FOCUS sa pagmamaneho ng sasakyan si Sasa, sa kanya ang kotseng iyon. Regalo nang mga magulang niya nang makatungtong siya sa Grade 10. Ang swerte niya, 16 palang siya mayroon ng sariling sasakyan. Samantalang ako, isang tamad na writer. Puro higa lang ang alam at madalas hindi naliligo. Ew. Charr!
Nakaupo sa passenger seat si Isabela at tahimik lang na nagsa-sight seeing sa labas ng bintana. Samantalang, nakaupo naman sa likuran si Rex at hinihilot ang sumakit nitong balikat.
Sumakit ng bongga ang balikat niya dahil sa mga mabibigat na bag ni Isabela, akala niya talaga e magagaan lang ang mga iyon. Ngunit nagkakamali siya. Pasikat masyado.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Sasa at sumulyap sa rear mirror ng sasakyan.
Parang unipormeng gusot ang mukha ni Rex at nagthumbs up sign sa pinsan niya. Sinasabi niyang ok lang siya, kahit hindi naman.
"Parang 'di ka okay." sabi nito habang nasa kalsada ang atensyon. Napapikit ng mga mata si Rex nang kumirot ang balikat niya at nagbaling ng tingin kay Isabela. Parang gusto niyang isumpa ang dalaga. Wala namang kasalanan si Isabela, siya ang nagpumilit na kuhanin mula rito ang dalawang bag.
Wala rin siyang kaide-ideya na parehong mabibigat ang mga iyon.
"Pahiran mo yan ng gamot. May nakita ako ro'n sa sala." sabi pa ni Sasa. Tumango-tango nalang si Rex at minamasahe ang balikat niya.
"Ang sakit talaga.." usal niya at sinamaan ng tingin si Isabela na nanahimik lang ro'n sa passenger seat.
Wala pa ring emosyon ang mukha ni Isabela at mukhang walang balak na magsalita. Kanina nagsa-sight seeing lang siya sa labas pero ngayon lumilipad na ang isipan niya sa ibang dimensyon. Ang lalim ng iniisip niya at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon.
Maraming bagay na dapat malaman sina Rex at Sasa sa kanilang pinsan. Lima silang magpipinsan at tanging si Isabela lamang ang malayo ang loob sa kanila. May dalawa pa silang pinsan na naiwan sa bagay na sina Tanya at Claire. Si Rex lang ang nag-iisang lalaking apo ni Lola Teresa.
Magkakapatid ang mga ama nila, kaya parehong apelyido ang dinadala nila.
Bukod din do'n ay pare-pareho silang mga panganay. Oh 'diba!
Huling araw na makita at mayakap ni lola ang kanyang apo'ng si Isabela noong ika-2 taong kaarawan ni Rex. Pagkatapos nun ay inuwi na sa probinsya ng mga magulang ng asawa ni Renato, ang 3 taong gulang pa noong si Isabela. Si Renato ang panganay na anak ni Lola Teresa at Lolo Joselito. Sumunod sina Roger at ang mga nakababatang kapatid nito na ngayo'y nasa ibang bansa at do'n nagtatrabaho.
Matagal nang pumanaw ang mga magulang ni Isabela bago pa siya tumuntong sa ika-3 taon. Nasira ang pamilyang ibinuo ni Renato kasama ang asawa niyang si Cara na ina ni Isabela, dahil sa ambush. Kaya lumaki si Isabela na ang mga lolo at lola niya ang kanyang itinuturing na magulang.
Ngunit sa kasamaang-palad, pumanaw nang sabay ang kanyang lolo at lola nung nakaraang buwan dahil sa isang aksidente. Nahulog sa isang bangin ang bus na sinasakyan nila nung pababa na sila ng bundok. Masakit para kay Isabela ang mawalan ulit ng mahal sa buhay. Ang mga taong nagpalaki at minahal siya. Hindi man halata sa mukha niya na nagdadalamhati siya sa pagkawala ng kanyang lolo at lola, pinilit niya iyon itinatago. :<
Nang mabalitaan iyon ni Lola Teresa, agad niyang kinausap ang tiyahin ni Isabela na kapatid ng kanyang ina. Pinapauwi na ng matanda si Isabela at dito na sa siyudad mag-aral. Maganda ang mga paaralan dito at siguradong makakapili ng magandang kurso ang dalaga. Nagpadala ng pera si lola Teresa para gamiting pamasahe ni Isabela papunta rito sa siyudad. Hindi nagdalawang-isip si Isabela sa gustong mangyari ng kanyang isa pang lola, bukod ro'n ay gusto niya itong makilala pati na rin ang apat niyang pinsan.
"Nagsimula na ba ang pasukan?" bigla niyang tanong nang hindi tinitignan ang dalawa. Tumikhim si Sasa bago magsalita. "Last week lang. Pero huwang kang mag-alala pwede ka pa naman humabol." sagot nito.
