ISABELA'S POV
NANG maiparada na ni manong ang tricycle sa gilid ng kalsada, mabilis kong iniabot sa kanya ang bayad ko at hindi na hiningi pa ang sukli. Bumaba na ako sa tricycle niya at inilibot ang paningin ko sa paligid niyon. Matagal na akong hindi nakakapunta sa lugar na ito. Pero kahit ganoon ay sariwa pa ito sa alaala ko. Hayss.
Papaano ko naman makakalimutan ang lugar na ito, kung saan nagsimula ang lahat. Nagsinungaling ako kay lola, matagal ko ng pinlano ang pagpunta dito. Hindi lang ako nakakakuha ng tiyempo dahil may pasok kami. Kung magpapaalam man ako kay lola, sigurado, tatanungin niya kung saan ako pupunta. Kaya mabuti pang ilihim ang pag-alis ko, saka wala naman makakapansin sakin. Hindi ko naiwasan na mapatitig sa karatula na nakasabit sa alambreng bakod ng lupain. Napakalawak ng lupain, hindi ko alam kung ilang hectares ang lawak niyon. Napapaligiran din ito ng mga puno ng mangga. Nakakainis isipin na hindi napunta sa akin ang lupain na ito.
Napansin ko na wala pang bunga ang mga puno. Sa pagkakaalam ko tuwing summer lang ang mga ito namumunga. Masarap at matatamis ang mga mangga dito,ni isa walang naligaw na puno ng mangga na namumunga ng maasim.
"Hija, kayo ba ang nagmamay-ari ng lupaing 'to?" narinig ko ang pagtanong ni manong. Bakit nandito pa 'to?
Nilingon ko siya at umiling. Alangan naman magsisinungaling ako ulit. Tsk.
"Eh kung ganun, anong ginagawa mo dito?" tanong pa nito sabay kamot sa buhok nito. Tinignan ko siya gamit ang walang gana kong mga mata."Umalis ka nalang po." yon nalang ang nasabi ko. Ayoko nang pahabain pa ang usapan, sandali lang ako sa lugar na ito dahil babalik kaagad sina lola sa bahay. Baka magkagulo sila 'pag nalaman nilang wala ako do'n.
"Huwag mo'ng sabihin na magte-trespass ka sa pag-aari ng iba?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Alangan naman hihingi pa ako ng permiso sa may-ari, siguradong hindi ako papayagan na makapasok. Napairap ako sa kawalan at huminga ng malalim.
"Gano'n na nga, manong. Maaari na kayong umalis." pagtataboy ko sa kanya. Pero nanatili lang siya ro'n na nakasakay sa tricycle niya at tumingin sa'kin. Anong gagawin ko para makaalis lang ang tsismoso na ito dito. Baka isumbong pa ako nito sa barangay. Tsk."Hay bahala ka. Pero mag-iingat ka, maraming sigbin dyan." babala niya pa saka binuhay ang makina ng tricycle niya at minaneho iyon paalis. Akala niya matatakot sakin ang sigbin, baka sila pa ang matakot sakin pag nakita nila ako ulit. Tsaka maaraw hindi sila lumalabas pag may araw, sa gabi lang.
Napatingin ako ulit sa karatula at hindi namalayan na naikuyom ko na pala ang aking mga palad. Bigla akong nalungkot nang mabasa ang nakasulat do'n.
MALVAR'S PROPERTY
Bumuntong hininga ako saka pumasok na sa loob. Binuksan ko na ang yerong pinto at dahan-dahan din isinara. Nakakatuwa lang dahil hindi nakakadena or nakakandado ang pintuan papasok. Nagtuloy-tuloy na ako sa loob at hindi makapaniwala dahil mukhang walang nagbago sa lupain. Medyo malayo ang mga kabahayan sa lupain, kaya walang ibang tao ang makakakita sakin na pumasok dito. Maliban nalang sa tsismosong manong na yon. Sana talaga hindi niya ako isusumbong sa barangay.
Sa totoo lang, hindi ako pumunta dito para magpahangin o manungkit ng mangga. Hindi rin ako pumunta dito para magnakaw dahil wala namang mananakaw dito. Ang ipinunta o sabihin na natin, dinadalaw ko ang napakahalagang puno sa buhay ko. Ang weird pakinggan. Pero oo. Mahigit dalawang siglo na itong nabubuhay. Hindi ko alam kung naroon pa rin ito sa pusod ng lupain.
Sana hindi nila pinutol. Hindi nila alam kung gaano ito kahalaga sa akin, ang tanging bagay o buhay na nakakakilala sa akin. Ang puno ng narra.
BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Teen FictionIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...