Bagaman gusto ng dalawa na kilalanin ang isa't isa- si Yna dahil sa kuryosidad sa imortal na si Tiago at si Tiago sa kung si Catalina ba ang dilag- hindi sapat ang kaunting oras na libre si Yna. Napag-isipan ng dalaga na mag-text na lang sila, ngunit walang telepono si Tiago. Tinulungan nalang ni Yna si Tiago mag-order online ng makabagong teknolohiyang ito upang bayaran na lang ng lalaki ng pagdating ng produkto sa museo.
Noong sumunod na araw, nagulat si Yna nang may di kilalang numerong nagtext sa kanya. Dahil wala siyang gaanong gawain sa Intramuros Times noon, binuksan niya ang text message.
From: 090838*****
Magandangumaga,binibini.Pinigilan ni Yna ang pagtawa dahil baka mapansin ng mga katrabaho. Natuwa siya sa tangka ni Tiago sa pagte-text. Agad din naman niyang sinave ang number at tsaka nag-type ng sagot kay Tiago.
To: Lumang Tao
Magandang umaga rin sayo, Tiago.
May space bar diyan para magkawatak-watak ang mga salitang tina-type mo.Ilang minuto rin bago nakasagot si Tiago. Halos hindi magawa ni Yna ang trabaho niya kakahintay sa text nito. Maya-maya pa'y nag-vibrate na rin ang phone niya.
From: Lumang Tao
Saan'Yon lang ang sasabihin niya at natagalan pa siya? isip ni Yna. Umiling-iling na lang siya. Mukhang kailangan pa niyang turuan ang lumang tao.
To: Lumang Tao
Sa baba ng letters CVBN.Bumilis-bilis naman ang pagsagot ng lalaki. Dalawang magkasunod na text ang sunod na ipinadala nito.
From: Lumang Tao
Salamat.
Kumain ka naWala pang tatlumpung-segundo ay nakasagot na si Yna.
To: Lumang Tao
Sinasabihan mo ba ako o tinatanong?May ginawa saglit si Yna kaya't hindi nito nakita kaagad ang sagot ni Tiago, ngunit alam niyang nag-reply na ito. Nang magkaroon siya ng pagkakataong magbukas ng phone ay napangiti siya sa nabasa.
From: Lumang Tao
Tanong iyon.
Kumain ka na baNapakagat bahagya ng kanyang labi si Yna. Hindi lang siguro nito mahanap pa kung saan ang iba pang mga symbol kagaya ng tandang pananong.
To: Lumang Tao
Hindi pa.
Alam mo, sa panahong to, may ibang ibig sabihin kapag tinanong ng isang lalaki ang isang babae kung kumain na ba ito.Kuryoso siguro si Tiago kaya't mabilis din itong sumagot.
From: Lumang Tao
AnoTo: Lumang Tao
Nag-aalala ka sa kapakanan ko. Gusto mo ako.Napangiti si Yna nang mai-send ang text. Hinintay niya ang sagot ni Tiago para roon. Nang ibababa na sana niya ang phone sa pag-aakalang hindi na ito sasagot, biglang nag-vibrate ulit ang gadget.
From: Lumang Tao
Kumain ka na ba
Sabay na tayong kumain.Bakit kaya ang kulit nito? pagtataka ni Yna. Totoo nga kayang nag-aalala ito para sa kanya? Imposible. Kailan lang sila nagkakilala. Wala namang namamagitan sa kanilang kahit ano bukod sa alam ni Yna na imortal si Tiago.
To: Lumang Tao
Saan naman?From: Lumang Tao
Hindi ko alam.
Hindi ako madalas kumain sa labas dahil mag-isa lamang ako at baka ako mamukhaan.
Gusto mo bang sa Illustrado ulitSa Illustrado? Sumimangot si Yna. Ang mahal do'n! Isa pa, nahihiya pa siya sa biglaan niyang pag-alis doon noong minsan.
To: Lumang Tao
Ako na ang bahala kung saan.***
Dinala ni Yna si Tiago sa isang samgyupsal restaurant sa Intramuros. Lagpas kaunti ng lunch break noon kaya tiyak ni Yna na hindi ganoon karami ang mga tao sa lugae. Nagtrabaho na lang siya sa aktwal na lunchtime niya at tsaka nagpaalam sa supervisor na manananghalian ng ala una.
