Kabanata 14

15 0 0
                                    







UMASIM ang mukha ni Rex nang makita kung gaano karami ng mga bagaheng dadalhin ng mommy at tita niya. Nakalagay ang mga ito sa labas ng bahay at patong-patong. Nakahanda na rin ang van na sasakyan nila sa paghatid kina Lea at Ana sa paliparan. Si Roger ang magmamaneho, hindi siya pumasok sa trabaho para maihatid ang asawa at makapagpaalam ng maayos. Wala naman problema ang pag-absent niya sa trabaho dahil siya naman ang nagpapatakbo sa kompanya, bale siya ang CEO ng Corpuz Company. Bukod sa kompanya na pinapatakbo niya, may dalawa pa silang mga 5 star hotel sa Maynila at Cebu. 3 private school at 4 na public school na ipinatayo nila sa mga malalayong lugar at bundok. Para hindi na mahirapan mag-aral ang mga bata ro'n. May bahay na rin sila sa Dubai kung saan nakatira ngayon ang mga magulang nina Claire at Sasa. May bahay rin sila sa Uk na pinagawa ng tatay ni Tanya. Nabanggit din sa isang kabanata ang tungkol sa isa pang negosyong pinapatakbo ng mga magulang nila Claire sa Dubai, kaya pupunta ro'n sina Lea at Ana para tulungan ang mga ito.

Sa tagal na ng kompanya ni isa walang gustong kumalaban sa kanila. Kaya gumagawa na ito ng ingay sa loob at labas ng bansa. Bukod din do'n kaya walang nagtangkang kumalaban sa kanila dahil isa sa mga stock holders ng kompanya ay si Anton Montellones.

"Oh bakit hindi ka pa nakabihis? Isabela?" bungad ni lola Teresa nang makapasok sa loob ng kwarto ni Isabela. Nakahiga ito sa kama at may hawak na libro. Nabaling ang atensyon niya kay lola Teresa at isinara ang librong hawak niya.

"Dito nalang po ako." aniya.

"Ha? Bakit um-absent ka pa kung 'di ka naman sasama sa paghatid sa mga tita mo?" gulat nitong tanong at inayos pa ang suot nitong salamin sa mata. Malabo na kasi ang paningin ni lola kaya kailangan niya nang magsuot ng salamin, 64 years old na kasi si lola.

"Gusto ko lang po magpahinga dito sa bahay." mahinahong sagot niya at umupo. Nahilot naman ni lola Teresa ang kabilang sentido nito at tumango.
"Osiya, sige..Dito ka lang ah. Hintayin mo kami makabalika. Ako na ang magpapaliwanag sa kanila kung bakit 'di ka sasama." wika nito at tipid na ngumiti.

"Ingat po." iyon lang ang sinabi niya at tumango. Tatalikod na sana ang matanda para umalis nang bigla itong mapatingin sa libro ni Isabela. Kulay kayumanggi ito at may makakapal na pahina. Bigla itong napatigil at napaisip, mukhang nakita niya na iyon dati at hindi niya maalala kung saan.

"Ahh..Isabela? Saan mo nakuha ang librong iyan?" takhang tanong ni lola sa kanyang apo. Napatingin ang dalaga sa libro at ibinalik ulit ang tingin nito sa matanda.
"Bigay po ni tiya Junang." sagot nito. Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha nito nang sagutin ang tanong ng matanda.

Napatitig naman sa libro si lola Teresa at pilit na inalala kung saan niya iyon nakita. Napakalabo na rin ng alaala niya, kung kaya tumigil na siya sa pag-alala sa bagay na iyon at pumihit na paalis. Naiwan naman ro'n sa kwarto si Isabela na nakahawak ng mahigpit sa libro.

"Lola, ba't po hindi sumama si ate Isabela?" tanong ni Sasa. Nandito na sila ngayon sakay ng van at papunta na sa airport. Buong biyahe ay tahimik sila, maliban nalang dito kay Sasa na kanina pang tanong ng tanong kung bakit hindi sumama si Isabela. Ilang beses na rin sinagot ni lola ang tanong niya kahit na naiirita na siya sa apo, hinahabaan niya nalang ang pasensya niya. At heto nag-tanong ulit si Sasa kaya nilingon niya ito at tinignan ng masama.

"Kailan ka titigil sa pagtatanong, Sasa?"

"Hindi namin alam kung bingi ka o kulang ka lang sa pansin. Kasi okay naman na samin na si Rex lang ang KSP, please lang huwag ka ng dumagdag." bagot na wika ni Tanya. Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Tanya. Nakaupo sa passenger seat si lola Teresa. Sa backseat naman sina Rex, Sasa at Claire. Nasa pinaka-likuran namn nakaupo sina Tanya, Lea at Ana.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon