"TANYA!" nabulabog ang mga tao sa loob ng bahay dahil sa sigaw ni lola Teresa. Kabababa lang niya sa hagdanan at nadatnan niya ang apo niyang si Tanya na mahimbing na natutulog sa papag ng sala.
Sino ang hindi magagalit kung ganito ang makikita mo. Paniguradong taas ang iyong blood pressure. Nasa harapan na siya ngayon ni Tanya at nakapamewang. Napakahimbing ng tulog nito at nakasalampak pa sa tenga nito ang earphones. Rinig na rinig ni lola Teresa ang lakas ng tugtog na nagmumula sa earphones ni Tanya, nakafull volume pa 'yon.
Minsan nag-aalala na siya sa kanyang apo at baka mabingi ito. Hindi pa rin nagising si Tanya, kaya ang ginawa ni lola ay sinipa niya ang braso ni Tanya ng dalawang beses. Hindi naman masyadong malakas, pero sa paraan iyon ay naalimpungatan na si Tanya.
Napabuntong-hininga si lola at matalim na tinignan ang kanyang apo.Agad napaupo si Tanya nang makita ang lola niya at inalis ang earphone niya sa tenga. Binigyan niya ng ngiti ang matanda, yung ngiting natatae na.
"L-lola? Hehehe." wika niya at kumamot sa kanyang batok.
"Jusko naman, Tanya! Para saan pa ang silid na ibinigay namin sa iyo kung hindi mo lang din iyon gagamitin!" pasigaw na sabi ni lola.
Napalunok ng laway si Tanya at tumawa, mabilis siyang nag-iwas ng tingin dahil mukhang gusto na siya nitong balatan ng buhay. Syempre, 'di yon magagawa ng lola nila. Mabait kaya si lola Teresa."Ehh lola, nasira po kasi ang aircon ko sa kwarto. Kaya dito ako natulog." sagot niya at tumingin sa mukha ni lola Teresa. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito at ang paghinga nito ng malalim.
"Ano?! Nasira?! Na naman?!" gulat nitong tanong. Naiimagine ni Tanya ang lola niya na napapalibutan ng apoy, nag-uunahan naman ngayon ang pagbagsak ng kanyang pawis dahil sa takot.
"H-hehe opo..n-nasira po..ulit" nauutal niyang sabi. Kasi yung tatlong nauna niyang mga AC ay nasira sa 'di malamang dahilan. At ngayon ay ang bagong niyang AC na last-last-last month lang binili ay nasira din.
Napahilot si lola sa kanyang sentido at iniling-iling ang kanyang ulo. Calm, lola. Inhale-exhale po.
"Pinapakulo mo na naman ang aking dugo, Anastasya Analyn Eliotha!" sigaw niya at tinignan ng mariin ang dalaga. Napanguso si Tanya at hinalukipkip ang kanyang mga braso.
"Tinawag niyo na naman po ako sa full name ko." inis na aniya."Ewan ko sa'yo! Ikaw talaga, wala ka na ngang ginawa dito sa bahay tapos ikaw pa yung mukhang pagod! " sermon nito. Bumusangot ang mukha ni Tanya at huminga ng malalim.
"Lola naman, may ginagawa naman ako ah."
"Ang alin? Ang makinig ng kanta? Hoy Tanya! Sinasabi ko sayo kapag nabingi ka talaga walang tenga ang ibinebenta sa palengke!" sigaw nito kaya napapikit si Tanya. Ang sakit pa naman sa tenga ng tinig ni lola Teresa. Hayst.
"Tsaka tignan mo yang sarili mo, ang laki mong babae. Ba't 'di mo gayahin si Sasa? Ang sexy-sexy! Eh ikaw, parang naglalakad na garapon." dagdag pa nito. Napangiwi nalang ang labi ni Tanya sa panlalait ng kadugo niya. Binigyan niya ng 'lola, apo niyo po ako' na tingin. Pero wala atang balak si lola na bawiin ang sinabi niya, kasi totoo naman.
"Grabe naman po kayo lola. Osige po magda-diet na ako." sabi niya at bumuga ng hangin. Tumaas ang isang kilay ni Lola Teresa at pinasadahan ng tingin ang kabuoan ni Tanya.
"Talaga?" tanong niya.
Maraming beses na tumango si Tanya sabay ngiti."Opo, pramis!"
"Mabuti naman kung ganoon." ani Lola.
Nagtakha siya nang marinig ang pagtawa nito kaya kinunot niya ang kanyang noo. Tumatawa ngayon si Tanya dahil sa kanyang naisip.
"Anong nakakatawa?" tanong ni lola.
Napatigil ito sa pagtawa at mabilis na umiling.

BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Ficção AdolescenteIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...