Kabanata 43

2 0 0
                                    

PAGDATING namin sa lamesa, kumuha ako ng dalawang pinggan. Para iyon sa kanila, hindi ako nagugutom kaya sila nalang tsaka gusto kong makita ang reaksyon nila kapag natikman na nila ang mga niluto ko. Hinayaan ko nalang silang pumili sa pagkain na gusto nilang kainin.

Napatingin ako sa kinaroroonan ng mga pinsan ko kasama ang mga nobyo't nobya nila. Mukhang masaya naman sila na wala kami ni Chandler sa tabi nila. Kaya sasamahan ko na lang ang kambal at aasikasuhin sila sa party. Dumating na rin ang baliw at ang sama ng tingin sa akin. Binigyan ko siya ng 'WHUT?' look pero inikutan lang ako ng mata. Pfft.
Kumuha na rin siya ng pinggan at naghain mag-isa. Napansin ko na kaunti lang ang kanin na nilagay niya at puro ulam na. Hindi nawala sa pinggan niya ang adobo ko. Hehe.

Habang abala sila sa pagkuha ng pagkain, kinuha ko ang pagkakataong iyon para kumuha ng maiinom nila. Iced tea para sa kambal at kalamansi juice para sa amin ni Chandler. Inilagay ko sa tray ang apat na inumin at bumalik sa kanila. Mabuti natapos na rin sila sa pagkuha ng makakain nila.

"Mukhang masasarap ang mga hinanda, ate!" masayang ani Akemi sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya at nagbaling ng tingin kay Chandler.

"Balik na tayo do'n." aya niya sa amin. Sabay naman tumango ang kambal at kibit-balikat lang ang sagot ko bago kami bumalik sa mesa nina Akame kanina.




"What's your full name, ate?" tanong bigla sa akin ni Akemi nang makaupo na kaming lahat sa mesa. Hindi na namin napigilan pa sina Akame at Chandler at basta nalang nilantakan ang mga pagkain nila. Aakalain mong mga taong hindi na kakain ng ilang buwan ang dalawang 'to.

"Isabela Corazon Eliotha Corpuz, bakit mo naitanong?"

Umiling siya habang nakangiti."Gusto ko lang po malaman. Ah, ilang taon na pala ikaw, ate?" tanong niya pa.

"18 na ako." sagot ko saka sumimsim sa kalamansi juice ko.

"Aw, magka-age lang pala kayo ni kuya Chandie." ngiti niya. Ang cute naman ng tawag nila kay Chandler, Chandie. Haha. Kanina ko pa kasi naririnig na iyon ang tawag nila dito, kahit na si Dadd--err.

Napatingin ako kay Akame nang bigla siyang tumikhim,"Who cooked these foods?" malamig niyang tanong sa akin at bigla naman akong kinabahan. Hindi niya yata nagustuhan?!

"Why? Is there's any problem with--"

Umiling-iling siya,"Nah, wala, wala. I just found out na masasarap ang mga hinanda. Seems like its more tastier than the foods that 5 stars hotel serves." aniya sabay ngiti. Woooy! Ngumiti siya. Ano daw?! Nasarapan siya sa mga niluto ko!!?

"Aba, syempre kapag si Valentine ang magluluto siguradong masarap yan." sabat pa ni Chandler habang puno ng pagkain ang bibig, medyo hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya.

"Ano daw?" tanong ni Akemi saka nagbaling ng tingin sa akin. Kumibit balikat nalang ako.
"Maganda raw ako, iyon ang sabi niya." pagsisinungaling ko pa. Kaya natawa 'tong katabi ko. Bale nasa magkabilang gilid ko ang kambal, si Akame sa kanan, si Akemi sa kaliwa at katabi naman ni Akame si Chandler.

"Ubusin niyo yan lahat." sabi ko sa kanila. Tango lang ang isinagot nila sa akin, nakakapagtakha lang kung bakit hindi nila ako inalukan ng pagkain, isa pa 'yang si Chandler. Pero kahit naman na alokan nila ako ng pagkain ay hindi naman ako kakain.

"May hi-nire ba kayong cook, ate?" tanong ni Akame.

"Wala. Ako ang nagluto sa mga pagkain, kailangan kasi namin magtipid. Mahal siguro ang mag-hire ng chief." sabi ko at tipid na ngumiti. Ngunit nagtakha ako nang mapansin na nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa mukha ko. May nakain siguro siyang paminta! Naku, hindi pa naman durog iyong nilagay ko.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon