Hindi ko alam kung ilang oras ko ng pinagmamasdan ang cellphone na hawak ko ngayon. Alas-otso na ng gabi pero hind parin ko dinadalaw ng antok.
Ewan ko ba kung bakit. Eh kanina pa ako nag iisip kung paano ko eto masasa-uli dun sa lalakeng iyun.
Ilang sandali lang eh bigla naman akong napa-igtad ng marinig ang biglang pag ring neto. Kqya naitapon ko sa kama sa sobrang pagkagulat.
Babe's calling...
Pucha girlfriend ba eto nung lalake? Malamang babe nga diba. Pero ano namang gagawin ko dito? Alangan namang sagutin ko edi napagkamalan pa akong kabet o di kaya magnanakaw.
Matapos ang ilang beses na pag ring eh nahinto narin eto. Kaya kinuha ko ang cellphone ng may mag pop-up na message.
From: Babe
We need to talk.
Kununot ang noo ko dahil sa nabasa ko. We need to talk? Eh papano, eh nasa akin ang cellphone nung babe na eto. Tsk.
From: Babe
Are you still mad at me?
Sunod na message na dumating. Puta anong gagawin ko?
"Deb! may extra sanitary pad ka ba dyan?"
"Ay kabayo!" Wala sa isip kong sabi ng marinig ang boses na iyun mula kay Yesha na papasok ng kwarto ko. "Ano ka ba namang babae ka? Papatayin mo ba ako sa gulat?" Asar kong sabi kay napahagikhik eto.
"Sorry naman." Aniya tsaka nahiga sa kama ko. Pero sandali etong natigil ng mabaling ang tingin sa cellphone na hawak ko. "Uy, bumili ka ng bagong phone?" Tanong nya tsaka kinuha iyun mula sa pagkakahawak ko habang sinisipat.
"Hindi sakin yan." Nagsalubong ang kilay nya dahil sa sinabi ko.
"Eh kanino?" Napa-isip naman ako sa tanong nya. Di kaya kilala nya ang lalakeng iyun? Malamang Oo, pareho silang mananayaw kaya hindi malabong magkakilala nga sila.
"Ewan, napulot ko lang." Pagdadahilan ko kaya naman bigla etong napa-cross arms.
"Alam mo? itapon mo na yan." Taka ko naman syang tiningnan. "Baka ma-trace ka pa. Mapahamak ka pa dyan sa pinaggagawa mo." Aniya tsaka ti-nap ang balikat ko bago lumabas ng kwarto ko.
"Huy! Akala ko ba may kailangan ka?" Pagtawag ko sakanya kaya pumasok sya ulit. Nginuso ko sakanya iyung sanitary pad na hinihingi nya na agad naman nyang kinuha bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Itapon? Pero hindi ko ata kaya yun. Baka importante eto. Alangan namang iwan ko ulit eto dun sa lugar kung san ko eto nakuha. Pucha! Dapat pala hindi ko na eto kinuha.
Hanggang sa sumapit ang umaga eh patuloy ako sa pag iisip ng kung ano ang pwede kong gawin sa cellphone na eto. At etong gagawin ko ngayon ang tanging paraan na naisip ko para matapos na etong pinasok ko.
"Lets go." Ani Gelo tsaka naunang lumakad palabas ng apartment. Susunduin namin si Yesha sa studio dahil alas-otso na matatapos ang practice nile.
Matapos ang pagmamaneho ni Gelo eh agad kaming nakarating sa studio. At kaagad kong hinanap ang pakay ko ng makalabas ng kotse habang sinusundan si Gelo.
"Dito ka nalang ulit?" Tumango lang ako sakanya kaya pumasok na ulit eto sa studio hababg ako eh naiwan dito sa labas.
Agad ko naman ulit na hinanap iyung lalakeng may ari ng cellphone na eto. Pero masyadong maraming tao kaya nahirapan ako. Mayamya narinig ko na ang pagtugtog ng speaker at mukhang magsisimula na silang magsayaw.
YOU ARE READING
Hello, Summer
Novela JuvenilIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)