Maaga akong nagising kinabukasan pero nanatili lang ako sa kwarto ko hanggang sa masigurong nakaalis na sila.
Matapos kasi iyung naging pag-uusap namin kagabi. Aminado akong nasaktan ako sa lahat ng sinabi nila. Kahit na halos totoo naman lahat ng iyun.
Alas-otso na ng umaga at kasalukuyan akong nakaupo habang hinihintay si Summer. Anditi kami ngayon sa garage sa bahay ng Mama ni Summer.
Kani-kanina lang matapos nya akong sunduin sa bahay. Nagtaka pa nga ako kung bakit nya ako sinundo, dahil sa pagkaka-alam ko meron silang practice ngayon pero sabi nya hindi sya pumunta. Tinanong ko sya kung bakit pero sabi nya lang na wala syang ganang mag practice.
Mayamaya napatingin ako sa pinto ng makita ko na si Summer na papasok habang may dala-dalang inumin.
"Okay ka lang?" Tanong nya sakin kaya sandali akong tumingin sakanya bago tumango.
Mukhang napansin nya ata ang pagigibg tahimik ko ngayon. 'Wag nga lang sana ang eyebags ko.
"Okay lang ako." Sabi ko pero nagtaas lang ang kilay eto tsaka napangisi.
"I guess I'll take that as a no." Tiningnan ko naman sya ng may pagtataka sa mukha pero ngumiti labg eto akin. "Dont worry, I wont ask nor force you to talk 'bout that." Tumayo sya tsaka nagtungo sa gitna at nagsimulang magsayaw.
Tumayo nalang ako mula sa pagkaka-upo tsaka tumabi sakanya. Bago nagsimulang mag sayaw. Pero ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon. Sobrang bigat ng buong katawan ko na hindi ko maintindihan.
"Hindi mo ba nakikita? May girlfriend na si Ruel. Kahit na ano pang gawin mo hindi ka nya magugustuhan. Ganun ba ka-hirap intindihan yun?"
Natigil ako ng maalala ang mga salitang iyun mula sa naging pag-uusap namin ni Yesha kagabi. Pinagmasdan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin tsaka iyun pinagmasdan.
Hanggang sa maramdaman ko na naman ang pamumuo ng luha mula sa mata ko. Pero pilit ko iyung pinipigilan. Ayokong makita ako ni Summer na umiiyak lalo na't hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan kubg bakit ako umiiyak.
"You okay?" Rinig kong tanong ni Summer pero hindi ko iyun nagawang sagutin at hinayaang maupo sa sahig dahil sa sobrang panghihina ng katawan.
Maging ang luhang kanina ko pa pinipigil eh kusa ng tumulo. Mas pinipigil ko ang luha eh lalo ko lang nararamdaman ang sakit.
"Bakit ganun?" Panimulang sabi ko tsaka sandaling humugot ng sapat na lakas para makapagsalita. Ramdam kong naupo din si Summer sa tabi ko. "Hindi na ba talaga ako pwedeng maging masaya?" Tanong ko habang napapangisi.
"Akala ko, dahil paulit-ulit ng nangyayari eh mapapadali nalang lahat. Na matatanggap ko ang buong katotohanan. Pero mas masakit pala eh." Ramdam ko ang marahang pag-akbay sakin ni Summer tsaka iyun marahang hinagod na animoy pinapakalma.
Nanatili lang syang tahimik habang ako naman eh patuloy sa pagluha. Pansin ko rin na bakas sa mukha nya ang pagtataka at gustong malaman kubg anong nangyayari pero hindi nya nagawa.
Ewan ko nga ba kung bakit ko nagawang umiyak dito. Malamang sa malamang nag-u-umapaw na ang malaking question mark sa isipan nya.
Andito na ako ngayon sa kotse ni Summer habang pinagmamasdan ang mga street light na nadadaanan namin. Ala-syete ng gabi pero hindi parin ako umuuwi ng bahay. Kahit na feeling ko eh inaantok na ako, mas pinili kong manatili kasama si Summer.
"Hindi ka ba lalabas?" Sandali akong tumingin kay Summer na ngayon eh nasa labas na ng kotse nya. Ngayon kp lang din narealize na tumigil na nga kami.

YOU ARE READING
Hello, Summer
Fiksi RemajaIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)