SASA'S POV
SABADO ng umaga nagpasama ako kay Claire dito sa university. Isa kasi ako sa napili ni Mrs. Itu na mag check sa mga test papers. Wala naman problema iyon kay Claire, gusto niya rin takasan ang gawain bahay niya. Nagpapasalamat nga ako dahil pinili ako ng teacher namin. Syempre hindi ako ang maglilinis ng cr.
Hmm.. Sino kaya ang naglilinis niyon ngayon? Si Rex kaya? O si Tanya? Hehe pero huwag naman si ate Isabela!
Alas diyes na ng tanghali, inaya ko si Claire na tumungo sa parking lot para kunin ang pagkain namin. Binili namin iyon sa isang fast food chain no'ng papunta na kami kanina dito sa Z.U.
Sarado kasi ang cafeteria ng school kapag walang pasok. Kanina pa kasi nagre-reklamo 'tong pesteng bulate sa tiyan ko.
Isang cute na crop-top violet na puff ang sleeves ang suot ko ngayon. Denim skirt naman ang pinares ko rito at puting sneakers. Binadbad ko lang ang hanggang baywang kong pink na buhok at naglagay ng cute na hair clip sa right side ng ulo ko. Powder at liptint lang ang nilagay ko sa mukha ko at mukha na naman akong tao ngayon.
Jumper na skirt naman ang suot ni Claire, puting loose shirt ang suot niya sa loob at pinares niya sa outfit niya ngayon ang puting medyas na may 2 linings at puting sneakers, same kami.
Naka-ponytail ang golden yellow niyang buhok, may dala-dala pa siyang maliit na golden sling bag."Kanino ang filipino dictionary do'n sa salas?" bigla kong tanong sa kanya. Ngayon ko lang naalala. Tinanong ko na rin kagabi sina Tanya, pero hindi daw iyon sa kanila. Hindi rin kay tito, mas lalong hindi iyon kay ate.
"A-ah.. Sa akin."
Sabay tumaas ang kilay ko sa sagot niya. Saan naman siya nakakuha ng filipino dictionary? Aanhin niya 'yon?
Ngumiti siya sa akin at napakamot sa buhok niya. Kinu-kuto rin eh. Mukhang napansin niya na nabalutan ng pagtatakha ang mukha ko kaya nagsalita siya.
"Gusto kong...matuto ng mga deep words ng filipino." aniya.
Wala akong masabi. Natulala nalang ako sa mukha ng conyo'ng 'to. Totoo ba yung narinig ko? O baka mali lang ang pagkarinig ko.
"Sasa naman eh! Huwag mo nga akong tignan ng ganyan!" kumapit siya sa braso ko at ibinaon ang mukha niya ro'n. Hinayaan ko nalang siya. Ganyan na talaga yan siya.
"Bakit mo naman natrip-an na magbasa ng filipino dictionary?" wala sa sariling tanong ko.
"Gusto ko nga matuto magsalita ng mga deep words.. Naalala mo yung araw na dumating si ate Isabela sa bahay?" tanong niya. Hindi ko siya tinignan, pero tumango nalang ako. Naaalala ko 'yon. "'Di ba ang lalim niya magsalita?! Gusto ko siyang gayahin."
"Bakit ngayon lang? Sana noon ka pa nagbasa ng filipino dictionary." sabi ko at marahang tumawa. Nang makarating na kami sa parking lot, agad naming nilapitan ang kotse ko at kinuha ang dalawang paper bag sa back seat.
"Ngayon ko lang na-realize na.. Ang panget pala sa tenga ang pagsasalita ko ng tag-lish noon."
"Wow ah! Mabuti napagtanto mo rin. Piste ka." sabi ko at sinigurado ko na naka-lock na ang mga pinto ng sasakyan.
"Hehehe.. Sinabi rin sa akin ni Ernie na ituwid ko na raw ang pagsasalita ko ng tagalog." sabi niya pa at kita ko ang pagdaan ng kilig sa katawan ng pinsan ko. Piste! Kapag sa amin, hindi siya nakinig nang pagsabihan namin siya na ayusin ang pananalita niya, pero kapag si Ernie na kalandian niya ay agad siya susunod.
"Teka! Kumusta kayo ni Ernie?" tanong ko sa kanya saka kami nagsimulang maglakad paalis ng parking lot.
"Kyaaah! May label na kami!" kinikilig na sagot niya. Napangiwi ako sa nalaman kaya inis kong ibinigay sa kanya ang isang paper bag. Nakakainis, may label na sila. Ibig sabihin jowa niya na talaga ang Ernie na 'yon.
BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Teen FictionIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...