ALAS-sais na ng hapon, medyo dumidilim na ang kalangitan sa labas. Nakabukas na rin ang lahat ng ilaw sa mga kabahayan. Oras na ng hapunan sa pamilya Corpuz, nakahanda na rin ang mga pagkain sa hapag. Nasa sala sina Claire at Rex, nanonood ng teleserye sa tv. Samantala, nasa kani-kanilang silid naman sina Tanya, Sasa at Isabela.
Nagulat si Tanya sa biglang pagpasok ni Sasa sa kwarto niya at may ichichika raw ito sa kanya. Syempre, may katiting na dugo siya ng pagiging tsismosa, nakinig nalang siya kay Sasa. Nakaupo sila ngayon sa kama niya at parehong naka-indian seat.
Kinwento ni Sasa ang tungkol sa isa nilang schoolmate, trending kasi ang kwentong iyon sa buong Z.U., pumangalawa lang si Isabela."So ano nga ang nangyari? Di ko na siya nakikita sa campus." sabi ni Tanya at tutok na tutok ang atensyon niya sa pinsan.
"Ano kasi eh. Sabi ni Jona, magpapakamatay daw yun. Alam mo na, ang dami niyang problema. Inaabuso siya ng pamilya niya, tas yung boyfriend niya, iniwan siya. Kawawa talaga ang Belinda'ng iyon." wika ni Sasa.
"Kailangan talaga may pumigil sa kanya sa pagpapakamatay, bago pa mahuli ang lahat." ani Tanya, kinuha niya ang unan niya sa likuran niya at niyakap iyon. Nabalot ng takot at pag-aalala ang mukha nilang dalawa, kahit 'di man nila kilala ang babaeng iyon, naaawa sila sa lagay nito. Para bang galit ang mundo sa babaeng iyon, pinapahirapan at sinasaktan. Lahat ng mga taong malalapit dito ay bigla na lamang naglalaho.
"Belinda yung pangalan niya noh?"
Tumango si Sasa at bumuntong-hininga. "Sana hindi niya itutuloy ang binabalak niya."
"Kawawa talaga siya." malungkot na wika ni Tanya.
Tok!
Tok!
Sabay silang napalingon sa pintuan at tumingin sa isa't isa. Nag-uusap sila gamit ang mga mata, kung sino ang bababa ng kama at ang magbubukas sa pinto. Medyo tumagal ang pag-uusap nila gamit ang mata. Inis na sumenyas si Tanya sabay turo sa pinto, umiling-iling naman si Sasa at bahagyang umatras.
Tok!
Tok!
Napatingin ulit sila sa pintuan nang marinig ang pangalawang katok. Kaya nagdesisyon na si Tanya na siya nalang ang magbubukas niyon. Bumaba na siya sa kama at isinuot ang tsinelas niya saka lumapit sa pinto. Naiwan naman nakaupo sa kama si Sasa at pinanood si Tanya.
Nang mabuksan na ni Tanya ang pinto, bumungad sa kanya ang galit na mukha ni lola Teresa. Ngumiti siya at bahagyang tumawa. Hindi niya inaasahan na ang lola nila pala iyon.
"L-lola? Uy! Pasensya na po. Hehe nag-uusap po kasi---""Lumabas na kayo at tawagin si Isabela, maghahapunan na tayo." putol nito sa mga idadaldal niya pa. Napaayos ng tayo si Tanya at tumango-tango.
"Opo, lola. Pupuntahan na po namin si Ate."
Dali-daling bumaba ng kama si Sasa at patakbong lumapit sa pinto. Automatic siyang ngumiti sa matanda nang mapatingin ito sa kanya.
"Osiya, sige. Dalian niyo. Huwag ninyong paghintayin ang pagkain." saad nito tsaka naglakad na paalis habang kine-kembot ang bewang nito.
Naiwan naman ro'n ang dalawa na parehong nakangiwi ang labi at sinusundan ng tingin ang lola nila.
Nung mawala na sa paningin nila si lola Teresa. Agad na nilang pinuntahan si Isabela sa silid nito.
Nasa dulo lang ng hallway ang kwarto nito na katabi lang ng kwarto ni Claire.Nakatayo na sila ngayon sa harapan ng pinto ng kwarto ni Isabela. Si Sasa na ang nagpresinta sa sarili niya na siya na ang kakatok sa pinto. Unang katok, walang sumagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/229221382-288-k377444.jpg)
BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
أدب المراهقينIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...