PAGDATING nila sa bahay, hindi na pinapasok ni Rex ang kotse sa garahe. Ipinarada na lang niya iyon sa labas ng gate. Nagising kaagad si Isabela nang maramdaman niya na huminto ang sasakyan. Saka niya napagtanto na nakauwi na pala sila. Kaagad siyang lumabas pati na rin si Rex.
Pumunta sa likuran ng sasakyan si Rex para kunin ang mga supot ng groceries, maya-maya pa lumabas sa gate ang dalawa nilang kasambahay. Tumulong ang mga ito sa pagdala sa mga supot.
"Pumasok ka na sa loob, Isabela. Kami na ang bahala dito." sabi ni Rex nang hindi siya tinitignan. Lumapit kasi siya rito at gustong tumulong.
"Hindi na ako magpupumilit na tulungan ka." blangkong aniya. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at binigyan siya ng malaking ngiti.
"Ayos lang. Pumasok kana at magpahinga. Alam kong pagod ka. Kulang pa yung tulog mo kanina." sabi nito saka bahagyang sinuklay ang buhok nito gamit ang kamay.
Tumango siya at kumibit-balikat. Ayaw niya ng pilitin ang pinsan. Kung ayaw magpatulong edi 'wag. Kaya pumihit na siya para talikuran ang pinsan niya at nagsimula nang maglakad palapit sa gate.
Nakabukas na ang gate ng bahay, binuksan iyon ng dalawa nilang kasambahay. Pero bago pa siya makapasok ng gate, hindi niya alam kung bakit siya napahinto sa tapat niyon.
Pakiramdam niya kasi, parang may nakatingin sa kanya. Napalunok siya at huminga ng malalim. May mga mata'ng direktang nakatuon sa gawi niya. Nagdadalawang-isip siya ngayon kung titignan niya ba ito o pumasok na lang sa bahay.
"Huwag mo nang tignan pa, Isabela. Pumasok kana sa loob." utos niya sa sarili. Pero sadyang matigas ang ulo niya. kaya natagpuan niya na lamang ang sarili niya na lumingon sa likuran niya. Doon nagtagpo ang mga mata nila ng taong nagmamay-ari ng mga mata'ng iyon.
Ang nagmamay-ari ng mga mata'ng iyon ay isang lalaki, sakay ito sa nakaparada nitong motorsiklo sa kabila ng kalsada. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at itim rin na fitted pants at puting sneakers.
Naka-helmet man ito ngunit parang napaka-pamilyar nito kay Isabela. Kahit hindi niya kita ang buong mukha nito, sigurado siya na dati niya na itong nakita. Pero napansin niya ang katawan nito, medyo malaki ang katawan ng lalaki kaysa kina Rex at Chandler. Mahaba rin ng biyas nito, mukhang matangkad pa kaysa sa mga lalaking nabanggit niya. Omg! Sino yan? Baka boombay?
Alam niya na hindi pa rin nito pinuputol ang titigan nila. Kahit hindi niya makita ang mukha nito. Ilang sandali pa, napasinghap siya sa gulat nang tumango ito sa kanya at binuhay ang makina ng motorsiklo nito saka umalis. Sa bilis ng pangyayari, naiwan siya ro'n na nakatulala. Iniisip niya kung sino ang lalaking iyon.
NAKAPAMEWANG at nakataas ang isang kilay ni lola Teresa habang pinapanood ang apo niyang si Claire na nagpupunas ng mga antique na gamit. Parang nakipagsabunutan 'tong si Claire dahil sa hindi maayos ang buhok nito. Mukhang nakalimutan nitong magsuklay muna bago maglinis. Well, hindi pa naman ito nakaligo saka na kung tapos na itong maglinis.
Naaamoy na nito ang sarili at naliligo na sa sariling pawis. Ewan nalang kung ano ang magiging reaksyon nito kapag makita nito sa salamin ang itsura nito na parang babaeng biyuda na may isang batalyong anak.
"Oh my gosh, lola. Im super tired na.." sabi ni Claire saka maingat na pinunasan ang antique na patungan ng flatscreen tv. Ang kanina puting basahan ay naging dirty white na dahil sa mga alikabok sa mga antique na gamit. Sa paanan naman ni Claire ay mayroong baldeng tubig na kulay itim na rin, do'n niya hinuhugasan ang basahan para matanggal ang mga dumi.
"Kasisimula mo palang oh! Tired, tired ka dyan. Pagkatapos mong punasan ang mga gamit dito sa baba, pupunasan mo rin ang ibang antique sa taas. Pagkatapos walisan mo ang pasilyo sa second floor, naintindihan mo?"
BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Teen FictionIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...