Kabanata 17

8 0 0
                                    

ALAS-OTSO na ng gabi at gising pa si Isabela. Nandito siya ngayon sa labas ng bahay nila, nakaupo sa damuhan at pinagmamasdan ang mga nagkikislapang bituin sa kalangitan. Alam niyang nagpapahinga na ngayon sina lola Teresa at Roger, pati rin siguro ang mga ugok niyang pinsan. Naisipan niyang tumambay muna sa labas para makapag-munimuni at mahanginan. Mamaya nalang siya papasok sa loob kapag nakaramdam na siya ng antok.

Papasok na sila bukas, alam naman ni Mrs. Ituralde kung bakit hindi sila pumasok sa araw na ito. Ang mga kaklase lang nila ang hindi nakakaalam. Kaya nga tinanong siya kanina ni Chandler kung bakit hindi siya--sila pumasok. Ngayon na nabanggit na ang pangalan ni Chandler, lumipad na naman ang isip ni Isabela at bumalik sa panahon niya. Hindi niya na dapat balikan ang mga iyon, lalo lang siya hindi makamove-on sa mga nangyari.

Hindi niya napansin ang biglang pagsulpot ng mga ugok niyang pinsan sa tabi niya at todo ang ngiti sa labi. Kumunot ang noo niya nang tuluyan nang maramdaman ang presensya nila at sinamaan niya ng tingin ang mga ito. Nagform sila na bilog at nag-indian seat.

"Hi, ate Isabela!" bati ni Claire pero hindi niya ito pinansin. Hindi niya na pinagmasdan pa ang mga stars dahil nangangawit na ang leeg niya sa pagtingala. Napansin niya ang paghahampasan nina Rex at Tanya na mukhang sisimulan nang mag-giyera ngayon.

"Kanina ka pa nandito, ate. Hindi manlang nagbago ang position mo, tulala ka tas wala kang emosyon sa mukha tapos ngayon kalang nagbaba ng tingin dahil nakatingala ka sa taas. Ang tanong, hindi ka ba nangangalay?" curious na tanong ni Sasa at titig na titig ngayon sa mukha niya. Hindi niya sinagot ang tanong ni Sasa, nanatili lang siyang tahimik at pagmumukhain niyang tanga ang apat na 'to sa pang-iistorbo sa kanya.
Kaya nga siya nandito sa labas para mapag-isa, tsaka akala niya nagpapahinga na ang apat na ugok na 'to, hindi pa pala.

"Anong paborito mong kanta, ate? Ako kasi Harder than you know ng Escape the fate." biglang sinabi ni Tanya. May tanong yun kaya kailangan niyang sagutin. Napahugot naman ng hininga si Isabela at nag-isip ng malalim, ano nga ba ang paborito niyang kanta? Ang dami kung iisa-isahin.

Tumigil na siya sa pag-iisip, siya lang din ang mahihirapan kung aalalahanin niya lahat ng mga kantang paborito niya. Halos lahat niyon ay napakaluma na at amoy lupa. Charsss!
Wala siyang paboritong kanta sa panahon na ito, wala daw kabuluhan lahat at may halong kaeng-engan. Kung tutuusin mas bet niya pa ang mga kantang pangluma, yung bang ang mga kumanta nun ay nasa hukay na. Bukod do'n ay mahilig din siya sa orchestra at marunong din siyang magpatugtog ng mga instrumento gaya ng piano, violin, guitara at fluta.

Bigla nalang siyang napatigil nang may maalala sa nakaraan niya. Nagpapatugtog siya nun ng kanyang fluta sa balkonahe ng bahay nila, bahay ng mga magulang niya. Nage-ensayo kasi siya para sa isang patimpalak na gaganapin sa bayan ng Sambuangan (Zamboanga Peninsula).
Habang tutok na tutok siya sa page-ensayo, bigla nalang siyang ginulo ng nakababata niyang kapatid na si Bernardo. Dahil sa pagkainis, hinampas niya ang hawak na fluta sa pwet nito. Hindi niya inaasahan na masasaktan ang kapatid niya kaya umiyak ito at isinumbong naman siya ng bunso nilang kapatid na 5 taong gulang palang na si Enrico. Kaya ayon, pinagalitan siya at pinaluhod ng buong araw sa bilao na may asin. Mangiyak-ngiyak siya nun dahil napakahapdi na ng tuhod niya, nagsisisi tuloy siya sa ginawa niya. Pero nakakatuwa lang isipin na kahit nasaktan niya ang kapatid niya, nagawa pa siya nitong tulungan. Gaya ng inaabutan siya ng maiinom at makakain.

"Alam mo ate kung lalaki lang sana ako, ikaw ang magugustuhan ko." nahinto ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan nang magsalita si Tanya. Nakatitig ngayon ang apat sa mukha niya habang nakangiti. Ano bang meron sa mukha ni Isabela at palagi niyo iyon tinititigan, wala namang dumi dyan o baka nagagandahan lang talaga kayo sa kanya? Hoy! Kayong mga ugok! Straight kayo ah! Walang babaluktot!

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon