ISABELA'S POV
"GOOD morning class!" bati ni Ginang Ituralde sa amin. Bumati rin pabalik ang mga kaklase ko, hindi na ako sumali. Lumakad na ito papasok ng classroom at inilagay sa mesa ang mga dala nitong gamit. Kitang-kita ngayon sa pagmumukha ng apat kong mga pinsan na masayang-masyay sila. Hindi kasi kami nalate, naunahan pa namin si Ginang Ituralde. Hayss.
May himala raw na nangyari, maagang pumasok si Chandler. Wala eh narinig ko lang mula kina Rex at Claire. Alas cinco pa lang daw ay nandito na ito. Nagtatakha ang lahat kung ano daw ba ang nakain nito at naisipan nitong pumasok ng maaga.
"Chandler?! Nandito ka na? Hindi kita napansin?" gulat na saad ni Ginang Ituralde. Ayon na nga, ngayon lang napansin ng ginang ang kapati--este pamangkin niya. Prente itong nakaupo sa upuan nito, malinis ang suot na uniporme, ang ganda ng pagkakasuklay ng abo nitong buhok at nakangiti ng malapad. Tss.
"Yap! As i promised, ma'am! Hehe." wika ni Chandler sabay pacute sa ginang. Malapit talaga ang loob nila sa isa't-isa, kaya siguro napunta siya sa section na 'to dahil tiyahin niya ang Advisory teacher.
"Sana magtuloy-tuloy na 'to, Vice President ka pa naman." ani Ginang Ituralde at bumuntong-hininga. Bakit ba nakikinig ako ngayon sa kanila?
Mapagkamalan pa akong tsismosa ng mga ugok kong pinsan."Promise po ulit! Hindi na po talaga ako mahuhuli ng pasok sa klase niyo." aniya saka itinaas ang kanang kamay niya na para bang nanunumpa. Todo ang pagngiti niya at may pakislap-kislap pa ng mata.
Matapos nun ay binalingan niya ng tingin ang mga katabi niya, ang President at Secretary ng section namin. Nakipag-apir siya kay Kenneth at fistbump naman kay Veronica. Yun yung babae na muntik nang sapakin ni Rex, kung naaalala niyo pa. Pansin ko rin na malapit silang tatlo sa isa't-isa, noon pa man ay ganyan na talaga sila. Parang magkakapatid lang.
"Good ka ro'n, Chand." narinig kong sabi ni Veronica. Nagsimula nang magsalita si Ginang Ituralde at tatalakayin namin ngayon ang Mitolohiya ng Greek at Roman. Kaya sinubukan kong ibaling kay Ginang Ituralde ang aking atensyon.
"Uy, napansin ko kanina na tinitignan ka ni Isabela, yung bago nating kaklase." ewan ko ba kung bakit ko yun narinig, alam kong idinaan yun sa bulong. Pero bakit narinig ko? Sinadya ba nilang iparinig iyon?
Hindi ko sila nilingon, kasi alam ko na pareho silang nakatingin ngayon sa direksyon ko. Ramdam na ramdam ko ang tingin nila.Sinasabi ko na nga ba, pahamak din 'tong tenga at mga mata ko. Kung pinairal ko lang sana ang pagiging outsider, na para bang hindi ako nabibilang dito sa mundo edi sana hindi nila ako mapapansin. Kahit nga ako hindi ko maintindihan kung bakit hindi na umaayon sa akin ang mg ikinikilos ko. Ito na talaga ang una't huli.
Hay ewan ko sayo, Isabela.
Bahala na nga sila. Pumunta ako dito para mag-aral, hindi para maging tsismosa. Tama, tama. Huwag ka nang makinig sa pinag-uusapan nila.
Parang sira naman ako dito na mag-isa lang tumango-tango. Pagkakamalan talaga akong baliw ngayon. Bumuntong-hininga ako at nagfocus na sa pakikinig kay Ginang Ituralde. Kapag hindi ako makikinig, wala akong maiintindihan sa lesson na ito, wala akong maisasagot sa sagutang papel at babagsak ako sa subject niya. Ayaw kong mangyari 'yon.
Napaka-advance mo naman mag-isip.
THIRD PERSON'S POV
NGINGITI-NGITING sinusulyapan ni Chandler si Isabela sa gawi nito. Sa ginagawa niyang iyon ay walang nakakapansin sa kanya. Kaya tinuloy-tuloy niya na. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Mrs. Ituralde na aalis na siya, tapos na ang oras niya at pupunta na siya sa kabilang section para magturo.
BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Ficção AdolescenteIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...