"Nai-enroll ka na rin nung wednesday at may mga school supplies ka na rin." dagdag pa nito habang nasa kalsada pa rin ang buong atensyon nito.
Biglang nagtakha si Isabela at doo'y nilingon ang kanyang pinsan.
"Papaano niyo ako naenroll e wala pa naman ang card ko?" tanong niya.
"Ewan ko kay tita Lea. Siya ang nagsabi sa amin nung biyernes." sagot nito at bahagyang tumawa. Kaya pinanliitan ni Isabela ng mata ang dalaga.
"Alam mo bang sinadya niyang maging kaklase ka namin." si Rex naman ngayon ang nagsalita. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagmamasahe sa balikat nito. Napasandal si Isabela sa kotson na sandalan ng kanyang inuupuan. Huminga siya ng malalim at tumingin sa labas ng bintana.
"Masaya 'yon! Isipin mo yon nasa iisang classroom tayong limang magpipinsan!" natutuwang ani Sasa at sinulyapan si Isabela.
"Ano nga pala ang full name mo?" tanong ni Rex. Bahagyang nagulat ang binata nang mapalingon sa kanya si Isabela at pilit na ngumiti. Isinabit pa nito muna ang takas nitong bughaw na buhok sa tenga bago magsalita.
"Isabela Corazon Eliotha." sagot nito.
Nagtakha si Isabela nang biglang tumawa yung dalawa. Kahit hindi naman siya nagjoke, at wala ring nakatawa sa pangalan niya. 'raulo ba kayo?
"Pati pala ikaw hahaha!" tawang sabi ni Rex. Kinunot niya ang kanyang noo at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa.
"P*tang*nang pangalan. Ang haba." si Sasa.
"Bakit?" inosenteng tanong ni Isabela sabay kamot sa ulo niya. Aware naman siya sa napakahaba niyang pangalan, pero 'di niya na iyon pinakealaman pa. Wala naman siyang pake kung maikli o mahaba ang pangalan niya. Nasu-solusyunan din naman niya iyon. Naikakasya naman niya iyon sa test papers kung saan isinusulat ang pangalan, minsan din kung alam niyang 'di kakasya. Isabela nalang ang nilalagay niya
"Lahat tayo may mahahabang pangalan. Ewan ko ba kung ano trip ng mga magulang natin hahaha!" tumatawang sabi ni Rex at patuloy pa rin sa pagmamasahe sa balikat nito.
"Tapos ang babaho pa hahaha!"
Bumunton-hininga si Isabela at tumingin nalang ulit sa labas. Nagbibingi-bingihan na siya ngayon. Ayaw niya nang kausapin ang dalawa, pagod na siya at kailangan niya nang magpahinga. Naiimagine niya tuloy na nakarating na sila sa bahay at dumiretso kaagad sa magiging silid niya at matutulog ng 24 hours. Grabe.
Totoo ngang panget, baduy, at amoy lupa ang kanilang mga pangalan. Pero maliban kay Sasa hmp. Naamoy pala ang pangalan. Hmp.
Isabela Corazon Eliotha
Reynaldo Alexander Elioth
Anastasya Analyn Eliotha
Maria Clara Eliotha
Princess Heart Eliotha
Charaaaan! Yan ang Corpuz cousins!!!
MAYA-MAYA pa ay nakarating din sila sa wakas sa bahay--mansiyon. Old mansiyon iyon na ipinatayo pa nung panahon pa ng mga kastila. Kaka-renovate lang niyon last year kaya naaamoy ngayon ni Isabela ang pintura nito. Ipinarada na ni Sasa ang sasakyan sa loob ng garahe saka sila bumaba ro'n.
Agad tinawag ni Rex ang mga kasambahay nila para ipasok ang dalawang bag ni Isabela sa loob ng mansiyon. Ayaw niya nang kargahin o mahawakan ang mga ito, nang dahil sa mga bag sumakit ang balikat niya. Haha.
Namamanghang pinagmasdan ni Isabela ang mga halamang nakatanim sa bakuran. Mayroong gumamela, daisies, santan na kulay dilaw at rosas na puti.
"Ang ganda noh? Alagang-alaga ni lola ang mga iyan." sabi ni Sasa at nakatingin ng diretso sa walang emosyong mukha ni Isabela.
"Kung papipiliin ka...alin ang mas gusto mo sa probinsya o sa siyudad?" tanong ni Rex at hinalukipkip ang kanyang mga braso.
Para kay Isabela mas maganda ro'n sa probinsya na kinalakihan niya. Tahimik at malinis ang nilalanghap nilang hangin. Mababait ang mga tao at napakaganda ng tanawin. Hindi kagaya dito sa siyudad, magulo, maingay, at hindi malinis ang hangin. Maganda rin naman sa siyudad pero mas bet niya ang probinsya ng mama niya.
"Probinsya.." sagot niya.
•••
BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Novela JuvenilIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...