Nagpasya si Yna na dito dalhin si Tiago dahil sa isa itong "trend" ngayon. Kung laging sa tradisyunal at mamahaling restaurant palagi si Tiago ay baka hindi pa nito nasusubukan ang putahe ng ibang mga nasyon. Gusto rin ni Yna na makita ang reaksyon ng tinatawag niyang sinaunang tao sa bagong pagkain.
Nakasuot ang dalaga ng dilaw na bestida at kayumangging sandals kasama ng kanyang bag na kaparehong kulay ng sapin niya sa paa. Si Tiago naman ay nakasuot ng puting long-sleeves sa ilalim ng itim na vest at kurbata. Itim din ang kulay ng kanyang pantalon.
Na-weirdohan yata si Tiago na nagbayad muna sila bago pumasok. Nagtalo pa sila ni Yna kung kanya-kanyang bayad ba sila o si Tiago ang nagbabayad.
"Ako na. Ako ang lalaki kaya ako ang magbabayad," pilit ni Tiago.
Nagdabog si Yna.
"Hindi na uso 'yan sa panahon ngayon. Kanya-kanyang bayad na," irap niya. Hindi pa sana papatalo si Tiago, ngunit sinabi ni Yna, "Isa pa, wala tayo sa date. Hindi tayo nagliligawan o magnobyo't nobya."
Nahiya si Yna dahil kailangan pa itong marinig ng kahera. Baka nagtataka na ito kung bakit matalinhaga silang dalawang magsalita.
Nagulat din si Tiago nang kinuha ng sekyu sa pinto ang kanyang kamay para tatakan pagkapasok. Samantala, napangiti si Yna. Mabuti na lang kasi at may bakanteng mesa dahil isang oras lang ang lunch break niya. Si Yna na ang umorder para sa kanila.
Nanlaki ang mata ni Tiago nang maglapag ang waitress ng dalawang platong hilaw na karne sa kanilang mesa.
"K-kakainin natin ito?" nag-aalalang tanong niya kay Yna. "Hindi ba tayo magkakasakit nito?"
Matawa-tawang umiling si Yna. Nagpatulong siya sa waitress na buksan ang de-gasul na ihawan. Nang uminit ito, nagsimula na siyang magluto.
"Nagbayad tayo nang mahal para lutuin ang sarili nating pagkain?" Tila hindi makapaniwala si Tiago sa set-up na ito. "Gutom na gutom na ako!"
Pinatahimik lang ni Yna si Tiago. Maya-maya pa'y luto na rin ang unang plato ng karne. Tinuruan ni Yna si Tiago kung paano ito kinakain. Kumuha siya ng letsugas, nagsawsaw ng isang hiwang karne sa sauce, at naglagay ng kimchi at inihaw ring bawang tsaka ito kinain nang isang subo.
Sinunod naman ni Tiago ang ginawa niya. Ang nakakahanga pa rito, alam ni Tiago kung paano gumamit ng chopsticks. Kung sabagay, daang taon nga naman siyang nabuhay. Marami na ring mga Tsino sa Pilipinas noon pa man kaya't alam na rin siguro ni Tiago ang kultura nila.
Hinintay ni Yna ang reaksyon ni Tiago sa pagkain.
"Good?" tanong ni Yna sabay thumbs up.
Kimi namang ginaya ni Tiago ang kamay niya. Sa huli, nakarami silang pareho ng kain. Natuwa rin si Tiago dahil pwede silang um-order hangga't kaya nilang kumain. Nasabi nito na noong 1700s, may mga araw na hindi siya nakakakain nang kahit minsan. Hindi naman niya nasagot ang tanong ni Yna kung bakit dahil puno na ulit ang kanyang bibig noon.
Masayang lumabas ang dalawa ng restaurant matapos mananghalian.
"Salamat sa pagdala sa akin doon, Ca- Yna," sabi ni Tiago sa dilag habang sila ay nalalakad.
Mabuti na lang at hindi napansin ni Yna ang pagkakamali niya. "Wala 'yong anuman. Basta pagkain. Masaya akong dalhin ka roon."
Nginitian siya ni Tiago. "Balikan natin iyon, ha? Iyong sam-yup."
"Samgyup," pagwawasto ni Yna.
"Sangyup."
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli | SB19 Josh; Justin ✓
FanfictionDahil sa kasalanan ni Tiago noong 1762, pinatawan siya ng Bathala ng imortal na buhay. Pagtatagpuing muli ang landas nila ng babaeng inibig niya na si Catalina sa taong 2020, upang mabayaran niya ang pinakamahalagang bagay na kinuha niya rito. ⇢Comp...