"Alin kaya mas masarap dito?" Tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang dalawang magkaibang oat meal na hawak ko.
Nagsawa na kasi ako dun sa oatmeal na kinakain ko araw-araw kaya gusto ko namang subukan etong iba. Andito ako ngayon sa grocery store para mamili dahil sa wala na nga kaming stocks sa bahay kaya naisipan ko ng mag grocery ngayong araw na eto.
Magpapasama pa nga sana ako kina Yesha kaso alam kong pagod sila dahil sa kani-kanilang gawin buong weekdays kaya naisipan kong ibigay na sakanila ang araw na eto ng makapagpahinga sila.
Tutal wala naman akong ginagawa. Masyado rin akong na-bored sa bahay dahil hindi ko nga naman sila maka-usap.
"I prefer that one." Nabigla ako ng marinig ang boses na iyun mula sa kung sino. Kaya agad akong lumingon sa lalakeng ngayon eh patungo na sa harap ko. "Thou its kinda expensive, but sure, Its way better for your digestion." Aniya tsaka kumuha ng box na isang klase ng oat meal tsaka iyun nilagay sa cart nya.
Pero bigla akong napangisi habang napapailing ng ma-realize na sya ang ang nasa harap ko. Na si Summer nga etong nasa harap ko ngayon.
"A-anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko kaya naman nagkibit balikat eto.
"I dont know, maybe beacause this is a... grocery store." Aniya kaya naman bahagya akong natawa ng marealize ng katangahan ko.
"Yeah, of course." Tanging nasabi ko tsaka nag-iwas ng tingin habang inilagay sa cart iyung isang box ng oat meal na kagaya ng kinuha nya. Way better daw eh.
"So, youre with someone?" Sabi nya habang tumingin sa paligid pero napailing naman ako tsaka nagsimulang maglakad habang tulak-tulak ang pushcart at ganun din sya na sinasabayan ako sa paglakad.
"Nope, mag-isa lang ako. Nagpapahinga sina Yesha at Gelo sa bahay eh." Tumango lang sya habang kumukuha ng mga nadadaanan namin.
Ng matapos kong mabili lahat ng kailangan ko eh nagtungo narin ako sa counter at ganun din si Summer. Hanggang mabayaran ko na ang mga pinamili ko, akmang itutulak ko na sana ulit ang push cart ng biglang may humawak dun dahilan para matigil ako.
"Hmm. Mag c-commute?" Tanong nya kaya tumango ako. Ang totoo nyan, gusto ko sanang hiramin iyung kotse ni Gelo pero nawalan ako ng ganang mag drive kaya nag taxi nalang ako kanina. "Hmm. What if, I give you a ride." Aniya kaya naman bahagyang nagtaas ang kilay ko.
Naalala ko tuloy iyung unang beses na inalok nya ako nung nakaraang nagkit kami sa may waiting shed, na ihahatid nya daw ako sa bahay pero tumanggi ako at ganun din nya ako kabilis na iniwan.
Kung sasama ako sakanya, makakatipid ako ng pamasahe, plus makakasama ko pa sya. Hindi ako ma b-boring sakaling ma-traffic kami sa daan.
"Okay lang ba sayo?" Tanong ko kaya naman bigla eto ngumiti habang napa-pa-tango.
"Of course." Aniya tsaka lalong lumapad ang ngiti. "Hmm. So, lets go." Sumunod nalang ako sakanya sa paglalakad habang tulak ang cart.
Nagtungo na nga kami sa car park kung san nya pi-nark ang kotse nya. Pinagbuksan nya pa ako ng pinto kaya naman ngiting-ngiti akong pumasok dun tsaka inilagay ang mga pinamili sa likod.
Ewan ko ba, sa tuwing sasakay ako sa kotse nya feeling ko prinsesa'ng-prinsesa ang dating ko. Iyung pag-bubuksan nya ako ng pinto at a-alalayang makababa. Haha.
Agad din nyang pinaandar ang kotse nya ng sunod etong makapasok. Pero nakiusap sya na may daanan daw muna kami. Hindi ko nga lang alam kung saan dahil hindi naman nya sinabi sakin.
YOU ARE READING
Hello, Summer
Fiksi RemajaIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)