Kabanata 23

8 0 0
                                        

THIRD PERSON'S POV

ALAS NUEBE  na ng umaga, binigyan lamang sila ng isang oras mag-recess ni Mrs. Ituralde. Babalik sila ng classroom kapag alas diyes. Mabilis naman nilang nasagutan ang mga test questions, na may 80 items na tanong.

Tumayo na ang ibang kaklase nina Isabela at inayos ang kani-kanilang mga gamit. Nakaupo pa rin sa upuan nito si Chandler habang isinisilid sa bag nito ang ballpen at isa nitong notebook.

"Ahh.. Chandler?" tawag ni Mrs. Ituralde sa kanya. Mabilis pa sa alas kwatro tumayo ang binata at ngumiti ng malaki sa tiya niya.

"Po?"

Sinenyasan siya nito na lumapit sa mesa. Kaya agad siyang kumilos at tumingin pa kay Isabela. Bigla siyang nalungkot nang makitang tumayo na ito at handa nang lumabas ng classroom.

Sinundan ng tingin ni Mrs. Ituralde kung saan nakatingin si Chandler. At napangiti nalang nang may maisip na ka-echosan.

Tumikhim ang ginang. "Eliotha?" tawag nito sa dalaga. Ngunit nabigla ito nang makitang apat na babae ang lumingon sa gawi nila. Oo nga pala, apat silang may Eliotha sa pangalan.

"Si Isabela.."

Nakataas ang kilay nina Tanya at tumingin kay Isabela saka nagbaling ulit ng tingin sa guro nila. Wala namang reaksyon ang mukha ni Isabela habang lumalakad papalapit sa kanila.

"Bakit po?" tanong niya. Hindi sinasadya ng mga mata niya na mapadapo sa gwapong mukha ni Chandler at napag-alaman niyang kanina pa pala ito nakatingin sa kanya. Bakit ba ang hilig tumingin ng baliw na 'to sa mukha ni Isabela? Aware naman ang dalaga na maganda siya noh.

"Pwede mo bang samahan si Chandler sa storage room?"

Napalipat-lipat ang kayumanggi niyang mga mata kina Mrs. Ituralde at Chandler. Hindi niya namalayan na nakaawang na pala ang bibig niya sa pagkabigla. Sasamahan niya si Chandler?! Silang dalawa lang!

Nang matauhan na siya, agad siyang ngumiti at tumango na siyang ikinagulat ni Mrs. Ituralde. Ewan ba kung saan ito nagulat, nung ngumiti siya o ang agad na pagpayag na samahan ang lalaki. Baka pareho. Hindi nakita ng apat ang pagngiti niya, tanging sina Chandler at Mrs. Ituralde lamang ang nakasaksi no'n.

Kaya hindi maawat ngayon ng ginang sa pagngiti sa dalaga.
"Kunin niyo sa storage room ang dalawang box na may pangalan ko. Dalhin niyo dito sa classroom."

Tumango ang dalawa, nagsimula kaagad silang maglakad paalis at naiwan sa classroom sina Tanya. Parehong nakatanga sa pinsan nilang si Isabela. Hindi manlang nagpaalam sa kanila.

"O? Ano pa ang tinatanga-tanga niyo dyan? Magrecess na kayo!" mataray na sabi ng ginang sa apat. Agad naman kumilos ang mga ito, nagmamadaling lumabas ng classroom. Natatakot sila na baka bigla nalang saniban ng baliw na multo si Mrs. Ituralde at hindi na sila makakapag-recess. Iyak talaga kayo mga ugok.







[PLAY: I ain't perfect by IVOS]

"Pasensya kana kay Tita ah. Ayos lang naman na ako lang mag-isa ang kukuha ng mga kahon sa storage room, pwede ka na mag-break do'n." malumanay na wika ni Chandler habang naglalakad sila ngayon sa gitna ng malawak na school ground sa campus A.

Huminga ng malalim si Isabela at umiling. "Ayoko. Tayong dalawa ang inutusan ni Ginang Ituralde, kaya tayong dalawa ang kukuha ng mga letse'ng kahon na iyon."

Marahang natawa si Chandler at iniling-iling ang kanyang ulo. Napatingin siya sa mga paa nila ni Isabela at nakitang magkasabay ang mga ito sa paghakbang. Kaya napangiti siya, nababaliw na naman.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon