THIRD PERSON'S POV
TAHIMIK ang buong klase, tanging paghinga lamang nila ang maririnig sa apat na sulok ng silid-aralan. Seryoso ang lahat sa pagsagot sa test papers. Madali lang ang mga tanong para kina Rex, Sasa, Claire at sa iba na nakapag-review. Maliban kay Tanya na kulang nalang talaga ay masunog ang test paper niya sa pagtitig ro'n. Kanina pa niyang tinititigan ang papel at hindi pa nakapagsimula.
Kung nag-review siya, nasagutan niya na sana ang mga tanong. E-identify lang naman ang major Endocrine glands ng tao at ang functions ng mga iyon. At sagutin ang mga guide questions na 15-25 items.
"A pregnant woman..." mahinang basa ni Tanya. Napakamot siya sa ulo niya saka luminga-linga sa paligid. Halos lahat ay nakatutok ang mga mata at atensyon sa mga test paper nila.
Ibinalik kaagad ni Tanya ang atensyon sa hawak na test paper at pumikit ng mariin. Huwag kayo maingay, nagdarasal siya. Tinawag niya na ang lahat ng mga Santo at Santa para tulungan siya ngayon.
Iminulat niya ang kanyang mga mata at binasa ang number 5.
"A girl eating sweet..." ngumiti siya sa sarili at napapitik sa ere. Sa wakas, may sagot siya sa number na 'to.Agad niyang isinulat sa blank space ang sagot niya nang may ngising aso.
Ans. Pancreas- regulates blood sugar levels.
Sandali lang ang ngisi'ng iyon nang makita na wala pa siyang sagot sa ibang numero pati na rin sa mga guide question sa baba at likod ng test paper niya. Nag-angat siya ulit ng tingin at tumingin kay Mrs. Ituralde na abala sa paglalaro ng candy crush sa cellphone nito.
Hindi naman siya mahahalata ng Ginang kapag komopya siya. Kailangan niya lang mag-ingat, kasi kapag nahuli siya pupunitin ni Mrs. Ituralde ang test paper niya. Kaya ayaw niyang mangyari iyon, hindi pa naman niya na-experience ang mahuli at punitin ang test paper niya ng teacher nila.
Bihasa kasi siya--sila sa pangongopya, kaya never pa silang nahuli ng mga nagdaan nilang teachers.
"13 minutes nalang..." narinig niyang bulong ng kung sino. Kaya napalingon siya sa tabi niya, si Claire. Pero hindi naman ito ang nagsalita. Kumunot ang noo niya at dumungaw kay Claire para tignan ang katabi nito, si Rex.
Lalong gumusot ang mukha niya nang makitang nakangisi ito sa kanya at mukhang inaabangan siya nitong mapatingin sa gawi nito. Base sa itsura nito, halatang nagdiriwang sa saya. Ngiting tagumpay ang ugok dahil may naisagot sa exam. -.-
"Tapos kana?" tanong nito nang walang boses na lumalabas sa bibig. Pero naintindihan niya naman iyon kaagad, umiling lang siya at pinakita ang blangkong test paper niya na may sagot na sa number 5.
Ngumisi si Rex at mahinang tumawa.
Nakaramdam naman siya ng pagkainis dahil tinatawanan lang siya ngayon ng pinsan niya, imbes na tulungan. Pinaikot niya ang mga mata niya sa ere at nagbaling nalang ng tingin sa test paper niya. Mukhang hindi naman siya tutulungan ng mga pinsan niya. Wala siyang maaasahan sa apat--wait! Bigla siyang napatigil at tumingin sa kaliwang banda niya. Seatmate niya ngayon si Isabela, nakiusap kasi ito na maging seatmate niya ngayong exam.Napatingin ito sa kanya, ngumiti naman siya. May ibig sabihin ang ngiti'ng iyon, ngiti'ng humihingi ng saklolo. Ayon na naman ang walang buhay niyang mukha, para bang pinagkaitan ng ice cream ng magulang. Nawala ang ngiti niya at kinilabutan siya sa lamig ng tingin nito.
"Oo nga pala... Hindi rin pala siya nag-review. So may kasama akong babagsak sa first quarter? " sabi ng kanyang isipan at napangiti ng wala sa sarili. Napababa ang tingin niya sa test paper ni Isabela at muntik nang maluwa ang mga mata niya sa pagkagulat nang makitang may sagot ito.

BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Dla nastolatkówIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...