Matapos ang araw na iyun eh medyo naging busy na nga sina Yesha dahil masyado silang naging tutok sa pag e-ensayo nila. Dahil bukod sa nalalapit na ang kompetisyon nilang sasalihan sa Korea eh kailangan narin nilang makalikom ng pera para idagdag sa iba pa nilang kakailanganin.
At ganun din naging madalang ang pagkikita namin ni Summer para turuan nya akong magsayaw. Pero sinabi ko naman sakanya na okay lang din sakin iyun. Mas importante ang pinagkakaabalahan nya kesa sakin. Pangarap kaya nila iyun.
Pero minsan kahit na sobrang pagod nya eh pinipilit parin nya ang sarili nya pqra turuan ako. Pero syempre hindi ako pumapayag. Baka magkasakit pa sya edi ako pa ang may kasalanan. Tsk.
Kasalukuyan ko ngayong pinagmamasdan ang pinto'ng nasa harap ko habang nagdadalawang isip kung kakatok ba ako o uuwi nalang. Nung nakaraan kasing nagkita kami eh ibinigay sakin ni Summer iyung address kung san sya tumutuloy. Dahil tutulungan ko nga sya kung pano mag-luto.
At dahil nangako ako sakanya eh eto akot nasa harap ng pinto at nagpapakawala ng malalim na paghinga. Alas-kwatro na kasi ng hapon at ngayon lang daw iyung oras na bakante nya. Medyo natagalan nga dahil laging na-u-udlot iyung dapat na pagturo ko sakanya.
Akmang kakatok na sana ako ng bigla na etong bumukas. At una ngang bumungad sakin si Summer. Pero natigilan ako ng mabaling ang tingin ko sa mukha nya pababa sa katawan nya ngayon. Wala etong suot pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot neto. Gulong-gulo din ng buhok neto na parang hindi sinuklay.
"Hey!" Natauhan ako ng marinig iyun mula sakanya kaya agad akong nag-iwas ng tingin habang patuloy na napa-palunok.
"H-hey din." Sabi ko kaya naman bigla etong napangiti.
"Come in." Aniya tsaka ako pinagbuksan ng pinto kaya sumunod nalang ako sakanya. "Kanina pa kita inaantay eh." Napangiti naman ako dun.
"Pasensya na, traffic eh."
"Thats okay." Sabi nya tsaka magtungo sa kusina. Pero natigilan ako ng makita ko ang nakapaligid dito sa unit nya.
At kagaya nung kotse nya eh napaka linis din ng paligid. Maging ang mga libro na nakalagay sa shelves eh napaka ayos. Meron ding mga painting naka sabit sa pader at karamihan dun eh tourists spot sa iba't-ibang bansa.
Pero isa sa nakaagaw ng atensyon ko ang sketchpad na nasa mesa. May iba't-ibang naka drawing dun pero hindi ko nga lang makita ng lubusan. Lalapitan ko nga sana para tingnan iyun pero nakita ko si Summer na pabalik na.
"So, anong una mong ituturo sakin?" Tanong nya habang napasandal sa may mesa kaya humakbang ako palapit sa may kusina.
"Hmm. Since unang beses palang eto na tuturuan kita. Siguro adobo muna. Iyun kasi yung unang luto na natutunan ko, iyun dun iyung tinuturo ko kina Yesha."
"Adobo? Heck. I can still remember the first and definetly the last time I cooked that dish. It taste bad, like really really bad." Sabi nya habang natatawa kaya ganun din ako. Grabe, nakaka-akit ang kanyang fucking dimple.
"Well dont you worry, because I'm here. We'll be working with that." Sabi ko tsaka ngumiti dito.
Handa ko na sanang ilapag ang gamit na dala ko ng biglang mabaling ang tingin ko sakanya habang kasalukuyang sinusuot ang apron nya ng walang pang-itaas. Shit na malagkit!
"So, lets get started." Bigla naman akong natauhan mula sa pagkakatulala ng marinig iyun mula sakanya. Kaya napailing ako tsaka umayos ng tayo.
At ayun nagsimula na nga ako sa pag turo sakanya. Alam nya rin naman na iyung mga ingredients ng lulutuin nya pero hindi nga lang alam kung ano ang pagsunod-sunod. Kaya inaalalayan ko sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/229066464-288-k385552.jpg)
YOU ARE READING
Hello, Summer
Teen FictionIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)