Kabanata 31

5 0 0
                                        


NANG makarating na sila sa parking lot ng unibersidad. Nagtakha si Isabela nang makita ang dalawang lalaki na nakasandal sa sasakyan ni Sasa. Kilala niya ang isa, si Callixto iyon. Yung lalaki na hindi pamilyar sa kanya na kasama nito na nakasuot din ng Z.U uniform na kagaya nila. Magkasing-tangkad rin sila ni Chandler, gwapo rin, pero napansin niya ang malaking pagkakahawig nila.

Nang makalapit na sila ng tuluyan sa mga ito, napaisip si Isabela. Siya kaya si Harvey? Sa katunayan niyan, sa pangalan niya lang kilala ang lalaki. Hindi niya inaasahan na magkahawig pala sila ni Chandler.

"Harvey? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Chandler sa pinsan niya. Lumapit siya kina Callixto at Harvey para magfist bump, gaya ng lagi nilang ginagawa.

Si Callixto lamang ang ngumiti, samantalang seryoso naman ang mukha ni Harvey. Nagbaling naman ng tingin si Callixto sa magpipinsan at isa-isa niyang binati at halos kuminang ang mga mata niya nang tumapat siya kay Sasa.

"Gusto ko lang makilala yung babae na nililigawan mo raw... Totoo? May nililigawan kana?" tanong ni Harvey na mukhang hindi makapaniwala.

Ngumiti at tumango naman si Chandler at tumingin kay Isabela. Kaya napatingin din sa dalaga si Harvey at hindi naman maipaliwanag ang mukha nito sa pagkagulat. Wala sa sarili na tinuro nito si Isabel, hindi nito namalayan na nakanganga na pala ito.

"T-teka.. Kamukha niya yong b-babae sa basement.. Yung sa painting!!!" sigaw nito at lumapit ng kaunti kay Isabela. Nakayuko ito at sinuri ang buong mukha ng dalaga. Wala naman itong naging reaksyon at binigyan lamang si Harvey ng isang malamig na tingin.

"Ano ba! Tinatakot mo ba si Isabela?!" inis na sabi ni Rex saka hinawakan sa magkabilang balikat ang pinsan niya at inilapit ito sa kanya.

Napahimas naman sa batok si Harvey at ngumiti. "Sorry... Hindi lang kasi ako makapaniwala totoong tao pala yung babae sa pa--Hmm!" natahimik ito nang takpan ni Chandler ang bibig nito.

"Ang daldal talaga ng taong 'to." kunwari natatawang ani Chandler.

Napuno naman ng pagtatakha ang mga mukha ng magpipinsan at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa.

"Painting? Kamukha ni Ate Isabela ang nasa painting?" tanong ni Claire.

"Anong painting ba 'yon?" takhang tanong ni Sasa. Lihim nalang napairap sa kawalan si Tanya, wala siyang balak na tanungin rin ang dalawa. Gusto niya nang umalis ro'n at baka nakauwi na si lola Teresa bahay.

"Bakit ka b-ba nandito, Vey?" tanong pa ni Chandler sa pinsan niya at para malihis ang usapan tungkol do'n sa painting. Tama nga si Harvey, kamukha ni Isabela ang nasa obra'ng iyon. Isa iyon sa pinakaiingat-ingatan na bagay ng lolo Crisostomo nila.

Napatigil si Harvey at hindi sinasadyang mapunta kay Tanya ang kanyang mga mata. Bigla siyang napalunok at huminga ng malalim.

"Halata naman na si Tanya ang ipinunta niya dito." sabi pa ni Sasa at sumulyap sa pinsan na ngayo'y walang gana silang tinignan. Parang nahawa kana kay Isabela, Tanya.

"Sorry, ayaw ka niyang kausapin." saad ni Claire at humalukipkip.

Napanguso si Harvey. "Bakit kayo nagsasabi niyan? Si Tanya ang gusto kong makausap... Hindi kayo."

Tumango-tango naman ang dalawa at itinikom na ang mga bibig nila. Umismid ng malakas si Tanya at harap-harapang inirapan si Harvey.
Kaya napunta sa kanya ang atensyon nilang lahat at inaabangan kung ano ang sasabihin niya.

Si Isabela, pinagmasdan pa muna ang kabuoan ni Harvey. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Pero agad niyang napansin ang punit na tenga nito na kung saan nilalagay ang hikaw. Na-imagine niya tuloy kung papaano iyon napunit at talagang napakasakit iyon.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon