Taong 2025...
Tahimik na naglalakad si Bell sa tabing dagat, tila malalim ang iniisip. Ang maririnig lang noon ag ang rumaragasang mga alon dagat na iyon sa Zambales. Hawak ng dalaga ang kanyang sandals at hinihipan ng malakas na hangin ang mahaba niyang palda. Itinigil na niya ang pagtitirintas ng buhok kaya't iwinawagayway din ito ng hangin.
Limang taon na ang nakakalipas mula noong saglit niyang nakilala si Justin, ngunit tuwing sumasagi ito sa isipan niya ay parang kahapon niya lamang nasaksihan ang huli nitong ngiti.
Hindi niya maipagkakailang may kirot pa rin sa puso niya paminsan-minsan. Naudlot ang buhay ng isang binatang mayroon pa sanang magandang kinabukasan dahil sa kanya. Ngunit dahil din sa pag-aalay ni Justin ng kanyang buhay, malaya na si Bell na mamuhay nang walang iniisip na tadhana.
Maya-maya pa ay may naapakan si Bell na siyang nagpatigil sa kanya sa paglalakad. Noong una ay inakala niyang isa itong piraso ng bubog, pero nang ininspeksyon niya ang kanyang paa ay wala naman itong galos.
Tinignan niya ang bagay na kumikinang sa buhangin sa ilalim sikat ng araw at tsaka ito pinulot. Napakunot-noo siya nang makitang ito pala ay isang tarot card. Bagaman matagal nang itinigil ni Bell ang pagta-tarot, alam na alam niya pa rin ito.
Page of Cups.
Sinasabi ng barahang may taong nakabantay sa kanya. Itinaas ni Bell ang tarot card sa papalubog na araw.
"Justin, ikaw ba 'to?" tanong niya sa kawalan, nagpipigil ng luha at pinipilit ngumiti.
"Masasabi mo na ba sa'kin kung mayroon ngang langit?" sambit niya nang may maliit na ngiti.
"Wala kang dapat ipag-alala sa'kin."
"Tinatamaan ako ng lungkot paminsan-minsan, pero bumabangon pa rin. Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang buhay na isinakripisyo mo para sa'kin, Justin."
"Babangon at babangon ako araw-araw para sa'yo," mahina pa niyang idinagdag.
***
Sumaglit muna si Yna sa Museo de Intramuros matapos ang isa niyang meeting sa labas ng pook. Minabuti niyang noon na pumunta upang makapagbigay-galang kay Tiago sa araw ng kanyang pagkawala dahil baka mawalan pa siya ng oras. Walang mga labi ang binata kaya ang museo ang tanging lugar kung saan magugunita ni Yna ang kanyang mga alaala.
Tumigil si Yna sa harapan ng pamaypay na naka-display pa rin sa museo. May maliit na ngiti sa kanyang mga labi.
"Nagkita na ba kayo ng Bathala?" mahina niyang tinanong sa kawalan. Nais niyang ipalagay na naririnig siya ni Tiago kung nasaan man ito. "Sana'y natagpuan mo na ang langit at wala ka nang mga pangamba."
Ito ang araw-araw na sinasabi ni Yna sa sarili para gumaan ang kanyang loob. Malaya na si Tiago. Tapos na ang imortal na buhay nito. Tiyak ay mas masaya na ito kung saan man siya naroroon.
"Mabuti naman ako rito," ngiti niya. "Minsan, dinadalaw din ng lungkot. Pero normal lang naman 'yon, 'di ba?"
Ibinalita ni Yna ang mga pangyayari sa buhay niya na para bang nakikipag-usap lang siya sa isang kaibigang matagal niyang hindi nakita. "Sa Intramuros Times na ako nagtatrabaho. Mataas-taas na rin ang posisyon ko roon, pero malayo pa sa pangarap na sinabi ko sa'yo noon."
"Isang matinding hirap ang manatili sa lugar kung saan marami akong magagandang alaala kasama mo at sa parehong lugar kung saan ka naglaho," napabuntong-hininga si Yna, "pero inalay mo ang buhay mo para makapanatili ako rito at matupad ko ang mga parangarap ko."
"Kaya ipinapangako kong lulubusin ko ang buhay na ito," dagdag pa niya.
Hindi namalayan ng dalaga na may mga luha na palang pumapatak mula sa kanyang mga mata.
"Kung nakita mo na ulit ang Bathala, natanong mo na ba siya kung pwede mo akong tagpuin ulit sa susunod mong buhay?" tanong niya sabay balik ng kanyang ngiti. Nagpatuloy ang dalaga at hindi ininda ang mga tingin ng mangilan-ngilang mga taong naroon. "Hindi na bale kung nakalimutan mo. Ako na mismo ang hihingi sa kanya na magkita tayo."
"Sana mabigyan ako ng pagkakataong makita kita nang kahit saglit sa susunod nating habang buhay." Pinunasan ni Yna ang kanyang mga luha. "Kung mas mapagbigay ang Bathala sa panahong iyon, baka pwede tayong magsimulang muli nang walang humahadlang sa atin."
Huminga si Yna nang malalim at inayos ang sarili. Maya-maya pa ay unti-unti na itong tumalikod. Lumabas na siya ng museo para bumalik na sa kanyang trabaho sa Intramuros Times.
***
Intramuros Times
July 30, 2020Love neverending
by Katryn TejadaWeeks ago, I attended the opening of a new exhibit at the Museo de Intramuros. As a Gen-Z-er, I had mixed feelings about this. While museum items could sometimes seem menial, the past life these objects 'lived' gave an air of mystery around them. Sadly, us having not lived the same life makes us feel somewhat detached. I went to that exhibit not expecting much but the usual, but came back from it with my mind thoroughly boggled.
Would you believe me if I told you that the museum's manager was a 283-year old imortal man? Of course not. For this story's sake, though, let us say that it is real: Museo de Intramuros was managed by a 283-year old man stuck in this world, pining for a woman named Catalina who died during the Battle of Manila in 1762.
In particular, the man guarded an unassuming pamaypay, or fan, an item that is key to his and his lover's story. But the story in question is not your plain romance. While the man gave the pamaypay to Catalina with his whole heart, his burdens and sins also came with it. Catalina received the pamaypay at the historic Manila Cathedral, not knowing that the next day, Intramuros would be taken over by British soldiers who were assisted by her lover.
"Hindi sapat ang habang buhay kung hindi kita mamahalin ng lubos dito," the delicate embroidery on the fan read. It may seem genuine— I bet Catalina thought it was genuine— but what the man did not take into consideration was that love is an action not seen in grand, romantic gestures, but in small efforts.
In this life, the man met Catalina again, their always-shortlived romance having to end with the imortal man's sacrifice this time, so that his sins to his woman may be paid. This may not seem like a romance story at all, at this point, but looking at the tiny moments in between all the wrath they had to face, their brief love affair is actually a neverending lovestory. They fell for each other over and over at various points in time, conquering even Catalina's different lives.
Was the imortal man able to redeem himself when he met Catalina again in this life? I like to think he did, but, then again, I am no Bathala. I am, however, hoping that the two will meet again in another lifetime for another chance in love, with no burden from their past and with as much time for each other as humanly possible. ###
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli | SB19 Josh; Justin ✓
FanfictionDahil sa kasalanan ni Tiago noong 1762, pinatawan siya ng Bathala ng imortal na buhay. Pagtatagpuing muli ang landas nila ng babaeng inibig niya na si Catalina sa taong 2020, upang mabayaran niya ang pinakamahalagang bagay na kinuha niya rito. ⇢Comp...