Kabanata 37

7 0 0
                                    

CLAIRE'S POV

EARLY kaming ginising ni lola, gusto ko pa sana matulog ng mahaba dahil Im so very tired mula nung umuwi kami kagabi. We haven't eat our dinner last night eh. Diretso kaming lima sa mga room namin at natulog. However, nag-enjoy talaga kami sa ghost hunting, actually hindi iyon naging ghost hunting. Hahaha!

Sinabi ni ate Isabela na true hooman ang babaeng hinahabol nila. Grabe natakot talaga ako. Pero mas natakot kami nung makita kami ni kuya Guard. Para kaming naglaro ng habulan sa loob ng gymnasium. Ang sayaaa!

Im very excited lateur, magkikita na naman kami ni Ernie, kyaa~

Bagay kaya sa kanya ang maging Lancelot? Hmm. Sana mag-enjoy kami mamaya sa party, gaya nong kagabi. Hihi.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan, Clara?"

Ah?

Hindi ko napansin, nandito pala si lola kasama namin. Lahat kami ay nandito sa backyard, pinagtatabas kami ni lola ng ligaw na damo. Im already sweating, hindi pa kasi kami nakakaligo. Pati nga iyong mga cousin ko pinagpapawisan na rin. Kawawa naman kami.

"Wala po, lola. Nage-enjoy po ako sa pagtatabas ng mga damo hehe." sagot ko sabay smile.

"Hm? Mukhang ikaw lang yata ang nage-enjoy dyan. Tignan mo ang mga pinsan mo." sabi pa niya kaya tinignan ko naman ang mga pinsan ko.

Lahat sila halatang inaantok pa. Pero kapansin-pansin 'tong si ate Isabela, kahit emotionless ang face niya kitang-kita pa rin ang antok sa mga mata niya. Kahit nga ako inaantok pa rin pero mukhang nagigising na ang kaluluwa ko.

"Anong oras ba kayo pupunta sa sinasabi niyong halloween party?" tanong pa ni lola sa amin.

"Eight po ng gabi, lola. Dito na po kami mag-aayos ng sarili namin." sagot ni Rex gamit ang inaantok niyang boses.

Tumango-tango si lola saka ngumiti."Matapos ang party ah, ibalik niyo na sa dati ang kulay ng mga buhok niyo." bilin pa niya.

"Ehh? Bagay naman po sa amin ah." nakangusong sabi ni Tanya at sininghot-singhot ang pula niyang buhok. Lesley pa nga.

"Sinong nagsabi na bagay sa inyo? Ulol." sabi pa ni lola kaya natawa ako, pati na rin si Rex.
Ouch, lola.

Nagbaling si lola ng tingin kay ate Isabela na ngayo'y nagbubungkal na ng lupa. Sabi kasi niya kanina may itatanim daw siyang plant. Hindi sinabi kung what kind of halaman, basta halaman daw. Pinanood ko lang siya kung papaano siya magbungkal, Im sure marunong siyang magtanim. Lumaki siya sa probinsya eh.

Hindi naman sobrang lalim ng ibinungkal niya, sa tingin ko mga 6 inches iyong lalim niyon. Sunod niyang ginawa ay nilagay niya ang tatlong seeds ng kung anong plant iyon.
Saka niya ibinalik ang lupa na medyo wet na ngayon.

"Ano 'yong itinanim mo, Isabela?" tanong bigla ni Rex. Hindi manlang siya nito binigyan ng tingin.

"Sama ng loob." walang ganang sagot ni ate.

"Pfft!" pagpipigil pa ni Sasa ng kanyang tawa.

"O'siya, tumayo na kayo dyan at linisin niyo na ang mga katawan niyo." sabi sa amin ni lola. Kaya tumayo na kaming lima at hindi maawat ang sarili na mapangiti. "Nangangamoy aloe vera na kayo." dagdag pa niya na ikinakunot ng noo namin. Aloe vera? Anong amoy ng aloe vera?

Nagtatakha kong tinignan sina ate Isabela. Pareho kami ng reaksyon nina Rex, Tanya at Sasa, pero si ate mukhang matatawa pa.

"Hindi ako nangangamoy aloe vera" sabi niya at pasimpleng inamoy ang sarili.

"Ano ba ang amoy ng aloe vera?" takhang tanong ni Sasa.

"Amoyin niyo muna sarili niyo." natatawang ani ate. Kaya ginawa rin namin. Inamoy namin ang sarili namin.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon