THIRD PERSON'S POV
HINDI na nagulat pa si Isabela sa nalaman niya, isa pa hindi niya na kailangan pa ng maraming paliwanag kung bakit palihim siyang binabantayan nila Akie. Alam kasi ni Akie na lalabas lang sa lungga si Merlinda sa oras na malaman nitong buhay si Isabela.
Halata naman na alam nilang humihinga pa ang anak nina Cara at Renato, na siyang tunay na nagmamay-ari sa Corpuz Company. Tsaka alam din nila na darating ang araw na ipapamana rin ni Roger ang upuan ng pagiging Ceo ng kompanya kay Isabela. Kaya nanatili pa ro'n sa C.C si Anton at para magmatyag sa pamilya. Hugas kamay ang lalaki sa krimeng ginawa, hindi rin naghinala sa kanya ang mga tao sa kompanya pati na rin kay Merlinda. Sa pagkakaalam ng lahat, mga malalapit na kaibigan ng yumaong mag-asawa ang dalawa. Umalis bigla ng bansa si Merlinda dahil magpagamot daw ito sa isang mahusay na doktor sa america. Walang sino man ang nakakaalam sa tunay na sakit ng ginang, ngunit ginawa nitong rason ang pagpapagamot para matakasan ang mga kademonyohan nito.
Pinlano nina Akie na pasukin ni Kai ang Corpuz Company at maging co-owner ni Roger para mapagtagumpayan ang misyon nila. Malinaw na tin-raydor ni Kai ang sarili niyang ama dahil nais niya na itong pagbayaran ang mga ginawa nitong kasamaan. Para magtagumpay sila, nagpanggap siya na kakampi ng ama niya. Nagawan niya ng paraan para hindi siya mahuli ng kanyang ama na isa siyang traydor. Ginawa niyang dahilan ang pagbisita niya sa mga negosyo niya tuwing umuuwi siya ng hating-gabi, kahit na ang totoo niyan ay galing siya sa MSO. Sa mansiyon pa rin nila siya umuuwi dahil parte iyon ng misyon. Lahat ng mga nakukuha niyang impormasyon, mga planong hakbang ng kanyang ama ay ipinagbibigay alam niya sa MSO. Nang hindi pa nakakarating si Isabela sa Zamboanga, sa terminal palang ay napapalibutan na siya ng mga tauhan ni Akie. Utos niya iyon sa mga tauhan niya na palagi dapat na kay Isabela o 'di kaya sa pinsan nito ang mga mata nila. Kahit saan magpunta ang dalaga ay naroon din ang mga nagbabalat-kayong mga tauhan niya para bantayan ito. Dahil kahit ano mang oras ay kikilos ang mga Montellones.
Ngunit nakahalata sa kanila ang mga ito na nakapaligid lagi ang mga tauhan niya sa dalaga. Kaya noong biyernes, nagtalaga ng panibagong plano si Akie na isa lang sa mga tauhan niya ang pumunta sa unibersidad para bantayan mula sa malayo si Isabela. Ang planong iyon ay inaakala nilang 'di uubra ngunit nagkakamali sila. Natunugan kasi ng MSO na hindi lang pala sila ang nagbabantay kay Isabela, iyon pala'y ang mga Montellones din. Nung matagumpay na nakuha ng mga tauhan nina Anton at Merlinda sina Isabela, bago pa makatawag si Mia sa bahay ng mga Corpuz, nalaman na iyon ng mga taga-MSO at isinagawa na nila ang pangalawa nilang hakbang. Na-trace kaagad nila ang lugar kung saan dinala ang mga ito. Ang nakaisip sa planong iyon ay walang iba kundi si Iris.
At ngayong nagtagumpay sila sa kanilang misyon. Hindi pa man tuluyang nalilinis ang bayan nila, ngunit nararamdaman ni Akie na mabubura din ang kasamaan dito. Mawawala rin ang mga taong kagaya ni Merlinda at Anton. Hindi maitago ang kasiyahan sa mga mata niya lalo na't nahuli niya na ang kanyang Ina na siyang pumatay din sa fianće niya. Ngayong nakamit na niya ang hustisya, alam niyang masaya na sa lugar ng walang hanggan ang babaeng minamahal niya.
NAPUNO ng tawanan ang buong kusina habang naghahanda ng masasarap na pagkain ang pamilya Corpuz. Umuwi na galing ibang bansa ang mga kapatid ni Roger, kasama ang mga asawa nila. Nasa salas naman ang mga tatay nina Tanya at abala sa pag-aayos ng mga regalo sa ilalim ng christmas tree. At ang lahat ay nakasuot ng pulang kasuotan, naging tradisyon na ng pamilya ang pagsusuot ng gano'ng kulay tuwing pasko.
"Haluin mo ng maayos." ani Isabela kay Tanya habang pinapanood itong lutuin ang sauce ng spaghetti. Nagpresinta ang mga pinsan niya na tutulungan siya sa pagluluto ng handa. Tumulong din sa kanila ang mga tiyahin niya na sina Edna, Ana, Lea, at Katherine.
BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Novela JuvenilIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...
