Dahil sa banta ni Romero, araw-araw nang sinamahan ni Tiago si Yna sa trabaho. Mabuti na lang at stakeholder si Tiago kung hindi baka ito ituring na abala sa mga gawain sa kumpanya. Dumidistansya rin naman ito at hinahayaan si Yna na gawin ang mga kailangan nitong gawin.
Sa araw na iyon ay itim na coat, kurbata, at pantalon at puting dress shirt and suot niya noon. Napagtanto niya kasi na masyadong pormal ang kanyang mga three-piece suit at natatakot ang ibang emplayado. Samantala, si Yna naman ay nakasuot ng light blue na long-sleeves, maong na pantalon, at puting sneakers.
Inaasikaso noon ni Yna ang isang outdoor shoot para sa isang food feature, sinisigurong naroon ang lahat ng mga pagkaing kailangang makuhanan ng litrato. Pagkatapos ay tinitikman niya ito isa-isa at tsaka idinodokumento ang lasa ng mga ito sa kanyang notepad.
Napangiti si Tiago sa nakikita. Masaya siyang nabigyang muli si Yna ng pagkakataong mabuhay sa isang panahong mas malaya na siya.
Noon pa man, bilang Catalina, ay matalino na ito— kinukwestiyon ang mga bagay at ayaw palampasin ang bawat kaalamang naroon. Ngayon ay libre na itong magtanong at matuto. Kung gusgustuhin nitong maghari ang mundo ay hindi na ito imposible.
Nais lamang ni Tiago pagmasdan si Yna habang ginagawa ang mga bagay na gusto nito habang-buhay. Gayunpaman, kaunting oras na lang ang natitira sa kanyang habang-buhay.
***
Sa kalagitnaan ng shoot ay biglang dumating si Stell na siyang naging dahilan ng pagka-dismaya ni Tiago. May dala pa itong pizza at softdrinks para sa maliit na team ni Yna.
Hindi alam ni Tiago kung ano ang sumagi sa isip niya nang lapitan niya si Yna at tumayo sa tabi nito habang nakikipag-usap ang dalaga kay Stell. Napansin siguro ni Stell ang pagbakod ni Tiago sa kaibigan kaya minabuti nitong sabihin na ang kanyang sadya.
"Oo nga pala, Yna, naaalala mo ba 'yong sinasabi ko noon sa'yo?" tanong ni Stell kay Yna.
Tumango naman ang dalaga at ngumiti. Samantala, walang kaalam-alam si Tiago sa mga pangyayari.
Lumingon sa kanyang likuran si Stell, tila may hinahanap. Ilang sandali pa ay natagpuan na ito ng kanyang mga mata.
"Mahal, halika rito!" tawag niya. Maya-maya pa ay may isang lalaking lumapit sa kanila. Ito yata ang tinawag ni Stell.
Mahal? nagtaka si Tiago.
"Mahal, kaibigan ko, si Yna. Yna, si Paulo," pagpapakilala nito sa dalawa, malaki ang ngiti. Nang maalala ay idinagdag pa nito, "Ito naman si Tiago, kaibigan ni Yna."
Nagkipagkamay si Paulo kay Yna at tsaka kay Tiago. Tinignang mabuti ni Tiago ang mukha ng bagong dating na binata sa harapan niya. Tila kasi pamilyar ito.
***
"Kasalukuyang gumagalaw ang mga Briton palapit ng Intramuros, kailangan ninyong tumulong para higpitan ang seguridad sa mga lugar na maaari nilang pasukan," anunsyo ng isang Kastilang heneral sa kanyang hukbo.
Araw sana ng pahinga noon nina Fidel ang ng kanyang mga kagrupo, ngunit ipinatawag sila dahil sa biglaang pag-atake ng mga sundalong Briton sa pamayanan ng Intramuros noong gabing iyon.
Agad sumagi sa isip ni Fidel si Catalina, ang babaeng ipinagkasundo sa kanya. Ligtas na kaya ito? Siguradong hindi naman ito papabayaan ng amang sundalo, hindi ba?
Hindi maalis sa isipan niya ang dalaga. Tila ba may nag-uudyok sa kanya na puntahan ito at isalba. Sa lalim ng kanyang pag-iisip, hindi niya namalayang humakbang pala siya papaharap, na siyang ikinagulat ng kanyang heneral at nga kasama.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli | SB19 Josh; Justin ✓
FanfictionDahil sa kasalanan ni Tiago noong 1762, pinatawan siya ng Bathala ng imortal na buhay. Pagtatagpuing muli ang landas nila ng babaeng inibig niya na si Catalina sa taong 2020, upang mabayaran niya ang pinakamahalagang bagay na kinuha niya rito. ⇢Comp...