Hinintay ni Bell si Justin noong hapong iyon ng Lunes. Nag-usap kasi ang dalawa at nagkasundong kakain sila sa labas ng Maynila. Pumayag naman si Bell dahil malapit na namang mag-umpisa ang pasukan at mawawalan na naman siya ng oras para sa kanyang sarili.
Nakatayo ang dalaga sa labas ng simbahan ng Quiapo suot ang kulay asul at kahel niyang terno. Crop top ang pantaas niya samantalang square pants naman ang pang-ibaba. Nagbalik na rin siya sa pagsusuot ng sandals dahil sa mga paltos sa kanyang mga paa mula sa nakaraan nilang akyat sa Rizal.
Inilabas ni Bell ang kanyang phone para basahin ang panibagong text ni Justin nang bigla siyang hatakin ng hindi kilalang mga kalalakihan at ipinasok sa isang itim na van. Walang nakapansin sa pangyayari dahil abala ang mga tao sa Quiapo noon. Hindi rin nakatili agad si Bell dahil hindi pa niya naiproseso ang pangyayari.
Sisigaw na sana siya nang takpan ang kanyang ilong at bibig ng isang tuwalya. Ilang saglit pa ay nawalan na ng malay ang dalaga.
Lingid sa kaalaman ni Bell at ng mga dumukot sa kanya, nasaksihan ni Justin ang lahat ng ito mula sa kanyang sasakyan na nakatabi sa kalsada sa bandang likuran ng van. Nasulyapan din niya ang logo sa damit ng isa sa mga lalaki at napagtantong ito ang kausap ng kanyang ama noong nakaraan.
Humigpit ang hawak ni Justin sa manibela ng kanyang sasakyan. Hindi siya maaaring tumawag ng pulis dahil binayaran na marahil ang mga ito ng kanyang ama. Sinundan na lamang niya ang itim na van tungo sa isang lumang gusali upang iligtas si Bell.
***
Nang naalimpungatan si Bell ay nasa loob na siya ng isang bodega, nakatali sa isang upuan. Hindi muna siya dumilat para suriin ang sitwasyon. Base sa kanyang mga naririnig, may nakabantay sa kanyang tatlong lalaki. Isa sa kanyang tabi at dalawa sa di kalayuan.
"Boss, hindi pa ba natin tatapusin to?" tanong ng lalaking nasa kanyang tabi. Naririnig din ni Bell ang paghakbang nito ng mga paa na tila ba atat nang umalis.
"Teka nga lang, Ram," inis na sagot ng isang lalaking may mas malalim na boses na nasa malayo. "Hayaan mo nga munang magyosi ang mga tao."
"Diyan ka muna. Magyoyosi lang kami ni Dodi," dagdag pa ng kausap ni Ram. "Bantayan mo 'yan, ha?"
Ilang saglit pa ay nabalot ng katahimikan ang lugar, ngunit hindi rin ito nagtagal. Inilabas noong Rams ang phone nito at nagsimulang maglaro ng games.
Ito ang dahilan kung bakit ito nasalisihan ni Justin. Nagulat si Bell nang bigla na lang niyang narinig na nahihirapang huminga ang nakabantay sa kanya.
Mabilis niyang idinilat ang mga mata. Sa kantang tabi, naroon na si Justin na sinasakal ang bantay mula sa likuran nito Nakasuot ito ng asul na suit at pantalon at itim na t-shirt, mukhang galing pa sa opisina.
"Ayos ka lang?" alalang tanong ni Justin kay Bell.
Tumango naman ang dalaga kahit pa sa katotohanan ay idinadaing niya ang bali sa paa mula nang dakpin siya. "Paano...?"
"Nakita ko... Mga tauhan sila ng tatay ko," mahinang paliwanag ni Justin.
Ipinadala marahil ng ama ang mga kalalakihan sa pag-aakalang nobya niya si Bell at ito ang hadlang sa kanyang pag-aasawa ng kanilang ka-uri, ngunit nagpasya ang binatang huwag na itong banggitin.
Nang makita ni Justin ang takot sa mga mata ng dalaga ay tiniyak niya ito, "Huwag kang mag-alala. Makaaalis ka rito nang ligtas."
Kinakabahan man, tumingin-tingin si Bell sa kanyang paligid para maghanap ng bagay na makakatulong sa kanila. Sa lapag sa kanyang tabi nakita niya ang isang tuwalya. Suspetsa niya ay ito ang ginamit sa kanya kanina.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli | SB19 Josh; Justin ✓
FanfictionDahil sa kasalanan ni Tiago noong 1762, pinatawan siya ng Bathala ng imortal na buhay. Pagtatagpuing muli ang landas nila ng babaeng inibig niya na si Catalina sa taong 2020, upang mabayaran niya ang pinakamahalagang bagay na kinuha niya rito. ⇢Comp...