Kabanata 16

9 0 0
                                        


THIRD PERSON'S POV


PRENTENG nakaupo sa sofa si Isabela at may hawak-hawak na magazine. Narinig niya mula sa labas ang isang ugong ng sasakyan at ang pagkalansing ng gate nila sa baba. Wala pang ilang minuto bago siya nakabalik sa bahay. Hindi na siya nagpalit pa ng damit at tanging hinubad niya lang ay yung itim niyang hoodie jacket. Nagpapasalamat siya dahil mukhang walang nakapansin sa kanya. Iniisip siguro ng mga kasambahay nila na natutulog siya sa loob ng kwarto niya.

Sinigurado niya kasi na bago siya umalis ay dapat nasa kusina ang dalawang kasambahay. Hindi siya dumaan sa gate nung umalis siya kanina, nagjump over the bakod siya. Tsaka kabisado din niya ang mga pasikot-sikot ng bahay, may mga sekretong daanan iyon papunta sa kung saan. Hindi niya ginamit ang sekretong daan dahil nasa basement iyon at maraming mga gamit ang nakaharang sa pinto niyon. Kaya pinili niyang sumampa sa bakod para makalabas.

Bumukas ang pintuan ng bahay at pumasok ang lola, tito at mga pinsan niya. Bakas sa mga mukha nila ang pagkapagod, hindi naman masyadong malayo ang airport. Isa pa may dala silang sasakyan.

Kaya sila pagod ay dumaan pa sila sa mall, halos libutin nga nila iyon eh. Si lola Teresa kasi ang nagyaya, kaya wala silang magawa. Hindi naman sila makapagreklamo dahil baka hindi sila nito pakakainin ng isang buwan.

Mabilis ibinaba ni Isabela ang magazine at tumayo. Lumapit siya kay Roger at lola Teresa para hingiin ang mga kamay nila para magmano.
"Kaawaan ka ng diyos, apo." saad ni lola at umupo sa sofa.

"Matutulog lang po ako sa kwarto ko." paalam ni Rex saka patakbong inakyat ang hagdanan. Pumasok naman sa kusina sina Claire at Sasa para uminom ng malamig na tubig mula sa ref.

"Ah 'ma, ipapa-chop ko na 'to kina Melda at Joy." ani Roger at itinaas ng bahagya ang tatlong supot ng karne ng manok. Tumango lang si Lola Teresa at sumandal sa malambot na kotson.
"Ititinola po ba yan, tito?" tanong pa ni Tanya saka humikab. Inaantok na rin siguro ito, pero mukhang nilalabanan lang nito ang antok.
"Adobo gusto ko, 'ma, ikaw nalang kaya ang magluto nito?" saad ni Roger at ngumiti sa ina.

Umiling si lola Teresa at napabuntong-hininga.
"Pagod ako, Roger. Sina Melda nalang ang magluluto niyan." tugon nito.
Nanatili namang nakatayo ro'n si Isabela at napatingin sa mga karneng dala ni Roger.
"Gusto ko yung specialty ng pamilya natin, 'ma" nakangusong ani Roger.
Sunod-sunod na tumango si Tanya at ngumiti ng maluwag.
"Yun nga, 'la. Gusto ko rin po iyon." excited nitong saad.

"Pagod ako, apo--"

"Ako nalang po ang magluluto." singit ni Isabela at tumingin sa lahat. Napataas ang kilay nila at mukhang nagulat sa pagprisinta niya sa sarili. Hindi nila aakalain na marunong pala siyang magluto.

"Marunong kang magluto?" gulat na tanong ni Lola Teresa, nagkatinginan pa silang tatlo. Tumango lang siya at tipid na ngumiti.

"Woah! Talaga, ate? Sinong nagturo sayo?" usisa ni Tanya at umupo sa tabi ni lola Teresa. Napatigil saglit si Isabela, hindi niya naisip na itatanong nila iyon kung paano siya natutong magluto. Hindi naman maaaring sabihin niya na walang nagturo sa kanya at siya ang gumawa sa specialty ng pamilya Corpuz, ang Adobo ala Eliotha.

"Si Loleng." sagot niya at umiwas ng tingin. Gaya ng simula, wala pa ring emosyon ang mukha niya kapag kaharap ang pamilya niya.  Lumakad na papasok ng kusina si Roger, dala ang mga karne. Maya-maya pa ay lumabas na rin ang dalawa niya pang pinsan na parehong basa ang mga suot na damit. Anyare sa dalawang 'to?

"Oh? Ba't basang-basa kayo?" tanong ni lola Teresa at kinunot ang noo nito.
"Hehe uminom lang po kami ng tubig." tugon ni Sasa sabay kamot sa pink nitong buhok.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon