"Kampai!" Ani Carlo habang itinaas ang hawak nyang baso, kasabay nun ang paghiyawan ng buong grupo.
Andito kami ngayon sa bar sa kadahilanang panalo ulit ang grupo nila, kaya eto kami ni Gelo kasama sa pag celebrate nila. Medyo inaantok narin ako pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayoko din kasing magsolo sa bahay.
Kaya naupo nalang ako sa gilid habang hindi maubos-ubos ang baso na may lamang tubig. Wala akong gana at wala akong balak na mag-inom, baka maulit uli iyung nangyari nung nakaraan. Walang ibang mag a-asikaso kina Yesha at Gelo kung mag la-lasing ako. Mahirap na, baka dito kami umagahan.
Inikot ko lang ang paningin ko sa buong bar, walang ibang masyadong tao bukod samin na halos ma-invade na ang buong bar. Pero sandali akong nahinto ng biglang mahagip ng paningin si Axle na paparating, kaya umayos ako ng upo.
"Can... I?" Aniya kaya tumango ako kaya naupo na sya sa katabi.
"Hmm. Sya nga pala, congrats ulit. Ang galing mo kanina." Napangiti eto dahil sa sinabi ko.
"Salamat." Tanging nasabi nya tsaka nagpatuloy sa pag-inom. Habang abala ako sa pagtingin sa paligid eh sandali akong nahinto ng mapansin kong nakatitig sa akin si Axle, mukhang napansin nya na nagtataka ako kaya agad etong napaiwas ng tingin habang may kinukuha na kung ano sa bulsa nya.
"Here." Sambit nya habang inaabot sakin ang panyo nya. "Mukhang naiinitan ka." Agad ko namang pinakiramdaman ang sarili ko at Oo nga, pinagpapawisan nga ako.
"S-salamat." Sabi ko bago iyun kinuha tsak pinunasan iyung pawis na namumuo sa nuo at leeg ko.
Pero natigilan ako ng maramdaman kong dumapo sa pisngi ko iyung palad ni Axle habang ngayon eh pinupunasan iyung pawis sa noo ko, tsaka hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko. Halos nakatingin lang ako sakanya habang ginagawa nya iyun.
Pinaghalong pagtataka at gulat ang nararamdaman ko ngayon, pero hindi ko rin maintindihan kung bakit hinayaan ko lang syang gawin iyun.
"Uy, mukhang may nagkakamabutihan dito." Natauhan ako ng bigla ko iyung marinig kay Carlo na ngayon eh nasa harap na namin maging iyung mga ka-grupo nila.
"Yieee." Biglang panunukso nila kaya agad akong napailing.
"T-teka, mali kayo ng iniisip. Nag-uusap lang kami dito eh." Depensa ko.
"Yiee.." Mas lalong lumakas ang hiyawan nila dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Pinangunahan pa ni Gelo at Yesha na nakaka-asar. Shocks, nakakahiya. Kita kong napansin din iyun ni Axle kaya dumistansya sya a akin ng kaunti.
Habang patuloy sila sa panunukso samin eh biglang nahagip ng paningin ko si Summer na nakatayo habang kausap ang isa sa mga ka-grupo nila at umiinom habang seryosong nakatingin samin. Ngumiti ako dito, pero nag-iwas lang sya ng tingin. Tsk. Anyare dun?
Mayamaya nagsi-lapitan na silang lahat sa table kung nasan kami, at dahil sa marami sila eh nagsipag-siksikan kami dito sa couch kaya halos magkadikit na magkadikit na naman ulit kami ni Axle. Mas dikit na dikit.
"So, lets play a game." Sigaw ni Yesha na agad nilang sinang-ayunan. Kaya hinihintay ng lahat kung anong kasunod netong sasabihin. Hanggang sa itinaas ni Yesha ang bote ng 7up mukhang na-gets din nilang lahat iyun kaya nag-hiyawan ulit ang mga eto. Tsk. Lakas ng tama ng mga to.
"Spin the bottle, featuring truth or dare." Ani Althea habag bakas sa mukha ang excitement. Kaya sandali kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. "Oh teka, saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Althea ng makita akong napatayo mula sa pagkakaupo, kaya halos lahat sila eh napatingin narin sakin.
YOU ARE READING
Hello, Summer
Teen FictionIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)