Paunlakan niyo sana ako ng isang kabanata para magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin sa paggawa ng istoryang napakahirap buuin at sulatin.
Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa pinakamatalik kong kaibigan na tumulong sa pagbuo ng istoryang ito mula umpisa hanggang sa dulo at sa pagpapaalala sa akin
na magpahinga. Kung hindi sa kanya, mananatiling pangarap lamang ang akdang ito.Nais ko ring magpasalamat kina snowbliss_, mayykaaa, at madeinilsan sa pagbabasa ng mga plano at pagbibigay ng kanilang mga kumento bago ko ito sulatin. Si madeinilsan rin ang gumawa ng cover ng librong ito. Nagpapasalamat din ako kay
cyclonicflash sa pagbabahagi ng kaalaman niya patungkol sa tarot.Salamat din sa nanay ko na nagpakain sa akin sa gitna ng pandemya habang walang trabaho. ♡
Sa SB19, na siyang pinaggalingan ng ideyang ito, salamat sa pagpapabalik sa akin sa pagsusulat. Salamat sa pagdating sa buhay na ito.
Higit sa lahat, salamat din sa iyo na nagbabasa ngayon. Handa ka na bang malaman ang kwento ni Tiago?
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli | SB19 Josh; Justin ✓
FanficDahil sa kasalanan ni Tiago noong 1762, pinatawan siya ng Bathala ng imortal na buhay. Pagtatagpuing muli ang landas nila ng babaeng inibig niya na si Catalina sa taong 2020, upang mabayaran niya ang pinakamahalagang bagay na kinuha niya rito. ⇢Comp...