SASA'S POV
MAAGA kaming nakauwi sa bahay kanina, apat lang naman na subjects ang ni-take naming exam. Mabilis namin agad nasagutan, iba talaga kapag nag-review ka ng mga ni-lecture. Ewan ko nalang kay Tanya at ate Isabela. Magkalayo-layo kasi ang mga upuan namin eh.
Nakasabay pa namin sa pananghalian sina lola, kaunti lang ang kinain ko medyo busog pa kasi ako. Tsaka gusto ko i-maintain ang figure ko hehe.
6:07pm na. Nandito kaming lima sa salas, tatambay muna kami dito bago matulog. Katatapos lang namin kumain, pinapatunaw pa namin ang mga kinain namin. Nauna na kaming mag-hapunan, mamaya pa raw alas onse si tito Roger.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga pinsan ko na ngayon nakaupo sa sofa kasama ko. Nasa kabilang sofa sina Tanya at Isabela. Katabi ko naman sina Rex at Claire na nasa magkabilang gilid ko. Kaming apat nakaharap sa mga smartphone namin, samantalang, magazine naman ang kaharap ni ate Isabela.
Itong si Rexidol bigla-bigla nalang tatawa mag-isa. May nakita na naman ata'ng memes ang loko. Si Claire naman, nagpipigil ng ngiti dito sa tabi ko. Tapos minsan nag-iipit ng tili. Hindi ko alam kung bakit, baka sinaniban na naman 'to ng malanding multo.
Si Tanya, ayon nakasalpak na naman ang earphone sa tenga. Ang lakas ng tugtog, rinig na rinig ko nga mula rito. Fi-null niya na naman ang volume. Tsk. Wala na talaga, sira na ang tenga ng babaeng 'to.
Ito ang paborito kong pinsan, si ate Isabela. Hehe. Wala naman nagbago sa kanya. Gano'n pa rin siya mula no'ng dumating siya sa buhay namin.
Nadagdagan man ang member dito sa bahay, pero mukhang wala naman. Hindi kasi namamansin si ate, hindi naman sa snobber siya. Namamansin siya kaso minsan lang. Nagsasalita kung may itatanong o sasagutin yung tanong. Walang emosyon ang mukha, parang galit sa mundo. Haha!Nawi-weirdo-han na ako sa kanya. Oh! Simula pa no'ng una. Feeling ko talaga may something kay ate na hindi namin alam. Baka feel ko lang. Kasi mukhang hindi rin nagsalita 'tong tatlo tungkol kay ate kung may napapansin silang weird dito. Baka nga ako lang.
Nagbabasa lang yata si ate ng magazine. Ayon na naman ang emotionless niyang mukha. Kung hindi lang namin 'to pinsan, baka hindi ko 'to lalapitan o kakausapin. Wala lang, baka nananakit eh.
Grabe ka kay Isabela! Ugok kung alam mo lang.
Gulat akong napatingin kay Rex ng bigla itong tumayo at naglakad palapit sa painting ni lola Eliotha. Tumingin ako sa tatlo, kaso mukhang ako lang ang nakapansin sa weird acts ni Rex. Kaya tumayo na rin ako at sinundan siya.
Nakatingala siya sa painting saka tumingin sa cellphone niya. Tapos tumingin din siya sa family picture ng ninuno namin. Nando'n si lola Eliotha, lolo Marcelo at yung anak nila. Ang weird ni Rexidola ah.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya at pasimpleng sinilip ang screen ng cellphone niya. Napalundag sa gulat ang loko at napahawak pa sa tapat ng dibdib nito. Ang oa naman.
"Ginulat mo ako!" sigaw niya. Do'n ko napansin ang daan-daang butil ng pawis na nag-uunahan pababa sa kanyang mukha. Parang naliligo na siya sa pawis niya, eww.
"Hoy, anyare sa'yo? Tignan mo nga yan sarili mo! Eww!" sabi ko at inilagay ang mga kamay ko sa bewang.
Hinawakan niya ang laylayan ng damit niya saka ginamit iyon pamunas ng pawis niya sa mukha. Nakita ko tuloy ang bilbil niya, madumi pa ang pusod. Charoot!
Sayang hindi ko na-kuhanan ng picture para sana i-sent kay Veronica. Im sure mangingisay yon sa kilig hanggang sa bawian siya ng buhay. Sana nga.
"Ang weird mo ngayon... Nahawaan ka na ba ni ate Isabela?" pabulong kong tanong sa kanya sabay sulyap kay ate. Pero mukhang hindi naman nito narinig hehe.

BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Roman pour AdolescentsIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...