Chapter 23

18 2 0
                                        

Bumaba na ako ng kotse habang bitbit ang paper bag ng makarating na ulit kami sa bahay galing sa pag g-grocery. Naisipan naming mamili ngayon nina Yesha at Gelo dahil nauubusan na kami ng stocks. Sakto namang wala silang ganap ngayon kaya nagkaroon din kaming oras makapaglakad-lakad kahit na araw-araw kaming magkasama.



Akmang papasok na sana kami ng bahay ng biglang may tumigil na kotse sa tapat namin kaya sandali naming hinintay kung sino ang sakay nun. Pero bigla akong natigilan matapos makita kung sino ang lalakeng lumabas mula sa kotse. Si Ruel. 



"H-hi." Bungad na bati neto samin, pero nanatili lang akong walang imik dahil sa naalala ko iyung naging pag-uusap namin nung nakaraan. "P-pwede ba ulit kitang makausap, Deb?"



Sandali akong napalunok bago tumingin kina Gelo at Yesha na tumango lang. "Sige, maiwan muna namin kayo." Ani Yesha kaya naiwan nga kami ni Ruel kaya nagtungo kami sa may terrace para makapag-usap.



Tahimk lang kami pareho, sya ang gustong kumausap sakin kaya hinihintay ko lang kung anong unang sasabihin nya.


"May... boyfriend ka na pala." Pag-basag nya ng katahimikan kaya taka ko etong tiningnan.



"P-pano mo nalaman?"



"Hindi na yun mahalaga." Aniya tsaka napasandal. Tsk. Ang bilis naman ata kumalat ng balita. Sa pagkakaalam ko hindi naman sila magkakilala ni Summer.



"Hmm. Ikaw, kayo ni Cheska? Kamusta na kayo?" Tanong ko dito para ibahin iyung topic.



Baka may itanong sya sakin, tungkol sa panliligaw ni Summer na halos naging tanong ng lahat. Dahil ayokong ikwento iyun sakanya, baka isipin nya napaka easy to get ko, o di kaya naman baka isipin nya na baka ginagamit ko lang si Summer dahil alam nyang meron parin akong nararamdaman sakanya.



"Okay lang." Tipid na sagot nya tsaka tumingin sakin. Pero nag-iwas lang ako mg tingin dahil alam kong hindi ko kakayanin na makipagtitigan sakanya ngayong sobrang ilang ang nararamdaman ko.



"Sorry." Aniya sa malumanay na boses. "Hindi ko alam na... yun pala iyung nararamdaman mo." Bahagyang umawang ang labi ko dahil sa sinabi nya.


"Pano mo malalaman? Hindi ka naman nag-a-abala para tanungin ako tungkol dun." Pagpuputol ko tsaka sandaling napalunok. "Sa kung anong nararamdaman ko."


Kita kong natigilan sya sa kung anong sinabi ko pero todo ako ngiti para huwag nyang isiping may hinanakit ako kahit yun naman talaga ang totoo.



"Pero okay lang naman na eh. Masaya ka na, masaya narin ako. Kayo na ni Cheska, meron na akong Summer." Sabi ko tsaka nakagat sa pang-ibabang labi.


"Deb, siguro nga naging manhid ako. Pasensya kung nasaktan man kita, hindi ko intensyong gawin yun sayo, lalo na't kaibigan kita. Importante ka sakin." Natigilan ako ng marinig iyun mula sakanya.

Ngayon, nagsisimula ng mag-sink in sa utak ko ang mga bagay na hindi ko naisip nung una palang. Wala syang kasalanan, sadyang ako lang etong tangang umasa sa wala. Kasalanan ko din eh.

"A-alam ko yun." Sabi ko tsaka sya tiningnan ng diretso. "Masakit man pero, sadyang mahirap talagang ipagpilitan ang isang bagay na hindi naman talaga para sakin. Hindi ka para sakin."

"Deb..." Sambit nya sa pangalan ko tsaka hinawakan ang kamay ko. "I'm---"

Umiling ako bago pa nya tapusin ang sasabihin nya. "Okay lang yun. Kung meron ka mang dapat gawin, eh yun yung patuloy mong mahalin si Cheska. Sa ganong paraan, mararamdaman ko na minahal mo narin ako kahit papano." Sinundan ko ng ngiti ang mga salitang iyun.

Hello, SummerWhere stories live. Discover now