"BAKIT kayo magkasama ni Chandler?!"
Napapikit nalang ako sa inis dahil kanina pa ako kinukulit ng apat na 'to. Oo, nakapagpaliwanag na ako sa kanila. Pero hindi pa rin sila nakaka-move on kung bakit kasama ko si Chandler. Hanggang sa sasakyan ni tito Roger, hindi matapos-tapos ang pagtatanong nila sa kaparehong tanong. Nagtatakha nga si tito kung bakit gano'n ang mga ugok, mabuti hindi nila ako nilaglag na hindi ko pumasok sa Mapeh time.
Naririndi na ako sa mga boses nila na talagang nakakap*nyeta. Idagdag pa ang paulit-ulit nilang tanong. Tsk.
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nagtutupi ng mga damit. Wala akong magawa eh. Kaya naghanap ako ng mapagkakaabalahan. Naisipan kong tupiin ulit ang natupi ko ng mga damit. Eh sa wala akong magawa. Ayaw ko naman kausapin ang mga tao dito sa bahay. Mas gugustuhin kong mag-isa dito sa loob ng kwarto.
Nandun silang lahat sa baba at ginagawa ang mga gawaing bahay na naka-assign sa kanila. Baka si Sasa, naglilinis na sa banyo. Hindi ko ma-imagine kung ano ang itsura niya habang kinukuskos ang inidoro. Si Tanya, nakikita ko siya na hindi na maguhit ang itsura habang binabanlawan ang mga pinggan. Si Claire naman? Ayon, naglalampaso ng sahig nang nakanguso. At ang nag-iisang lalaki sa amin, si Rex. Wala naman siyang gawain. Kasi kami ang mamamalengke. Sa tingin ko nasa sala rin 'yon at nakaupo sa sofa habang enjoy na enjoy sa pang-aasar kay Claire. Paano ko nasabi na iyon ang mga ginagawa nila?
Basta.
Mahirap mag-explain. Tinatamad din akong magsalita.
Bilis-bilisan mo na dyan. Baka magsawa yun si Rex sa pang-aasar kay Claire at ikaw ang pupuntahan niya dito.
Bahala siya. Hindi ko siya pagbubuksan ng pinto. Wala akong panahon sa mga kalokohan nila. Tsk. Tignan ko nalang kung hanggang kailan aabot ang pasensya ko sa apat na yan. Kapag sinagad nila ako, magtago na sila sa ilalim ng saya ng mga nanay nila.
Nang matapos ko ng matupi ang mga damit ko. Tumayo na ako at sinimulan nang ipasok sa lumang aparador ang mga damit. Yung mga damit panlakad ko ay nilagay ko sa hanger saka ipinasok sa aparador. Napansin ko na mas marami pa akong pambahay kaysa panlakad. Haha.
Yung ibang damit ko dito ay ibinigay nila tita Ana at Sasa. Nagustuhan ko lahat. Parang nasisiyahan ako sa tuwing nagsusuot ako ng mga maluluwag na t-shirt. Napansin ko rin na gano'n din ang mga damit nina Tanya.
Si lola na ang magluluto ng hapunan namin ngayon. Nagprisinta na ako sa sarili ko, kaso hindi pumayag si lola. Ayos lang naman sakin yon, wala naman akong gagawin. Ang sabi niya gagawin ko nalang daw ang assignment namin. Wala naman kaming takdang-aralin. Puro discussion lang ang naganap, pati na rin sa Mapeh time na ki-nut class ko--namin. Hayss.
Sigurado pagkatapos namin kumain ng hapunan, diretso ako kaagad sa kama para matulog. Mabuti nga 'yon, ayoko pa naman magmukhang sabog.
THIRD PERSON'S POV
LUNES na naman. Maagang dumating kanina ang magpipinsan sa unibersidad at naunahan ang adviser nila. Pero siyempre nadatnan nila sa classroom ang mga class officers at hindi mawawala ro'n si Chandler. Hindi mako-kompleto ang araw kung hindi nag-aaway sina Tanya at Rex. Isama na rin si Veronica na deads na deads kay Rex. Alam niya naman na wala talaga siyang pag-asa sa lalaki. Pero ayaw niyang sumuko, ipaglalaban niya raw ang pag-ibig niya kay Rex at handa siyang mamamatay para ro'n.
Handa akong pumatay ng character, gusto mo mauna, mamatay ng walang dahilan?Isang oras nalang ang hihintayin at magri-ring na ang bell. Ibig sabihin, uwian na nila. Masayang-masaya ang section nila dahil hindi pumasok ang dalawang teacher nila sa hapon. Ngayo hihintayin nila ang pagdating ng huling teacher nila sa hapon, bale ito na ang last subject nila.

BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Teen FictionIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...