ISABELA'S POV
NAALIMPUNGATAN ako sa ingay na naririnig ko. Nakaramdam din ako ng matinding pagkauhaw at medyo nahihilo rin. Iminulat ko na ang mga mata ko at lumanghap ng hangin. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat ng dibdib ko. Naliligo rin ako ngayon sa sarili kong pawis. Napansin ko na wala ako sa silid tulugan ko at mas lalong wala ako sa classroom. Nandito ako ngayon sa madilim, madumi't mabahong silid. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako at kung sino ang bwiset na nagdala sa akin dit---
Oo nga pala! May pumasok na dalawang itim na van sa Z.U at kinidnap ako! Teka! Sina Tanya? Si Chandler?! Nasaan na sila?
Hindi kaya nakidnap din sila at nandito lang din sila iisang lugar kung saan ako ngayon?
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid na ito, walang kahit anong kagamitan ang makikita dito. Pero nababalutan ito ng itim na putik na nagbibigay ng mabahong amoy."N-nasaan ako?.." napababa ang tingin ko sa katawan ko, pansin ko na suot ko pa rin ang PE uniform ko, kaso nadumihan na ito. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang may nakataling lubid sa katawan ko. Nakagapos din ang mga kamay ko sa likod at mga paa ko. Bwiset, sino ang may gawa nito?
Bigla akong nilamon ng kaba at takot dahil hindi ko manlang naipagtanggol ang sarili ko sa mga kumidnap sa akin. At ngayon, nandito ako sa lugar na hindi ko alam kung saang lupalop 'to ng Zamboanga. Rinig ko pa rin ang ingay na iyon, para bang may sinasaktan sa kabilang kwarto. May naririnig din akong mga iyak, hindi ko sigurado kung tama ba 'tong naririnig ko o nababaliw na ako. Bakit parang dinudurog ang puso ko sa mga iyak na iyon? Nasaan ba talaga ako?
May pinto sa kwartong ito, iyan siguro ang daan palabas. Tangina, kailangan kong makaalis dito baka may mangyari sa mga pinsan ko. Hindi kaya nandito rin sila?
Umiling-iling ako, hindi, ligtas sila. Alam kong ligtas sila, baka may ibang kasama lang ako dito na kinidnap din.Napangiwi ako ng magsimula nang mamanhid ang mga binti ko. Kaya lalo akong hindi makakilos. Bwiset. Sinubukan ko naman kalagan ang pagkakatali ng mga kamay ko sa likod at sana'y magtagumpay ako. Ayokong magtagal sa lugar na 'to at baka wala na akong maabutan sa bahay. Hindi kaya kumilos na ang mga Montellones at sila ang may pakana nito?
Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko dahil sa naisip kong iyon. Kinakabahan na talaga ako, gusto kong sumigaw at humingi ng saklolo. Sa pag-aasang may makarinig manlang sa akin na tao sa labas at tulungan ako. Pero paano kung...
KREECK!
Agad akong lumingon sa may pinto nang marinig ang pagkrack niyon. Nakita ko na bumukas iyon at iniluwa ang nakangising si Anton. Nakasunod naman sa likod niya ang apat na lalaki na pamilyar sa akin, sila ang kumidnap sa akin. Naiinis ako sa pagmumukha ng taong 'to, parang gusto ko nalang wasakin ang mukha niya gamit ang kamao ko. Nakakainis, siya malayang nakatingin sa akin habang ako? nandito nakaupo at nakagapos ang kamay at paa. Madaya. Tsk.
"Nakakatuwa kang pagmasdan, Isabela." wika nito na animo'y inaasar ako. Makikita mo talaga ang hinahanap mo sa oras na makawala ako dito! Tangina ka!
Tinignan ko siya ng masama, animo'y pinapatay ko na siya sa utak ko. Ulol, pinapatay ko na nga siya eh. Nagpakawala siya ng isang nakakainis na tawa na lalo kong ikinainis. Iniling-iling niya pa ang ulo niya at saka itinuro ako. Para bang sinasabi niya na 'kawawa ka naman'.
"Kahit ang talim ng tingin mo, maganda ka pa rin hahaha! Hindi ka ba masaya ngayon?" tanong niya sa akin sabay ngisi. Papaano ako sasaya eh kung kinidnap ako ngayon at nakatali dito?!
"Hay, maya-maya lang siguro ay magkikita na kayo ng mga magulang mo sa langit. Dapat nga eh magpasalamat ka sa amin at magri-reunite kay--"
"Pwede ba manahimik ka?! Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mabahong amoy na 'yon, dito ba sa kwarto o dyan sa bibig mo!" singhal ko sa kanya. Gusto kong matawa sa biglang pag-iba ng timpla ng mukha niya at para bang naasar sa sinabi ko. Pero kalaunan din ay ngumiti siya at lumapit pa ng kaunti sa akin.
BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Novela JuvenilIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...