ISABELA'S POV
NAKAILANG buntong hininga na ako at nagsasawa na akong bilangin ang mga taong dumaraan sa harapan ko. Nasaan na kaya sina Sasa at Callixto? Nayayamot na ako sa kahihintay sa kanila. Nandito ako ngayon sa food court ng isang sikat na mall sa Zamboanga. Nagpasama kasi sa akin dito si Sasa, magkikita raw sila ni Callixto. Sana tinanggihan ko nalang siya, e di sana nasa bahay pa rin ako at pahiga-higa lang sa kama.
Iniwan ako saglit ni Sasa para sunduin si Callixto. Ewan ko kung nagkita na yung dalawa. Mag-iisang oras na ako sa food court at wala pa yung dalawa. Bwiset.
Gusto kong libangin ang sarili ko kaso lowbat na ang cellphone ko. Hindi ko na nakuhang mag-charge kanina kasi umalis na kami kaagad ni Sasa. Anong gagawin ko? Magbibilang ulit ng tao?
Tumingin ako sa dalawang tao na kumakain sa kabilang table. Napangiwi nalang ako nang makitang ang daming pagkain sa table nila. Kaya nila kayang maubos ang mga 'yan? Iniling ko nalang ang ulo ko saka nagbaling ng tingin sa milktea ko, dark chocolate ang flavor non at iyon ang paborito ko.
Maraming may ayaw sa dark chocolate kasi daw mapait sa panlasa. Kaso iba sa akin, palagi kong hinahanap-hanap ang lasa non. Kanina ko pa ito binili nung pag-alis ni Sasa at ngayon nakalahati ko na ito pero hindi pa rin nakakabalik ang babaeng iyon. Tsk.
"Totoo ba 'tong nakikita ko? Beh ang gwapo~"
"Hala! Oo nga! Pa-picture tayo!"
"Shocks! Ang gwapo mo naman kya."
"Tanong natin ang name niya."
"Kyaaaaah!"
"Hello po? Anong name niyo kya?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa mga nakaririnding tilian ng mga babae dito sa food court. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa pinagmulan ng ingay at nakita ang mga nagkukumpulang babae sa isang table na hindi naman gaano kalayo dito sa table ko, mga dalawang mesa ang pagitan niyon.
May mga babae na naglabas na ng mga smartphone nila at para bang kinukuhanan nila ng larawan ang taong nando'n. Hindi ko inalis ang paningin ko sa mesa'ng iyon. Hanggang sa magkaroon ng maliit na siwang ang mga nagkukumpulang babae dahilan para makita ko ang taong pinagkakaguluhan nila.
Nakasuot siya ng puting hoodie jacket, itim na short pants at puting converse. Base sa pangangatawan niya, isa siyang lalaki. Ulol, kaya nga siya pinagkakaguluhan ng mga babae eh.
Nakayuko ang ulo niya at nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi ko napigilan ang sarili ko na pagmasdan ang naka-side view niyang mukha. Bakit parang pamilyar siya?
Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa ibang direksyon at sumimsim sa milktea ko. Bumuntong hininga ako at tumitig sa isang karatula na nakadisplay dito. Mobile Legends: Bang Bang Halloween party.
Iyon ang nakalagay ro'n. Napaisip ako bigla. Paano kung sumali kami dyan? Malapit na ang halloween at syempre may mga libreng chocolates dyan. Panigurado masisiyahan ang mga ugok. Nakalagay rin do'n na ang isusuot sa halloween party ay mag-costume ng ML heroes. Bwiset, seryoso ba 'to? Saan naman ako maghahanap ng costume ng mapipili kong ML hero? Bwiset. Mabuti pang hindi nalang ako pupunta. Ewan ko do'n sa mga ugok kung a-attend sila sa party. Iba rin 'tong halloween party na 'to, required lahat mapa-bata o matanda, basta naka-costume lang. Ang galing ah."Ay? Bakit siya nakatingin sa babae?"
"Kya, do you know her?"
"Type niya siguro.."
BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Teen FictionIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...