ISABELA'S POV
WEDNESDAY morning wala namang bago, gano'n pa rin ang nangyayari sa aming magpipinsan pati ni Chandler. Hindi pa rin umuuwi si lola hanggang ngayon, ito na ang ika-anim na araw na hindi namin siya kasama.
Hindi ko maintindihan, hindi naman kami malapit ni lola Teresa pero nami-miss ko siya. Yung apat na ugok hindi pa rin tumitigil sa pag-iisip sa lola namin. Nakiusap na nga yung mga yon kay tito Roger na magpatulong na sa mga pulis. Nag-aalala na rin ako kay lola Teresa. Sana nasa mabuting kalagayan siya. Hayss.
Napabuga ako ng hangin nang maipatong ko na sa desk ni Gng. Dela Cruz ang mga libro na hiniram niya kay Gng. Ituralde. Kasama ko na naman ngayon si Chandler o mas mabuting tawagin ko na rin siyang Valentine. Kawawa naman eh, siya parati ang tumatawag sa'kin non.
Nandito kami ngayon sa library at dito namin hinatid ang mga libro. Narinig ko ang ingay na nilikha ni Chandler sa pa-pagpag ng mga kamay niya para alisin ang mga alikabok.
Napatingin ako sa mga kamay ko at pinagpagan din ang mga iyon.Walang tao sa library maliban sa amin ni Chandler, lunch na kasi eh. Marahil nasa cafeteria na ngayon ang mga schoolmates namin. Wala akong balak kumain, gayon din 'tong kasama ko. Binusog ba naman ako sa dala niyang apple pie na ginawa raw ng Daddy niya.
"Valentine..."
"Oh?" sagot ko saka inayos ang pagkakapatong ng mga libro sa desk.
Narinig ko ang mahinang yabag niya at mukhang papalapit na sa'kin. Kaso hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy sa ginagawa ko."Nakita mo ba yung fanpage natin?" tanong niya pa. Nagtakha naman ako sa sinabi niya, alam ko kung ano ang fanpage pero 'natin'?
"Fanpage natin? May gan'on?" takha kong tanong. Napansin ko na nasa tabi ko na siya at bahagyang umupo sa desk ni Gng. Dela Cruz.
Tumango siya. "Oo, fanpage natin. Ginawa mismo ng mga fans natin." ngumiti siya ng malaki saka kinuha ang cellphone niya at may dinutdot ro'n."Si Nica ang unang nakadiskubre non, ang sabi niya marami daw nagsi-ship sa atin." wika niya at halatang tuwang-tuwa ro'n. Baliw.
"O eh ano naman? Patingin nga.." sabi ko at lumapit ng kaunti sa kanya.
Pinakita niya sa akin ang fanpage na sinasabi niya na ng pangalan ay ChanBela Fanpage. Pinag-combine ba naman ang pangalan namin. Pfft!
Yung profile picture no'n ay iyong litrato na magkasama kami ni Chandler, nakangiti at naka-holding hands. May ilang araw na rin at nagtatakha pa rin ako kung sinong animal ang kumuha no'n sa amin. Alam kong nakita na iyon ng mga ugok, kaya inis na inis sila no'ng isang araw sa baliw na 'to.Ang cover photo naman niyon ay ang mga edited na picture namin ni Chandler na nilagyan nila ng mga filters. Nakaka-bwiset, lahat ng mga pictures na nandito ay nasa gallery ko lamang, sino kayang anak ni Hudas ang nakialam sa mga larawan ko?!
"Ang cute mo naman sa mga pictures mo hehe.." komento ni Chandler saka sinimulan ng mag-scroll sa fanpage. Inismiran ko siya at napailing-iling, kainis nandito halos lahat ng mga larawan ko. Ngayon nagtatakha ako kung sino ang nagmamay-ari ng fanpage na 'to at bibigyan ko lang ng bonggang premyo. Premyo na hindi nito makakalimutan hanggang sa hukay.
"Tsk.. Ire-report ko yan mamaya." sabi ko at bumalik na sa pag-aayos ng mga libro.
Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Ano? Hindi ka ba natutuwa dito?"
"Sinong matutuwa na halos lahat ng mga pictures ko dyan ay nasa gallery ko lang? May demonyong naglabas niyan eh.. Kainis." inis na sabi ko at padabog na ibinagsak ang isang malaking libro.

BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Teen FictionIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...