Kabanata 18

12 0 0
                                        



NAGPAALAM saglit si Isabela sa mga pinsan niya. Gusto pa sana nilang sumama sa kanya ngunit pinilit niyang magpaiwan ang mga ito. Pupunta lang siya sa library para manghiram ng libro. Ayaw niya nang magpasama dahil maiingay ang mga pinsan niya at baka mapagalitan pa sila. Binilisan niya pa ang paglalakad at pa-minsan tumitingin siya sa likuran niya para siguraduhin na hindi siya sinusundan ng mga ugok. Malay mo naman, nakasunod ang mga 'yon at patago-tago lang sa mga halamanan at poste.

Nang makarating na siya sa building G, sa baba niyon matatagpuan ang Principal's office, guidance office at Filipino faculty. Sa taas naman ang library at sa dulo niyon may maliit na room at do'n naman ang Science faculty. Sa tabi ng hagdanan, may xerox copy machine at mga meryenda na binebenta.

Umakyat na siya sa hagdanan at tuloy-tuloy ang paglalakad hanggang sa makarating na siya sa pintuan ng library. Isinulat niya muna ang pangalan niya sa isang malaking notebook na nakalagay sa isang maliit na mesa sa tabi ng pintuan bago pumasok sa loob.

Napataas ang kilay niya nang makita ang loob ng silid-aklatan. Dalawang tao lang ang naroroon, ang Librarian at isang babaeng estudyante. Gano'n  talaga, halos wala nang mga estudyante ang pumapasok sa library. Nakatatamad daw magbasa at naka-aantok. Nag-angat ng tingin sa kanya ang Librarian na si Mrs. Dela Cruz, nabasa niya ang pangalan nito sa name plate na nakapatong sa harap ng mesa nito. Mukhang hindi naman siya napansin nung babae at tutok na tutok pa rin ito sa pagbabasa sa hiniram nitong libro.

Lumakad na si Isabela sa mga estante at nagsimula nang hanapin ang librong hihiramin niya. Habang busy siya sa paghahanap, nage-enjoy rin siya dahil nagiging komportable siya sa kapaligiran ng library. Napakatahimik kasi at tanging sa labas/baba lang ang ingay. Parang gusto niyang tumambay dito o 'di kaya dito nalang tumira. Kasi napaka-   peaceful ng lugar at napapaligiran siya ng mga libro. At wala rin ang nakakabwiset na pagmumukha ng mga ugok niyang pinsan.

BLAG!

Napatigil si Isabela sa paghahanap at mabilis na lumingon sa pinanggalingan ng kalabog na iyon. Hindi naman siya nagulat ro'n, pero ang ikinagulat niya nang makita ngayon si Chandler. Napakamot ito sa abo nitong buhok at ngumiti sa kanya.
Anong ginagawa ng lalaking 'to dito? Huwag niyang sabihin sinusundan niya si Isabela? Stalkerist!

Sumulyap si Isabela sa kinaroroonan ng Librarian at tinignan ng masama si Chandler. Nagtakha naman ang binata, wala naman siyang ginawang masama. Pero mabilis din nawala ang reaksyon niyon sa mukha ni Isabela at ngayon ay bigla nalang umaliwalas.

"Paumanhin kung sinundan kita dito. Nakita kasi kita kanina na naglalakad mag-isa." panimula nito. Halos pabulong na nito sinabi ang mga salitang iyon saka ngumiti. Kaya ayon, tumalbog ang puso ni Isabela at lalong lumawak ang ngiti niya sa labi.

"Gusto kitang samahan dito. Maaari ba?" tanong pa nito. Tumango si Isabela at ibinalik ulit ang sarili sa paghahanap sa librong gusto niyang hiramin. Pero hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya sa mga oras na iyon. Ilang dekada na rin ang nakakalipas nung huli siyang ngumiti ng gano'n.

"Basta huwag mo lang ako guluhin dito." tugon niya at tumingin-tingin sa mga libro. Lumapit ng kaunti si Chandler at pinagkrus.ang mga braso nito.

"Pwede ba akong tumulong sa paghahanap? Para hindi ka matagalan dito."

Hindi huminto si Isabela sa ginagawa niya, narinig din naman niya ang sinabi ni Chandler.

"Hinahanap ko kasi ang Forbidden Archaeology. Makapal ang libro niyon at may limang daan na pahina." aniya at tinignan si Chandler. Pero mabilis din niya iniwas ang tingin niya nang mapag-alaman na nakatitig pala ito sa kanya. Hoy! Ilegal yan. Charoot.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon