Kinaladkad ni Yna si Bell hanggang sa sapat na ang layo nila mula sa Intramuros Times. Mabilis na binitiwan ni Yna ang kamay ng kaibigan at tsaka ito hinarap.
"Beb! Ano ba naman 'yan? Huwag mo namang awayin 'yong apo ng boss ko." Hinila ni Yna ang sarili niyang buhok sa sobrang pagkataranta.
Itinaas naman ni Bell ang kamay na tila ba sumusuko na. "Okay. Fine. Hindi na."
Umiling-iling si Yna sabay irap, hindi pinaniniwalaan si Bell. Masyadong palaban ang kaibigan para umatras sa laban lalo kung hindi naman siya ang mali.
"Hindi nga pala ako makakasama ngayon," pagbibigay alam ni Yna sa kaibigan. Inihanda niya ang sarili para sa reaksyon nito dahil hindi siya nakapag-abiso ng mas maaga.
Kumunot ang noo ni Bell sa sinabi ni Yna. Galit ba sa kanya ang kaibigan? "Bakit? Dahil ba sa ginawa ko do'n sa Justin Tiangco na 'yon?"
"Hindi," mariing itinanggi ni Yna.
"Nag-text kasi si Tiago. Gusto niya raw na magkita kami," paliwanag niya. Nang mag-iba ang tingin sa kanya ni Bell ay tinanong niya ito, "Oh, bakit?"
Sa hitsura pa lang ni Bell ay alam na ni Yna na malisya ang iniisip nito. Nawala ang pagkakunot ng noo ng kaibigan at nakangiti itong sumagot. "Wala lang. Sige, lumovelife ka lang, beb."
"Pero samahan mo muna ako sa pinagtatrabahuan ni Stell. Baka libre siya ngayon. Siya na lang ang kasama ko," sabi na lang ni Bell sabay hatak sa kamay ni Yna.
Gamit ang kamay na hindi hawak ni Bell, nag-text si Yna kay Tiago at sinabing sa opisina ng Intramuros Administration na lang siya kitain nito. Nag-message na rin siya kay Stell upang sabihing papunta na sila ni Bell sa kanya.
Naghihintay na si Stell sa harap ng kanilang opisina nang makarating sila. Nangingibabaw ang gandang-lalaki nito dahil sa suot na putim-puting polo, grey na pantalon, at itim na leather shoes.
Kumaway siya kina Yna at Bell at ngumiti. Tumakbo kaagad si Bell papunta sa kaibigan, ngunit bago pa man makasunod si Yna ay may tumawag sa kanyang pangalan. Si Tiago.
Hindi na nakapagkumustahan pa sina Yna at Stell. Kumaway na lang pabalik si Yna sa kaibigang lalaki, ibinalik rin ang ngiti, at tsaka umalis na at sumama kay Tiago.
"Gusto ka ba noon?" biglang tanong ni Tiago habang naglalakad sila.
"Nino? Ni Stell?" paglilinaw ni Yna. Nang tumango ang binata ay mabilis na dumepensa ang dalaga, "Hindi ah!"
"Gusto mo?" tanong naman ni Tiago.
"Hindi rin." Tumigil si Yna sa paglalakad at pinagtaasan ng kilay ang binata. "Hindi naman porke't magkaibigan ang lalaki at babae eh kailangan magkagustuhan na."
"At tsaka," pagpapatuloy pa ni Yna, "hindi talaga ako magugustuhan no'n."
Tila ba hindi kumbinsido rito si Tiago rito. Huminto rin ito.
"Bakit naman hindi?" tanong nito. "Maganda ka, matalino..."
"Basta. Hindi ako magugustuhan ni Stell. End of story." Mukhang ayaw na nitong magpaliwanag pa. "Isa pa, hindi ko kwento 'yon para sabihin sa'yo."
Nagpatuloy na sila sa paglalakad, pero hindi pa rin magawang bitawan ni Tiago ang kanilang paksa. Nagsimula na kasi niyang isipin na kung may pag-iiwanan siya kay Catalina sa mundong ito, si Fidel, o si Stell, and pipiliin niya. Kampante siyang aalagaan nito si Yna.
"Alam mo, mukha namang mabait na lalaki si Stell. Bakit hindi mo siya subukang ligawan?" suhestiyon bi Tiago kay Yna. "Hindi ba't hindi na rin kaso kung babae ang unang magpapakita ng motibo ngayon?"
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Huli | SB19 Josh; Justin ✓
FanfictionDahil sa kasalanan ni Tiago noong 1762, pinatawan siya ng Bathala ng imortal na buhay. Pagtatagpuing muli ang landas nila ng babaeng inibig niya na si Catalina sa taong 2020, upang mabayaran niya ang pinakamahalagang bagay na kinuha niya rito. ⇢Comp...