19

81 11 14
                                    

Nilangisan ng isang sundalong Espanyol ang barilya ng kanyang lumang baril at inilagay ang nag-iisang bala rito. Madilim sa loob ng bartolina kung saan siya naroon, ngunit may ilang mga ilaw na nagbibigay liwanag sa espasyo. Sa taong 2020, ang dating imbakan ng mga armas ay isa nang pook pasyalan na tinatawag na Fort Santiago Dungeons.

Nakasuot ang sundalo ng luma niyang uniporme na may bahid pa ng sarili niyang dugo. May mga langaw na lumilipad palibot sa kanyang paagnas nang katawan. Nang ngumiti siya ay nakitang ang ilan sa kanyang mga ngipin ay wala o bulok na. May mga uod din na sumisilip mula sa mga ito.

"Bumisita na ang Bathala kay Zaldarriaga," sabi ng sundalo kabang nakangisi. "Narito na ang babaeng magdadala ng kamatayan niya."

Itinutok niya ang baril sa pader na tila ba ipinapalagay na ito ang babaeng pinakamamahal ni Santiago Zaldarriaga at tsaka siya humalakhak. Umalingawngaw ang tinig niya sa loob ng bartolina.

***

Habang hinihintay ni Heneral Vicente Romero ang kasabuwat sa pagtataksil sa Espanya at pagtulong sa mga Briton ay nakipag-usap muna siya sa isa pang sundalong dumalo sa kaarawan ni Heneral Olivarez.

Magaspang ang hitsura ni Heneral Romero na tila ba kaya nitong pumaslang ng inosenteng tao nang hindi kumukurap, dahilan ng pagkatakot sa kanya ng ilang mga tao. Tuwid ang tindig nito na para bang sigurado sa kanyang mga baeat galaw.

Mahaba ring oras ang nagdaan bago dumating ang taong hinihintay.  Nang magtagpo mga mata nila ni Santiago Zaldarriaga ay nagpaalam na ang heneral sa kausap at tsaka lumabas sa likod-bahay ng mga Olivarez. Sinundan naman siya ni Tiago.

"Nakausap ko na ang mga Briton, heneral," ulat ni Tiago sa kanya. "Sang-ayon na rin sila sa pabuyang matatanggap mo para sa pagtulong."

Humarap naman ang heneral sa binata. "Sigurado ka bang hindi ako babaliktarin ng mga iyan, Zaldarriaga?"

Mahirap na. Gusto niya ng pera at kapangyarihan, ngunit kung hindi magtatagumpay ang mga Briton ay nais din niyang mapanatili ang kanyang posisyon sa lipunang pinamumunuan ng Espanya.

Tumango naman si Tiago. Siniguro niya ito mula sa umpisa. "Matagal ko na silang kausap at gusto na nilang ipagpatuloy ito. Hindi sila makakapagsimula nang wala tayo."

"Siya," ani Heneral Romero na kumbinsido na, "kunin mo bukas sa akin ang plano. Naroon ang mapa ng mga lugar kung saan matatagpuan ang mga bantay."

Mabilis na iniwan ng heneral si Tiago at bumalik sa kasiyahan. Imbes na umalis, ang pilyong si Tiago naman ay nanatili at nakihalubilo sa kaganapan ng alta-sosyedad.

***

Matapos dakpin ng mga Briton si Tiago sa araw ng pananakop ay agad nilang isinunod si Heneral Romero. Panandaliang ipiniit nang magkasama ang dalawa sa madilim na bartolina noon. Pagkatapos ng paninindak sa mga mamamayan ng Intramuros, pinagbabaril ng mga Briton si Romero hanggang sa kanyang kamatayan at tsaka nila isinunod si Tiago.

Nanunumbalik pa lamang ang malay-tao ni Romero noong hinahatulan ng Bathala si Tiago ng imortal na buhay. Nang siya na ay nagising ay sinabi na rin ng Bathala ang kaparusahan niya habang nakamasid si Tiago sa kanyang katawang nakaratay sa malamig sahig. 

Dahil din sa partisipasyon niya sa pagkasawi ng maraming buhay, si Romero naman ay pinatawang mananatiling isang naaagnas na bangkay hanggang sa dulo ng imortal na buhay ni Tiago.

***

Natapos na rin si Romero sa paglilinis ng kanyang baril sa wakas. Natuwa siya sa pagkinang nito sa ilalim ng mga ilaw sa bartolina.

Hanggang sa Huli | SB19 Josh; Justin ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon