Kabanata 20

17 0 0
                                        



REX'S POV

DALAWANG linggo na ang nakalipas. Bakas pa rin ang lungkot sa mukha nila lola. Hindi nila alam kung maiinis  ba sila, magwawala o magagalit kay Isabela. Eh kasi naman, hindi kasi siya sumulpot sa Debut party niya na hinanda namin mismo. Naganap iyon nung june 27 sa Palacio Del Sur. Nakakainis kasi eh, nasayang ang effort namin para do'n. Si Isabela naman, hanggang ngayon hindi pa nagso-sorry sa amin. July na bukas. P*tang*na talaga. Sinubukan pa nga namin na hindi pansinin si Isabela ng isang linggo kaso parang baliktad ata ang nangyari.

Hehe alam niyo naman si Isabela, hindi namamansin sa amin simula pa nung dumating siya. Hindi naman siya maldita, parang galit lang talaga siya sa mundo. Tapos ang seryoso niya sa lahat ng bagay. Pero sa mga araw na lumipas, napapansin namin na parang nagiging malapit ang loob niya kay Chandler. Crush niya kaya ang lalaking yon?

Ulol. Hindi mo maiintindihan. Kaya shut up ka nalang.

Hindi talaga kami nawawalan ng pag-asa na balang araw, mapapangiti na namin si Isabela. Una kong narinig yung tawa niya dahil kay Kayla. Alam ko na hindi yon tunay na tawa, na hindi siya masaya. Parang inaasar niya lang ang bruha'ng iyon. Sana dumating yung araw na kusa nalang ngi-ngiti sa amin si Isabela. Napapansin ko lang din na parang ayaw niya sa amin. Kung papaano niya kami tignan. Yung cold hazel-brown eyes niya, sa tuwing nakakatagpo mo yun feeling mo katapusan mo na. Its sounds oa pero totoo yun, ganun ang nararamdaman ko. Pero ngumi-ngiti ako para pagaanin ang paligid, ewan ko lang kung effective iyon. Kasi minsan nakikita ko na iniirapan niya ako. Haha.

Hindi lang pala ako, kaming nandito sa bahay. Hindi nakaligtas sa bagyong irap niya. Feeling ko talaga may itinatago siya sa'min. Naku-curious tuloy ako kung papaano siya natutong makipag-basag ulo. Gangster ba siya do'n sa probinsya nila? Nag-aral ba siya ng martial arts? Ang tindi niyang makipaglaban! Parang hindi siya babae.

Oo nga pala! May nakita ako sa epbi nung isang gabi. Haha! May group page na si Isabela. Ang pangalan nun, ISABELA DIEHARD FANS(IDF) .
Tawang-tawa ako do'n. Sino ba naman na tao ang hindi hahanga sa pinsan namin? Bukod sa maganda at husay niya sa pakikipaglaban, nanatili siyang misteryoso sa aming mga mata. Napaka-thrilling naman neto, kailan kaya magsasalita si Isabela tungkol sa itinatago niya.

Ang dami ko na masyadong dinadaldal, hindi ko pa nasasabi sa inyo na nandito kami ngayon sa school. Yun nga, nagdidiscuss si Mrs. Vertudes about sa achuchu ng Mapeh. Kailangan daw namin i-memorize ang mga itinuro niya. Wala naman akong naintindihan noh! Kanina pa lumilipad ang utak ko kung saan. Tsk.

Pagkatapos ng subject na 'to, lunch na. Hindi na ako makapaghintay pa. Kanina pa kasi ako gutom eh. Kaunti lang ang kinain ko nung break time.
Kaya babawi ano ngayon lunch hehe.



LUNCH time na namin. Heto kami ngayon naglalakad na papuntang cafeteria. Nakakapanibago, ang tahimik ni Tanya. Si Sasa at Claire nag-uusap tungkol sa lablayp, pake ko ba do'n. Tas itong si Isabela, walang imik. Naputulan kaya 'to ng dila?

Baka may iniisip lang si Tanya, iniisip kung ano ang kakainin niya ngayon. Alam kong patay gutom 'to noh. Kaya mag-iisip din ako ng pagkain na gusto kong kainin ngayon. Mwehehe.

Hindi pa man kami nakakaapak sa cafeteria, bigla kaming napahinto nang harangin ng isang babae ang daan namin. Nagulat ang mga pinsan ko nang makita ang mukha ng babae pati rin ako noh. Pero napangiti nalang ako nang makilala ko agad siya.

Mia.

Kaibigan ko siya, si Mia Cortez. Naging kaklase sa grade 6, 7 at 9. Girl bestfriend ko yan. Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Mia, matagal-tagal na rin nung huli kitang makita." sabi ko at ngumiti ng malawak. Nag-angat siya ng tingin sa akin at do'n ko napansin ang pag-alala at takot sa kanyang mga mata.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon