Kabanata 34

5 0 0
                                        

THIRD PERSON'S POV


HABANG tahimik nilang binabagtas ang highway, naisipan ni Chandler na i-on ang FM radio ng sasakyan niya. Nag-play ang kanta ng Echosmith ang Diamonds. Gumuhit ang isang napakatamis na ngiti sa labi niya at lalong pinalakas ang volume ng radio. Sa pagkakataong iyon ibinaba na ni Isabela ang hawak nitong cellphone at tinignan siya ng puno ng pagtatakha.

Naghe-head bang siya at sumulyap sa dalaga. Tinignan siya nito na para bang isa siyang siraulong tao. Kaya ibinalik niya nalang ang atensyon niya sa pagmamaneho habang hine-head bang ng mahina ang ulo niya.

"Sino ka-text mo?" tanong niya rito.

Kumibit balikat ito."Wala akong ka-text... Si Callixto yon, may ibinilin lang ako." sagot nito.

"Anong ibinilin mo do'n? Si Sasa ba?" tanong niya at bahagyang ngumiti."Huwag ka mag-alala, iingatan ni Callix ang pinsan mo. Magtiwala ka sa lalaking iyon."

Nakahinga ng maluwag si Isabela at ibinulsa ang cellphone nito at tumingin sa labas ng bintana. Medyo hindi ito mapakali ngayon, kahit nandito na si Chandler, hindi pa rin humuhupa ang takot at kaba nito nang dahil kay Kai. Gusto nitong sabihin ang tungkol sa pagkikita nila ni Kai sa mall at ang paghatak  nito sa kanya sa loob ng cr ng mga lalaki, ngunit hindi nito alam kung papaano magsisimula. Sasabihin ba nito ang tungkol sa paghalik ng lalaki sa noo nito? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Chandler?

"Sa nakikita ko nitong mga nakaraang araw... Ibang-iba kana..." ani Chandler.

"Anong ibig mong sabihin?" takhang tanong nito habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Pinihit ni Chandler ang manibela sa kaliwang kalsada at dire-diretsong binaybay iyon.

"Ang dating Eliotha na nakilala ko... Bumabalik na.." saad niya at ngumiti. Ang itinutukoy niya ay ang lumang Eliotha, ang babaeng una niyang nakilala. No'ng panahon na hindi pa pumasok sa buhay nila ang mga Montellones, 'yong araw na nagsisimula nang bumuo ang pagtitinginan nila sa isa't-isa.

"Ang palangiti, ang mabait at mapag-mahal na tao na si Eliotha..." wika niya at sumulyap ulit sa dalaga na ngayo'y nakatulala na sa kanya.

"T-talaga?"

Tumango siya."Iyan... 'Yang ginagawa mo...nag-aalala ka para kay Sasa, kasi hindi mo pa gaano kakilala si Callix. Nag-aalala ka sa pinsan mo...sa kadugo mo." tugon niya.

"Ayoko sa kanila..." mahinang wika ni Isabela at mabilis na napatingin sa labas nang mapansin niyang pamilyar sa kanya ang daan na tinatahak nila ngayon.

Napalunok niya saka tumingin ulit kay Chandler. "Anong gagawin natin do'n sa lupain?"

"Di ba sinabi ko sayo na may ipapakita ako sa'yo?"

Tumango siya. "Ano naman ang ipapakita mo do'n bukod sa daan-daang puno ng mangga at....patay na puno ng n-narra?"

Ngumiti ng nakakaloko si Chandler saka ipinarada ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada.

"Nandito na tayo.." saad ni Chandler at naunang bumaba, Umikot siya sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto sa kabila si Isabela. Gentleman ang baliw.

Nang makababa na si Isabela, lumanghap siya ng sariwang hangin mula sa malawak na lupain na ito na may ilang daang puno ang nakatanim.
Napababa ang tingin niya sa karatula na nakasabit sa bakod niyon at sumimangot. Nalulungkot pa rin siya dahil hindi niya nabili ang lupaing ito.

"Alam mo ba--"

"Hinde."

"Patapusin mo muna ako magsalita." nakangusong sabi ni Chandler at lumapit sa karatula. Napangiti nalang siya sa ka-cute-an nito.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon