17

97 11 41
                                    

Nakatayo si Yna sa isang sulok ng Barbara's, isang makalumang restaurant sa loob ng Intramuros. Bihis ang lugar na tila ba nagbalik ito sa panahon ng mga Espanyol. Maging ang mga bisita ay nakapostura rin ayon sa panahon. May ginaganap kasi noong selebrasyon para sa mga stakeholder ng Intramuros Times at ito ang napiling tema.

Isa si Yna sa mga naatasang mag-organisa nito. Bilang pagsunod sa tagubilin ng supervisor, nakasuot siya at ang mga kasama ng mga barong at terno.

Noon ay nakagayak si Yna ng mumurahin ngunit eleganteng terno na kulay cream. May disenyo itong mga mala-perlas na beads na bumubuo ng larawan ng mga bulaklak. Dahil hindi sanay sa ganitong mga damit, tila hindi kumportable ang dalaga. Gayunpaman, nanatili siya sa kinatatayuan upang pagsilbihan ang mga nakatataas ng kumpanya.

Tumingin-tingin si Yna sa paligid ngunit walang nakitang pamilyar na mukha, bukod sa presidente at CEO ng kumpanya at ang apo nito. Laking-gulat na lang ni Yna nang dumating si Tiago na nakasuot ng magarang barong. Dumiretso ito sa mga Tiangco.

Nagtaka si Yna at napa-kunot-noo. Bakit ito nandito? At bakit tila nirerespeto siya ng mga Tiangco, lalung-lalo na ng presidente at CEO?

Naramdaman marahil ni Tiago ang titig ng dilag kaya't napalingon ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Lalapit na sana si Tiago sa dalaga, ngunit hindi na siya natuloy dahil may kinailangan nang tulungan si Yna.

Malalim na ang gabi nang maubusan na rin sa wakas ng gagawin si Yna. Mabagal na naglakad si Tiago papunta sa nakatalikod na dalaga.

"Hindi ka masamang tignan sa suot mo ngayong gabi," mapang-asar na sambit ni Tiago rito. Sa katotohanan ay gusto niyang sabihing napakaganda ni Yna noon, subalit sa tingin niya'y hindi pa ganoon kalapit ang loob nila sa isa't isa para sa ganitong nga papuri.

Lumingon naman si Yna kay Tiago at tinignan ito nang masama. Gusto niyang bawian ito ngunit para bang hindi niya magawa. Nangibabaw ang pagiging kuryoso niya sa kung ganito rin ba ang hitsura ng binata noong 1762.

"Napaka-maginoo mong tignan sa suot mo. Ganito na ba ang hitsura mo noon pa man?" pabiro niyang itinanong. Nang ngumiti si Tiago at tumango, tila may ibang naramdaman si Yna patungo rito. Kilig? Ito nga ba ang tinatawag nilang kilig?

Lingid sa kaalaman ng dalaga, pinipigilan  naman ni Tiago ang sarili na sabihing hindi rin nagbago ang hitsura niya mula noong nakaraan niyang buhay.

"Gusto mo bang sumayaw?" bigla na lang alok ni Tiago kay Yna.

Tumingin-tingin sa paligid ang dalaga. Wala namang ibang taong nagsasayaw. Hindi ito sayawan. "Bakit?"

Dahil hindi natin ito nagawa noon, gustong sambitin ni Tiago, ngunit pinili niyang hindi na lang sumagot. Sa halip, kinuha niya ang kamay ni Yna at dinala ito sa gitna ng silid.

Mabagal niyang inilagay ang kanyang kaliwang kamay sa baywang ni Yna, tinitignan kung iiwas ito sa kanyang hawak. Laking pagpapasalamat niya nang hinayaan lang siya ng dilag. Nakatitig lang sila sa mga mata ng isa't isa habang nagtagpo naman ang kanilang mga kanang kamay. Nagsimula silang magsayaw sa saliw ng tugtog ng banda.

Hindi ininda ng dalawa ang mga matang nakatingin sa kanila. Linunod na ng musika ang mga boses ng nagbubulungan. Wala nang iba pang naging mahalaga sa kanila sa mga oras na iyon kung hindi sila lamang na dalawa.

***

Laki sa yaman si Justin ngunit hindi niya magawang magtagal sa mga pagdiriwang gaya ng dinaluhan niya ngayon. Tinapos niya lang ang pagbati sa mga bisita bago magpaalam sa lolo niya na lalabas saglit. Hindi lang niya tuluyang malisan ang lugar dahil bilin ng angkong na gusto nitong siya ang maghatid sa kanya pauwi.

Hanggang sa Huli | SB19 Josh; Justin ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon