Kabanata 8

8 0 0
                                        


LUMIPAS ang dalawang oras at kalahating minuto. Napa-yes ang lahat nang marinig ang pagring ng bell, ibig sabihin break time na nila.
Iyon ang kanina pang inaantay ni Tanya, gutom na raw siya eh. Kaya niligpit na nila ang mga gamit nila at isinilid sa loob ng bag pack nila. Pagkatapos nun ay lumabas na sila sa classroom para tunguin ang cafeteria. Hindi pa nga nakakalabas ng classroom ang science teacher nila eh nauna na silang lumabas. Apakabastos.

Tahimik lang si Isabela habang naglalakad, gaya kanina nakakapit na naman si Claire sa braso niya. Hinayaan niya nalang ito tsaka hinayaan din niyang magdaldalan ang mga pinsan niya. Ayaw niyang makisali dahil wala namang kwenta ang pinag-uusapan nila. Magsasayang lang daw siya ng laway.

Hindi pa siya nakaka-move on kanina nung makipagtitigan siya kay Chandler. Kung ano ang naramdaman kanina nung lalaki, gano'n din siya. Parang gusto niyang sumabog nalang bigla sa inis. Pero dapat maging masaya siya, sapagkat nagkita ulit sila ng taong matagal na matagal niya nang gustong makita.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto niyang umuwi dito sa siyudad, ang makilala ang pamilya niya, makapag-aral at hahanapin ang taong iyon. Sa tagal niyang naghintay, paulit-ulit siyang nagpabalik-balik at voila! Narito na siya! Hayss.

"Ate?" wika ni Claire at nag-angat ng tingin sa kaniya. Medyo matangkad siya ng kaunti sa pinsan niya. Hindi niya ito tinignan o kahit sumagot manlang. Pero narinig niyang tinawag siya nito.
"You and Chandler... Have met before? Napansin ko na nagstarring kayo nung time ni Mrs. Itu." patuloy nito at tinitigan ang mukha ni Isabela na wala pa ring emosyon. Sinulyapan niya si Claire dahil sa tanong nito. Hindi niya inaasahan na may nakapansin pala sa kanila kanina.
"Do you know him?" dagdag pa nito.
Umiling lang siya at tumingin ng diretso sa daan. Hindi na nagsalita pa si Claire, batid nito hindi kilala ni Isabela si Chandler.

"Nakakagutom talaga kapag nakikinig ka sa discussion." sabi ni Sasa nang nakanguso. Tumango-tango naman si Tanya, sang-ayon siya eh. Kanina pa siya nagugutom kahit 'di naman siya nakinig.

"Anong kakainin niyo ngayon?" tanong ni Rex sa lahat. Kumibit-balikat si Tanya at tumingin kay Sasa.

"Gaya pa rin nung last week."

Nang makarating na sila sa harapan ng cafeteria, nakita nila do'n ang tatlong babae na nakatayo lang at titig na titig kay Isabela. Mga babaeng miyembro ng Darkness Gang, isang sikat na gang at kinakatakutan ng lahat. Kasi hindi nila kilala kung sino ang leader ng gang na iyon. Hindi sila sigurado kung araw-araw ba nila ito nakakasalamuha, o kung babae ba ito o lalaki. Hindi naman nananakit ang mga miyembro niyon ng inosenteng students dito sa Z.U., may iilan lang na pasikat na miyembro na feeling cool para magpa-impress sa leader nila. Gaya nga ng tatlong bigaita na ito. 

Nabigla si Isabela nang hatakin siya ni Tanya at nilagay siya sa likuran nito, na para bang pinoprotektahan siya mula sa tatlong bruha. Samantala, sina Rex at Sasa naman ay tinabihan siya, para bang ikinulong siya sa gitna. Litong-lito na siya, hindi niya alam kung ano ang nangyayari ngayon. Si Claire naman ay nasa tabi ngayon ni Tanya at nakikipagtagisan sa pagtitigan sa tatlong babae.

"Bakit ganyan kayo makatingin sa kanya?" walang ganang tanong ni Tanya.

"Hmm..new face. Who is she?" tanong ni Kayla na tunog malandi. Wut!?
Umirap ng todo si Tanya at bahagyang ngumisi.

"Bakit?"

Nagtakha si Isabela sa sagot ni Tanya. Imbis pangalan niya ang isagot nito bakit 'Bakit'? Hindi niya naman iyon pangalan ah. Sabay na nagtawanan ang tatlong bruha at tinignan mula ulo hanggang paa si Tanya.

"Sorry, Tanya gurl. We already found our new pet this school year." natatawang ani Sofia at sumulyap kay Isabela. Nanlaki ang mga mata nina Rex at Sasa, halos sabay na hinarang ang mga kamay nila sa mukha ni Isabela. Anong ka-abnormalan yan?!

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon