Kabanata 29

3 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV





[PLAY: Why won't you love me BY:5sos]


HABOL hininga si Rex matapos ang mala-marathon niyang takbo sa gitna ng school ground. Hinahabol niya kasi si Mia na ilang araw na siyang iniiwasan. Balak niyang kausapin ang babae at itanong kung ano ang problema nito.

No'ng araw na kinausap siya nito, umamin ito sa tunay nitong nararamdaman. Hindi niya alam kung ano ang gagawin no'ng araw na iyon dahil wala naman siyang nararamdaman na espesyal sa dalaga. Hanggang kaibigan lang talaga. Kaya siguro iniiwasan siya nito matapos ang araw na iyon.

Nasa harapan na siya ngayon ni Mia, nakabuka ang dalawa niyang braso at para bang hinaharangan niya ang daraanan nito. Nag-uunahan na ang mga pawis niya sa pagdaloy pababa sa kanyang magandang mukha. Pero pinanatili niya ang walang emosyon niyang mukha kahit medyo nagulo ang pula niyang buhok. 

Halatang nagulat si Mia sa biglaan niyang pagsulpot at kamuntikan pang mapamura. Daig niya pa kasi ang kabute.

"Hoy, Mia!.." wika niya habang hinihingal pa. Biglang napalunok ang dalaga nang mapatitig ito sa umaapoy niyang mga mata.

"R-rex? A-anong gina--"

"Bakit mo ako iniiwasan?" diretso niyang tanong at ibinaba na ang dalawa niyang braso. Umiwas ng tingin si Mia at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay nito.

"I-ibaba mo nga 'y-yang braso m-mo... Para k-kang tanga." mahinang sabi nito. Kaya kumunot ang noo ni Rex at pinamewangan ang babae.

"Nakababa na ulol. Sagutin mo ang tanong ko.."

Humugot ng isang malalim na hininga si Mia at naglakas-loob na tignan siya.
"Bigyan mo muna ako ng panahon, Rex. Hindi naman kita mapipilit na magustuhan ako pabalik 'di ba? Kaya hayaan mo muna ako.."

"Tuluyan mo na akong iiwasan?! Ilang araw? Aabutin ba ng buwan? Taon?" sunod-sunod niyang tanong na tila ba hindi nagustuhan ang narinig. Kagaya ng mga pinsan niya, mahalaga rin sa kanya si Mia. Girl bestfriend eh.

"Ang oa mo.. Hintayin mo na lang na bumalik ang dating Mia na nakilala mo noon." malungkot nitong wika at pilit na ngumiti. "Kakalimutan ko muna ang nararamdaman ko para sa'yo. Itutuon ko ang atensyon ko sa ibang bagay."

"Matatagalan ba 'yan? Hindi ko kaya na hindi ka maka-chat at makausap dito sa school." tugon ni Rex at napasimangot. Huminga ng malalim si Mia at napailing-iling ng ulo.

"Lalo mong pinapalala ang nararamdaman ko sa mga kilos mo.. Tigilan mo yan. Naiinis na ako sa'yo." napapikit ito ng mariin.

"Sorry... Sorry... Sorry, Mia." mahinang usal ni Rex at akmang yayakapin niya ito, ngunit mabilis itong humakbang paatras. Lalong lumungkot ang mukha niya nang pagmulat ni Mia ng mga mata nito, isang malamig na tingin ang sumalubong sa kanya.

 

"Wala nang magagawa 'yang sorry mo... Akala ko talaga noon, pareho tayo ng nararamdaman. Pero akala ko lang pala 'yon." tumawa siya ng peke at pilit na pinipigilan ang sarili na maluha. "Pero... Gano'n ka lang talaga sa mga babae. Except nga lang kay Veronica na patay na patay sa'yo."

Nakatunog si Rex na peke ang ngiti at tawa nito, dahil nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito. Aminado siya na ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga taong mahahalaga sa kanya. Pero hindi niya naman pwedeng ipilit sa sarili na gustuhin ang bestfriend niya. Ayaw rin ng puso niya dahil ang alam niyon, mag-kaibigan lang sila at hanggang do'n lang iyon.

"Naalala mo yung rules nati--"

"Wala na akong pake sa rules na 'yon. Tsaka napag-isipan ko na ngayon lang..." putol nito sa sasabihin niya. Nakita niya ang pamumula ng mga mata nito at ang pagbabadya ng luha mula ro'n. "Tapusin na natin ang pagkakaibigan natin.. R-rex." patuloy nito at halos ibulong na nito ang pagkabigkas sa pangalan niya.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon