Kabanata 6

12 0 0
                                    



NAGPATULOY lang sila sa paglalakad hanggang sa malagpasan na nila ang malaking gymnesium at nakarating na sila sa field. Hindi nila inaasahan na do'n nila makikita ang mga nakakumpol na estudyante, mga fanboy/fangirl ng magpipinsan.
Napatigil silang lima sa paglalakad at gulat na napatingin sa direksyon ng mga ito. Hindi alam ni Isabela ang nangyayari, kaya tinignan niya nalang isa-isa ang mga mukha ng pinsan niya. Nakanganga ang mga ito at mukhang nasurpresa.

Yung ibang student may dala-dalang banners na may nakasulat na pangalan nung apat. Meron din mga tarpaulin na nando'n ang mga mukha nina Tanya, Sasa, Rex at Claire, halatang in-edit. Artista lang?

"REXY!"

"TANYA IDOL!"

"MARRY ME, BABY REX!"

"ANG GWAPO NG ASAWA KO!"

"PRINSESA NG MGA PUSO CRUSHBACK NAMAN DYAN OH!"

"KYAAAAAH!"

"ANG GANDA MO TALAGA CLAIRE!"

"ANG GAGANDA'T GWAPO NILA!!!"

"KYAAAAAAAAH~"

Nagulat nalang si Isabela nang may tumakip sa dalawa niyang tenga. Napansin niya na nasa tabi niya na si Rex at kita ngayon sa mukha nito na naiinis ito. Naiinis ang lalaki sa mga fans nila, 'di naman sila nagpi-feeling artista ah. Hindi nga rin sila bumuo ng fandoms. Isang araw nagulantang nalang sila at nalaman na may ganito na pala.

"Baka dumugo ang tenga mo sa sigaw nila." wika nito habang nasa magkabilang tenga pa rin ni Isabela ang mga kamay niya.

"Argh! Im sawa na sa ganito, everyday nalang. Tss." singhal ni Claire at umirap sa kawalan. Tumango-tango naman si Sasa at tumabi kay Rex.

"Hindi pa ba kayo sanay? Tatlong taon na ang nakakalipas magmula nung sumulpot ang mga 'yan sa buhay natin." sabi pa ni Tanya at sinenyasan ang apat na umalis na sila ro'n. Baka malate pa sila dahil sa mga kuto nilang fans.

"Hayss they've been part of our highschool. Pero they're so annoying." inis na saad ni Claire, kahit naiinis siya hindi pa rin nawawala ang pagkamahinhin niyang dalaga.
Halos magkandabali na ang leeg ng mga fanboys at fangirls nila nang maglakad na sila at hindi manlang pinsin ang mga ito. Kasi kapag pinansin nila, kumakapal ang mga mukha.

"Ate, dapat masanay ka na sa gano'n. Baka bukas may fandom kana, pagkakaguluhan ka talaga ng mga schoolmates natin." natatawang ani Sasa. Nagsalubong ang kilay ni Isabela at tinignan si Sasa, kanina pa inalis ni Rex ang mga kamay nito sa tenga niya. Pero nanatili lang ito sa tabi niya at sinasabayan siya sa paglalakad. Parang unggoy naman si Claire ngayon dahil nakakapit pa rin ito sa braso ni Isabela. Conyo'ng unggoy.

Nang makapasok na sila sa campus A, napansin ni Isabela ang mabilis na paglingon ng mga estudyante ro'n sa gawi nila. Halos lahat ay nakatuon ang atensyon sa kanya, nababasa niya sa mga mata nila na parehong nagtatakha kung sino siya at kung bakit kasama niya ngayon ang Corpuz cousins.

Ilang sandali pa ay nagsimula na naman ang panibagong bulungan. Sino raw yung babaeng may blue hair?

Yung ibang mga estudyante ay naglabas ng kani-kanilang mga smartphones para kuhanan ng litrato si Isabela. Pero may isang babaeng student ang hindi nakaligtas sa masamang tingin ni Tanya, nasa harapan lang siya nito.

"Isa ito sa pinaka-ayaw ko." bulong ni Tanya at mabilis na naglakad papalapit sa babae. Hindi pa man nito napipindot ang pulang Button sa camera, inagaw kaagad ni Tanya ang smartphone nito at ibinagsak sa sementong sahig. Tila ba naestatwa na lamang si Isabela sa kanyang kinatatayuan sa nasaksihan, hindi niya lubos maisip na gagawin iyon ni Tanya.

Alam kasi ni Tanya na ipagkakalat ng mga schoolmates nila ang larawan ni Isabela at huhusgahan nila, kahit na ngayon lang nila ito nakita at hindi pa masyadong kilala. Ayaw niyang masira ang pangalan ni Isabela, bago lang ang pinsan niya dito at ayaw niyang itong maging target ng mga bullies. Alam niya ang patakaran ng mga salbaheng estudyante dito sa Z.U., yung mga mahihina ang pinagtitrip-an nila.

Napasinghap ang lahat nang makitang nabasag ang screen ng smartphone ng babae.

"Put--"

"T*ng*na mo! Ang kapal ng mukha mo para nakawan ng picture ang pinsan namin!" matapang sa sigaw ni Tanya. Nanlaki ang mga mata ng babae at napatingin kay Isabela.

"Wut?! P-pinsan?" gulat nitong tanong at napalipat-lipat ng tingin kina Tanya at Isabela.

"Narinig mo naman diba?" singit pa ni Sasa.

"Kilala kita babae, pakisabi sa bossing niyo na huwag ang pinsan ko, maliwanag?!" gigil na gigil si Tanya, parang gusto niya nang tirisin ngayon yung babae. Nakailang beses itong tumango at mabilis na tumakbo paalis.

"Swerte ka talaga ngayon, hindi mukha mo ang nabasag." wika ni Tanya at napababa ng tingin sa naiwan nitong smartphone. Tumalikod na siya at lumapit kina Rex at inaya ang mga ito na magpatuloy na sa paglalakad, malapit na sila sa classroom nila.


SA wakas at nakarating na sila sa classroom nila. Kanina pa nagugulat si Isabela sa mga nakikita niya at ngayon nagulat ulit siya nang makita kung gaano kaganda't gagwapo ng mga classmates nila. Bigla nalang bumigat ang mga paa niya at hindi iyon maihakbang nang magbaling sa kanyang ang mga mata nila.

Para bang binalot siya ngayon ng hiya, ang gaganda at gwapo kasi nila tapos siya parang naligaw lang na patata. Wow! Naligaw na patata? Maganda ka rin noh!

"Ahh guys, si Isabela nga pala. Pinsan namin at...new classmate natin." ani Tanya. Napamaang nalang ang bibig ni Isabela nang bigla silang ngumiti. Nakita niya kung papaano magkislapan ang mga mata ng lahat habng nakatitig sa kanya. Yung mga boys naman ay naghuhugis puso ang mga mata. Luhh papaano yon?

"Hello Isabela!? Kenneth nga pala, ang President ng class na 'to." pagpapakilala ng isang mestizo na lalaki, matangkad at may mala-adonis na hubog ng katawan.
Tango lang ang sagot ni Isabela at nagbaling ng tingin sa iba.

"Para kayong mga real life anime!" komento ni Veronica, ang secretary.
Naabutan ni Isabela ang pag-irap ni Rex at may ibinulong pa ito na 'di niya narinig. Hoy ano yan?

"Ano pa ang hinihintay mo, Nica? Sagutin mo na si Rex at para malahian ka." kantyaw pa ni Sasa at sinagi si Rex. Kilig na kilig naman si Veronica at happy ang bruha dahil boto sa kanya ang isa sa magpinsan.

"Luhh? Sagutin? 'Di niya pa nga ako nililigawan." pabebeng wika nito sabay isinabit ang takas nitong buhok sa tenga. Nag-angat ito ng tingin kay Rex at nagbeautiful eyes. Pero isang pandidiring tingin ang natanggap nito sa lalaki. Ouch!

"'Asa ka naman? Hindi kita type noh! Tse!" sabi pa ni Rex at nagrolled eyes.

"Bakla!"

"Gusto mo suntukin ko 'yang bunganga mo?!" banat ni Rex at akmang susugurin si Veronica, ngunit mabilis siyang na pigilan ni Isabela.
Naririndi na talaga si Isabela, puro nalang sigawan at mga bad words ang naririnig niya magmula nung dumating siya sa siyudad. Kulang nalang talaga ay dumugo ng bongga ang tenga niya. Hindi niya rin kinaya ang ikinilos ni Rex kani-kanina lang, my gosh pumapatol pala ito sa babae. Scary.

Hinatak na sila ni Tanya papunta sa first row ng mga upuan at do'n umupo. Eksakto na may limang upuan ito, swak na swak sa kanilang lima. Nung last week, sila lang apat dito sa unahan, pero ngayon nandito na si Isabela, yung lalaking nakaupo sa panglimang upuan ay pinakiusapan nilang umalis at ibigay nalang iyon sa darating nilang pinsan.

Ganito ang seating arrangement nila;

Rex -Claire -Isabela -Sasa -Tanya

•••








Paalala lang po, ako po ang tunay na may akda ng istoryang ito. Kung mayroon po kayong katanungan maaari po kayong magtanong. Paumanhin sa mga mababasa niyong maling salita, mali ang pagkabaybay at basta mali lahat. Hindi pa po kasi ito nai-edit.

Maraming salamat.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon