THIRD PERSON'S POV
"GRABE naman dito, Isabela. Ang lilinis nilang tignan." komento ni Rex habang inililibot ang tingin niya sa lobby ng Corpuz Company. Alas tres na ng hapon at pinapapunta siya ng daddy niya sa kompanya para maglibot-libot sa gusali.
Ayaw niyang pupunta ng mag-isa, kaya inaya niya si Isabela na samahan siya dito. Agad naman pumayag ang dalaga at saka wala naman silang gagawin ngayon araw. Hindi pa umuuwi si lola Teresa.
Naiwan sa bahay ang tatlo nilang pinsan kasama ang mga kasambahay. Sila na raw ang mag-aabang sa pag-uwi ni lola Teresa. Sinamaan niya ng tingin si Isabela nang hablutin nito ang suot niyang medical mask. Sinubukan niya pa sanang bawiin iyon sa kamay nito, kaso mabilis itong nakalayo at itinapon sa isang trashbin ang medical mask.
"Ano ba! Bakit mo tinapon?!" inis niyang tanong dito.
"Tsk." ismid nito at nagpatuloy na sa paglakad. Agad niya naman ito sinundan habang nakatuon ang masama niyang tingin sa likod nito.
Bakit ba kasi kailangan mo pang mag-mask, Rex? Well, ayaw niya lang naman makilala siya ng mga tao dito sa kompanya. Wala naman masama ro'n lalo na siya ang magpapatakbo niyon balang araw. Sa kanya ipapasa ni Roger ang trono nito sa Corpuz Company, wala siyang ibang kaagaw. Siya lang naman kasi ang nag-iisang adan ng pamilya.
Gusto niyang gayahin si Isabela, gusto niyang magpaka-mysterious. Gusto niya sa kanya mapunta lahat ng atensyon ng mga tao. In short, papansin ang ugok. Ksp nga talaga.
Hindi niya kailangan pang magsuot ng mask o magsuot ng hoodie jacket, kahit ipresenta niya lang ang sarili niya sa harap ng madla. Siguradong nasa kanya na ang atensyon nila. Oh sino ba naman ang hindi ma-a-attract kay Reynaldo Alexander Corpuz? Bukod sa pula niyang buhok at gwapong mukha na iisipin niyong boy version ni Tanya. May ibubuga rin ito sa academics, kung magse-seryoso lang siya. Nabanggit naman siguro sa mga nagdaang kabanata kung saan siya mahusay na subjects.
Gamer din ang ugok, at mahusay sa pagtatago ng mga gamit ng pinsan niya. Hindi pa nabibiktima si Isabela. Alam niyo na kung bakit.
Tungkol naman sa lablayp ng ugok, matagal niya ng kilala iyon. Kaso mukha ipe-friendzone niya ang kawawang gurl--balik tayo sa kasalukuyan!
"Mage-elevator tayo para mabilis." walang ganang saad ni Isabela at tumayo sa harapan ng elevator. Napanguso naman si Rex at niyugyog ang braso niya. Iritado niya itong tinignan at marahas na inalis ang kamay nito sa braso niya.
"Paano kung... Maghagdan nalang tayo? Racing! Gusto mo?" suhestyon nito at ngumiti ng malaki. "Sino mauuna sa opisina ni Daddy, libre ng pagkain." dagdag pa nito. Sinamaan niya ng tingin ang ugok niyang pinsan at may pinindot sa gilid ng elevator at bumukas iyon.
"Ikaw nalang. Mag-racing kayo ng kaluluwa mo." walang buhay niyang saad at pumasok na sa loob, agad naman bumuntot sa kanya si Rex. Umakto pa ito na parang baby T-rex habang ang dalawang kamay nito ay nasa harap. Para bang ginagaya niya kung papaano kumilos o ano ang itsura ng mga T-rex.
"Rawr! Rawr!" nag-scratch scratch pa ang ugok sa ere at bahagyang ginulo ang pula nito buhok. Wala namang reaksyon ang mukha ni Isabela at pinindot na ang 10th floor sa side ng elevator. Mabilis na nagsara ang pintuan niyon at wala nang taong humabol para makasakay. Solo na nilang dalawa ang elevator at iyon na nga, ilang minuto rin siyang kinukulit ni Rex at inaaya siyang maglaro.
Kaso hindi niya ito binibigyan ng pansin at mas pinili niya pang tumitig nalang sa kawalan. Kaya mukhang tanga ngayon si Rex na inaaliw ang taong bato'ng si Isabela na obvious naman na walang pakealam sa pinsan niya.
Gaya nga no'ng mga naunang kabanata, solong anak lang talaga ang mga magpipinsan. Sabay rin pinalaki, maliban kay Isabela. Bago binawian ng buhay ang ama ni Isabela, nakausap pa nito saglit si Roger.

BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Teen FictionIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...