Kabanata 4

20 1 0
                                    

LUNES na ng umaga at kanina pa gising si Isabela o sabihin na natin na hindi siya natulog. Hanggang ngayon ay namamahay pa rin siya. Namimiss niya na ang probinsya. Huminga siya ng malalim at bumangon na sa kama. Nag-inat-inat pa siya ng katawan saka tumayo at lumakad palapit sa bintana.

Binuksan niya iyon at hinayaang makapasok sa loob ng kwarto ang malamig na hangin. Napangiti siya nang makita niya ang mga maliliit na ibon na malayang nakakalipad sa langit at ang iba ay dumadapo sa mga kable ng kuryente. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan, ibig sabihin ay papasikat na ang araw.

Hindi niya alam kung ano ang nag-aabang sa kanya sa Z.U. (Zamboanga University). Wala siyang alam kung ano ang pag-uugali ng mga estudyante ro'n. Ayaw pa ba naman niyang mabully, umiiwas siya sa mga gano'n.
Napabaling siya ng tingin sa nakatuping uniform na nakalapag sa gilid ng kama. Dinala iyon kagabi ni Sasa, iyon daw ang isusuot niya ngayong school year.

Huminga siya ng malalim at kinuha ang tuwalya niya na nakasabit sa gilid ng lumang aparador. Tinapunan niya ng tingin ang mga uniforms bago siya naglakad papasok ng banyo para maligo.

Pagkatapos niyang maligo ay isinuot niya na ang uniform ng unibersidad nila. Puting blouse na mahaba ang manggas, mini skirt na kulay bughaw na hindi umabot sa kanyang tuhod. Medyo nagulat siya ro'n, hindi pa kasi siya nakakapagsuot ng gano'n ka ikling palda. Na sanay siya sa mahahabang palda na hindi kita ang kanyang talampakan. Sa sobrang ikli ng skirt na ito, isang tuwad lang ay kita na ang lagusan ng langit. Woy!

Mabuti nalang talaga ay may cycling short siya. Sumunod ay isinuot niya na ang mahabang puting medyas  abot hanggang tuhod ito pati isinuot niya na rin ang itim na sapatos na may paekis na strap. Napangiti na lamang siya dahil komportable ang mga paa niya sa sapatos na iyon.

Tok! Tok!

Napalingon siya sa pintuan ng kanyang kwarto at pinakiramdaman ang paligid. Pero wala naman siyang naramdaman na kakaiba. Kaya wala siyang dapat ipangamba, tsaka nandito naman siya sa bahay ng lola niya. Sinong animal ang magtatangka sa kanya ng masama. Napapraning ka ghorl?

Bumukas ang pinto at iniluwa ang nakangiting sina Sasa at Claire. Napansin kaagad ni Isabela ang unipormeng suot nila. Ngayon niya lang nalaman na may kurbata pala ang uniform ng Z.U., kaya dali-dali niyang kinuha ang kurbata ro'n sa mga nakatuping uniforms. Sa isang estudyante may tig-tatatlo silang uniforms, kumpleto na iyon. Mayroon ng blusa, kurbata at maikling palda. Gano'n din sa mga lalaki, polo na mahaba rin ang manggas, kurbata at slacks na dark blue ang kulay.

Lumapit si Claire sa kanya at kinuha sa kamay niya ang kurbata na may tatak ng seal ng Z.U., tinulungan siya ng pinsan niya kung papaano iayos ang kurbata. Hindi na siya nagsalita pa, ayaw niyang magsayang ng laway sa dalawang 'to.

"Bagay sa'yo ang uniform." sabi ni Sasa at pinasadahan ng tingin si Isabela. Nakita ni Sasa ang suklay sa study table at agad iyon kinuha.

"You're pretty. The university uniform it suits to you." komento ni Claire at nginitian siya. Gano'n pa rin siya, tahimik lang.

"Let me comb your hair, Isabela." pagprisinta nito sa sarili at kinuha ang hawak na suklay ni Sasa. Hindi sumagot si Isabela, hindi niya pinahintulutan ang pinsan niya sa gusto nito. Pero wala siyang magagawa, alam niyang magpupumilit ito at maglalambing. Ewan ba, hindi niya maintindihan kung bakit lumalambot ang puso niya sa mga pinsan niya. Hindi gaya sa mga pinsan niya sa side ng kanyang ina. Natatakot ang mga iyon sa kanya, maramdaman lang ang presensya niya e maiihi na sa takot.

"Hindi na ako magtatakha kung bakit maganda ka rin gaya namin. Sobrang ganda ng buhok mo." wika ni Sasa. Kulang nalang talaga ay kuminang ang mga mata niya habang pinagmamasdan si Isabela.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon