hi." Bati ko kay Rain ng tuluyan na etong makarating sa tapat namin.



"What are you two doing here? I didnt know you would be here tonight." Takang tanong neto kaya napatingin ako kay Summer.


Akmang magsasalita na sana si Summer ng mabaling ang tingin naming lahat sa may pinto ng bumukas iyun. At bumungad samin ang lalake at babaeng mukhang nasa middle age ang aura. Naka formal attire eto pareho na mukhang galing nga sa trabaho.



Tumayo ako ng makita kong tumayo si Summer. "Mom, Dad.." Bati ni Summer sa Magulang nya. Shocks! Eto na nga sila.



Ngayon ko lang din napansin, kamukhang-kamukha nga nina Rain at Summer etong Daddy nila. Nakikita ko na kung anong magiging posibleng mukha nila pareho pag umabot na sila sa ganung edad.



Pansin kong napatingin eto pareho sakin kaya ngumiti ako tsaka bahagyang kumaway kahit na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.



"Hmm. Mom, Dad... I want you to meet Debbie, my girlfriend." Pagpapakilala ni Summer sakin tsaka hinawakan ang bewang ko papalapit sakanya. Pero nanatiling walang imik iyung Dad nya habang ngumiti namin sakin iyung Mommy nya.



"Sir, ready na po ang dinner." Rinig naming sabi ng sa tingin ko eh kasambahay nila kaya tumango lang si Summer tsaka eto sinenyasan.



Nakita kong humakbang na eto patungo sa dining kaya naman tumingin ako sandali kay Summer pero ngumiti lang sya sakin tsaka hinawakan ang kamay ko. Ewan ko ba pero lalo nalang dumoble ang kabang nararamdaman ko.



Mayamaya eh nagtungo narin kami sa dining tsaka naupo sa katabi ni Summer habang kaharap ko si Rain. Naging tahimk lang kaming lahat at tanging tunog ng mga kubyertos ang naririnig namin. At sobrang nakaka-ilang, lalo na't nakikita kong napatingin sakin ang mga magulang nya.



"So Debbie, right?" Pagbasag sa katahimikan ng Mommy nya kaya tumango ako. "Walang nai-kwento sa amin si Sam na meron na pala syang girlfriend." Sandali akong tumingin kay Summer bago ulit tumingin sa Mommy nya.



"Actually, bago lang po kami kaya siguro hindi pa naikwe-kwento ni Summer." Sabi ko tsaka ngumiti at pilit na itinatago ang kaba.



"I see.." Anito tsaka ngumiti.



"So specifically... how long youve been dating?" Natigilan kami ng marinig iyun mula sa Daddy nya. Akmang magsasalita na sana ko ng unahan na ako ni Summer. 


"Hmm. Kahapon lang."



"Oh, so how long did he court you?" Sunod na tanong neto sakin dahilan para matigilan kami pareho ni Summer. Bakit ba kasi ganito etong Papa ni Summer? Kung maka-tanong parang nasa emigration.


Hello, SummerWhere stories live. Discover now