Bumaba kaagad sina Yesha at Gelo ng marating na namin iyung bahay ng kaibigan ni Yesha. Ayokong mang sumunod sakanila pero wala na akong nagawa dahil andito narin lang naman ako. Kaya sinuot ko nalang ulit ang cap ko tsaka bumaba ng kotse.
Unang sumalubong sa amin ang napakalaking bahay. Sobrang liwanag din ng paligid at halatang mayaman ang may-ari.
"Talaga bang okay lang na sumama kami dito? Nakakahiya oh." Sabi ko pero tinaasan lang nila ako ng kilay.
"Syempre naman. Basta mag enjoy ka lang." Ani Yesha kaya napanguso nalang ako. Eh baka kasi kung anong sabihin ng mga kaibigan ni Yesha sa akin. Ang alam ko kasi marami-rami ring kakilala si Gelo sa mga kaibigan ni Yesha kaya talagang may pag asang ma-out of place ako dito.
Natigil kami ng dumating ang isa pang SUV kung saan nakasakay iyung mga ka-grupo ni Yesha. Bakas parin sa mga mukha neto ang tuwa ng makababa sila mula sa sasakyan dahil sa pagkakapanalo.
"Oh, Yesh. Di mo naman sinabi sa amin na kasama mo pala etong mga kaibigan mo." Napating kami ni Gelo sa babaeng lumapit sa amin.
"Ahm. Yeah! By the way, guys I want you all to meet my friends, Debbie and of course Gelo. I know some of you know them already." Pagpapakilala ni Yesha sa amin kaya nagpilit lang ako ng ngiti.
Maging sila eh ngumiti rin sa amin habang kumakaway. Ang totoo nyan, may kilala ako sakanila pero mga nasa lima lang, iyun ng lang dahil hindi ko naman masyadong close. Pero mukha namang mababait sila kahit na ang ilan sakanila eh mukhabg kawatan.
Ewan ko ba, matapos kasi iyung unang beses akong nagpunta sa studio noon, eh medyo hindi naging maganda iyung pakiki-pag-kilala ko sa iba sa kanila. Eh pasayawin ba naman daw ako sa gitna, buti nalang kung magaling ako o di kaya marunong man lang magsayaw. Pero hindi eh. Kaya iyun mula noon hindi na ako pumapasok sa loob nung studio kahit na halos nasa apat o limang taon na ang nakakalipas.
At ayun, nagsimula na silang nagsi-pasok sa loob ng bahay pero sandali namang nabaling ang tingin ko sa isa sa nahuling bumaba mula sa sasakyan na iyun. Naka white sando nalang sya habang nakasabit sa balikat ang suot netong t-shirt kanina.
Talaga nga namang hindi ko maikakaila, napaka-appeal ng lalakeng iyun. Kaya nga lang, hindi ko masyadong type ang pag-uugali nya. Napaka presko lagi ng dating. Hindi bagay sa pangalan nya.
"Huy, Deb!" Natauhan ako ng bigla akong kinalabit ni Gelo. "Akala ko habang buhay ka ng tu-tunganga dyan." Aniya pero nagpilit lang ako ng ngiti tsaka sumunod kay Yesha na naunang naglakad sa amin.
Pumasok kami sa isang kwarto na napaka dim ng paligid. Meroong billiard table sa gilid at stool na parang sa bar pati narin sa dalawang sofa na magkaharap.
"Ang bongga." Bulong ni Gelo sa akin kaya agad akong sumang-ayon. "Sino ba may ari ng bahay na'to." Tanong nya kay Yesha kaya sandali etong tumingin sa amin.
"Kina Axle. Iyung lalakeng yun oh." Pagturo nya dun sa lalakeng nakaupo na sa may stool habang nagsimulang mag-salin ng alak sa baso na sya rin iyung lalakeng lumapit kay Yesha kanina. Napatango naman kami.
"Grabe, sabi na nga ba't maipapanalo natin ang gabing to." Nabaling naman ang tingin naming lahat sa isang babaeng nasa sofa.
"Syempre naman. Pinaghirapan kaya natin to." Sabi naman ni Yesha kaya agad silang nagpalakpakan.
"Kaya, mag enjoy lang kayo. Marami pa tayong ipa-panalong kompetisyon." Sabi naman nung Axle.
Sa kung gaano sila kasaya ngayong gabing eto, eh alam na alam mo talagang nagsumikap sila at lahat para lang ipanalo ang gabing eto. Maliban sa premyo, iyung naging bonding ang mas importante para sakanila. Na nagkakasama sila sa isang bagay na gusto nilang gawin.

YOU ARE READING
Hello, Summer
Teen FictionIts summer already. But, why did it end up so fast? Hello, Summer 060820-080620 (Ps. The photo used in the cover isnt mine. Credits to the rightful owner)