"Ang weird mo raw sa kaibigan ko," sambit ni Yna kay Tiago habang naglalakad ang dalawa pabalik ng trabaho matapos mananghalian noong sumunod na araw.
Nakasuot ito ng dilaw na bestidang lagpas-tuhod at puting sandals. Dala rin niya ang isang puting sling bag. Samantala, si Tiago naman ay naka-itim na three-piece suit na may itim at puting kurbata at pinailaliman ng puti ring dress shirt. Balat pa rin ang gamit niyang sapatos.
"Weird?" kunot-noong tanong ni Tiago, hindi dahil sa hindi niya alam ang ibig sabihin ng banyagang salita, kung hindi dahil hindi niya tiyak kung bakit siya inaakusahan nito.
"Iba raw ang pakikitungo mo sa kanya," maigsing paliwanag ni Yna.
Tumango-tango ang binata.
"Ah. Bagong tao lang kasi," dahilan niya.
Sa paglalakad nila sa makasaysayang mga lansangan ay may nakita silang shooting ng isang pelikula. Nagulat si Tiago nang biglang tumili ang dalaga sa tabi niya.
"Si Ken Suson!" sigaw ni Yna at tsaka tumakbo papunta sa umpukan ng mga tao.
Tahimik naman siyang sinundan ni Tiago.
Iba ang dating ng Ken Suson na tinutukoy ni Yna. Gwapo ito— kayumanggi ang balat at matangos ang ilong. Nakasuot ito ng puting sweatshirt, itim na pantalon, at puting sneakers para sa eksena.
Maya-maya pa ay nagpaunlak ang mga artista na bumati at makipaglitrato sa kanilang mga tagahanga. Pumila rin si Yna na tila ba hindi pa malapit matapos ang break time niya. Laking inis ni Tiago na kilig na kilig ito nang makarating sa harap ni Ken at nanginginig pang kumuha ng litrato.
Madaling siniyasat ni Yna ang larawan sa kanyang gallery. Nadismaya siya nang makitang blurred ito. Napansin yata ito ni Ken.
"Kuha pa tayo ng isa?" alok ng artista sabay ngiti.
Tila praktisado nito kung paano magpakilig, puna ni Tiago sa loob-loob niya habang nakamasid sa di kalayuan.
Mabilis namang tumango si Yna. Kinuha ni Ken mula sa kanya ang kanyang phone para kumuha ng mas malinaw na litrato.
"Thank you," nahihiyang sambit ng dalaga pagkatapos. Bumalik siya sa kinaroroonan ni Tiago na noon ay nakahalukipkip na. Hindi ito pinansin ni Yna dahil patuloy siya sa pag-zoom in ng litrato niya kasama ang iniidolo.
Maya-maya pa ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Nagtungo si Yna sa Intramuros Times at si Tiago naman sa museo.
Nagulat na lang si Tiago nang nakita si Ken Suson na mag-isang nagtitingin-tingin sa loob ng museo. Imposibleng umalis ito sa kanyang shooting para lamang mamasyal, isip niya. Doon napagtanto ni Tiago na hindi ang artista ang bumisita sa kanya, kung hindi ang Bathala na humiram ng anyo ng isang tao.
Aba, marunong din itong mamili, libang na sabi ni Tiago sa sarili.
"Kumusta ka?" tanong kay Tiago ng Bathala nang humarap ito sa kanya.
Kakaibang ningning sa mga mata ang palatandaan ng presensya ng isang diyos sa katawan ng isang tao. Mayroon si Ken nito noon.
"Mabuti naman," payak na sagot ni Tiago kahit pa hindi ito ang totoong nararamdaman. Paano nga naman ba niya sasabihin ang halu-halo niyang mga emosyon dala ng pagkakakulong ng daan-daang taon at ngayon ay pagdating ng dilag na maaaring noo'y si Catalina?
Ngunit kahit pa hindi maglahad si Tiago, alam ng Bathala ang lahat— ang kanyang mga hinaing, kabiguan, at munting mga kasiyahan.
"Napaganda mo nang husto ang museo sa mga taong inilagi mo rito," puna ng Bathala na nagsimulang maglakad-lakad sa loob.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli | SB19 Josh; Justin ✓
FanfictionDahil sa kasalanan ni Tiago noong 1762, pinatawan siya ng Bathala ng imortal na buhay. Pagtatagpuing muli ang landas nila ng babaeng inibig niya na si Catalina sa taong 2020, upang mabayaran niya ang pinakamahalagang bagay na kinuha niya rito. ⇢Comp...